CHAPTER 18

17 3 2
                                    

"Mahal, oh. Dinalhan kita ng turon, 'di ba favorite mo 'to?"


Napangiti ako nang makita si Arden na may dalang meryenda sa pagbisita niya. "Pa, kain po," pag-aya niya kay Papa na nanonood ngayon ng teleserye. "Sige lang, nakong. Kumain lang kayo d'yan."


Bakasyon na namin ngayon kaya naman nakakahinga na 'ko nang maluwag. Hindi ko na kailangang magtago sa sulok ng classroom o isiksik ang sarili ko sa gilid tuwing maglalakad ako sa hallway. Magaan na ang loob ko dahil hindi ko na nakikita ang mga mapanghusgang mga mata ng schoolmates ko.


"Thank you, mahal," sabi ko naman. Hinalikan ko siya sa pisngi habang nakatalikod si Papa. Natawa nalang si Arden dahil sa pasimple kong halik at binalik sa akin 'yon. Aba, inulit pa nga!


"Sige nga, isa pa nga kung matapang ka," panghahamon ko.


"Ayan ka na naman sa mga hamon mo, e," bulong siya sabay tawa.


It was hard to make new memories. Hindi na 'ko dumadaan sa Lilim kagaya ng dati para magpalamig, bibihira nalang ako kumain ng Turon, at iwas na iwas akong dumaan sa first floor kung saan ang tambayan naming magkakaibigan.


Pero hindi ako sinukuan ni Arden. Alam niya kung gaano kahirap sa 'kin 'to kaya lagi niya 'kong sinasamahan. Sinusundo niya 'ko mula sa school tapos kaming dalawa ang maglalakad sa Lilim. Pagdating namin sa kanto, bibilhan niya 'ko ng Turon, tapos ihahatid niya 'ko sa bahay para samahan akong mag-aral. May mga hapon na tumatawag siya sa 'kin kapag nararamdaman niyang sobrang lungkot ko. Umiiyak ako sa harap niya at sasabayan naman niya 'kong huminga kapag nahihirapan na 'ko.


"Mahal, sabayan mo 'ko, ah. Inhale...exhale..."


He knows how to calm me down. He knows how to love me the way I want to be loved. Wala na 'kong mahihiling pa sa boyfriend kong 'to.


[Hindi ka pa ba inaantok, Nayi?] tanong niya mula sa kabilang linya.


"Hindi pa masyado, Kap."


[May iniisip ka ba?]


"Sila Tiana. Miss na miss ko na sila." Tumingala ako sa kisame para pigilan ang luha ko sa pagpatak. Binilang ko nalang ang glow in the dark stickers na kinabit namin ni Arden noong Valentine's Day. May mga bituin, rocketship, airplane, at buwan. Ang ganda ganda talaga ng mga 'to.


"Tingin mo ba napatawad na nila 'ko, mahal?"


[Siguro mas mabuting lapitan mo sila, Cap. Maiintindihan ka naman nila, e."


"Natatakot ako."


[Take your time, mahal. Tsaka mo sila balikan kapag handa ka na,] he said softly. Gumaan ang loob ko nang marinig 'yon. [Kantahan nalang kita para makatulog ka na.]


I heard the strum of his guitar. Wala pang limang segundo, alam ko na agad ang tinutugtog niya. Little Things by One Direction.

Ain't Cruel EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon