"Paano kapag nagkita kayong dalawa ulit?"
Hindi nawawala sa equation ang tanong na 'yan. Maski si Paul, natanong na rin 'yan sa 'kin noon. Ang palagi ko namang sagot?
"E 'di pasasalamatan ko siya sa ginawa niyang pag-iwan sa 'kin."
Kung hindi dahil sa pag-iwan sa 'kin ni Arden, hindi ko mabibigyan ng pagkakataon ang sarili kong magpatawad at maging mapagpasensya sa proseso. I'm living my best life right now as a Dentist. I have my own dental clinic, I'm living out my purpose, and I am surrounded by the best people.
Engaged na kami ni Paul. Nakapagpatayo na kami ng sarili naming bahay at doon na rin nakatira si Nanay Myrna at Papa. Masaya ako na nakakatulong na 'ko sakanila ngayon.
"And if mag-meet talaga kayo in the near future, I won't stop you, hon. May tiwala ako sa 'yo," ani Paul sa 'kin. Binaba ko muna ang mga damit na iniimpake ko at niyakap siya nang mahigpit.
"Wala namang rason para magkita kami ulit," sabi ko sakanya.
"You don't know that. Maliit lang ang mundo."
Tinignan ko siya sa mata at hinawakan ang pisngi niya, "Mahal kita. Walang magbabago ro'n kahit pa magkita kami ulit o hindi."
"I know, hon. I love you more," he said before kissing my lips.
Hinatid ako ni Paul papunta sa airport. Ngayon ang flight ko papuntang Camiguin para sa Dental Mission namin ng dalawang linggo. Excited ako na may halong kaba. Ito 'yung rush na gusto ko, e. Kapag may nararamdaman akong spark na ganito, alam kong gagawa ako ng isang bagay na maganda.
"Text me when you get there," ani Paul, "Don't forget to put on sunscreen, ah? And stay hydrated, love. Kumain ka sa tamang oras and get some rest din."
"Opo, Dok. Aalagaan ko ang sarili ko kasi walang Dok Bernardo ro'n."
"Aalagaan mo ang sarili mo kasi hindi mo magagawa ang tungkulin mo nang maayos kapag pagod ka," pagtama niya, "I love you so much, hon."
"Mas mahal kita. Alagaan mo rin ang sarili mo, ah? Tatawagan kita."
I've learned about a lot of lives in Camiguin. Maraming mga tao ang hirap magpapagamot dahil sa hindi maayos na sistema. Bukod sa mahal ito, kulang pa sila sa mga healthcare practitioners. My heart was deeply touched to see the smile on their faces after their treatments.
Ito lang naman ang gusto ko. Ang makapagbigay ngiti at serbisyo sa mga tao.
Si Papa ang isa sa mga taong nasaksihan kong magbago ang buhay nang dahil sa mga dentista. Naaalala ko pa no'n, masayang masaya siya sa pustiso na ginawa para sakanya. Hindi ako makapaniwala na isa na rin ako sa mga tinutukoy ni Papa.
Isa na rin ako sa mga dentistang handang ibalik ang nawalang ngiti ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...