Umupo ako sa tabi ni Papa na parang isa lang 'tong normal na araw sa buhay ko. Nakangiti pa 'ko at masayang masaya sa pangyayari ngayong hapon. "Break na kami, Pa."
Napakunot ang noo niya. Binaba niya pa ang diyaryo na hawak niya para tignan ako nang mabuti. "Ano? Break na kayo?" Tumango naman ako.
"Bakit ka masaya?"
"Masaya ako kasi hindi ako nagmaka-awa sakanya, Pa. Hindi pa naman katapusan ng mundo kung iwan niya 'ko."
Tumango siya at ngumiti. "Masaya ako na hindi ka nalulungkot sa hiwalayan niyo, Naya... mabuti 'yang mindset mo na 'yan."
"Hindi naman po toxic ang hiwalayan namin, e. Nalungkot ako, oo, pero saglit lang. Alam ko kasing para sa 'ming dalawa rin 'yon."
It felt strange. Ito ang unang break-up na naranasan ko buong buhay ko. Malamang, first boyfriend ko siya. Pero akala ko ba masakit ang break ups? Bakit wala akong nararamdaman sa hiwalayan na 'to?
"In denial ba 'ko, Pa?" tanong ko sakanya. Baka naman nasobrahan ako sa self-love kaya ganito?
"Ikaw lang ang makakasagot niyan, nakong. Payo ko lang sa 'yo na kapag may nararamdaman kang lungkot, inis, o galit, h'wag mong itataboy 'to. Kailangan mong harapin ang mga emosyong 'yon para maghilom ka."
Tumango ako at niyakap siya. Ngayon ang huli kong araw sa Rizal at masaya ako na nasulit ko ito kahit pa marami akong bagong naramdaman at naranasan. Hinatid ako ni Papa sa Maynila para hindi na 'ko mamasahe. Pagkarating namin sa bahay ni Lola Myrna, niyakap ko siya nang matagal.
"Mahal kita, Papa. Salamat kasi andiyan ka palagi."
Niyakap niya 'ko pabalik at hinagod ang aking likod. "Kahit pa mawala sa 'yo ang lahat, Naya, andito lang ako."
Sinalubong ako ng malakas na tahol ni Ulap. Naiyak ako nang makita ko siya ulit. Iba na ang pakiramdam ngayong hiwalay na kami ng Tatay niya. Naaawa ako sakanya dahil hindi na niya makikita ulit ang Tatay at kapatid niyang si Ulan.
"I love you, my cloud," sabi ko habang yakap siya. Naramdaman ko ang presensya ni Lola Myrna sa likod ko kaya napalingon ako.
"Nakabalik ka na pala, Naya. Ano? Kumusta ang Rizal?" tanong niya.
"Masayang masaya po ako, Nay. Ang sarap makabalik doon."
"Namiss ka nitong si Ulap, e. Pati si Caela hinahanap ka. 'Yong kaibigan mo rin na si Dahlia dinaanan ka rito. May pinapaabot na card. Ito, oh." Inabot sa 'kin ni Lola ang card. May painting ito na dagat sa harap. Binuksan ko ito at nakita ang nakasulat sa loob.
And if not, God is still good.
Very timely ito sa sitwasyon ko ngayon kaya naluha na naman ako. "Salamat, Nay. Dadaanan ko nalang din po si Dahlia para personal akong makapagpasalamat."
BINABASA MO ANG
Ain't Cruel Enough
RomanceA young girl who dreamed of flying fell in love with the dentist's son who gave her grandfather's smile back. She taught him how to dream, he taught her how to grow. He thought that the world was enough, she thought that the world was cruel. The lov...