Chapter 13

159 16 7
                                    

Chapter 13





INSIDE the school cafeteria, there is Matthew along with his friends, sitting in one table. Kinagat nito ang sandwich na hawak at napatingin sa unahan kung saan natatanaw nya si Kleez at Aina na nag-uusap.

Matthew scrunched his nose, "Kakasimula pa lang ng maayos na klase, absent kaagad 'yon." wala sa sariling sabi nito na narinig ng dalawang kaibigan nya.

Napatingin sa kanya si Denvee, "Who?"

"Akihiro."

Napatitig ng ilang segundo sa kanya ang pinsan bago unti-unting nag-abot ang kilay nito, "Alam mo Papa Matt, kanina mo pa sinasabi 'yan sa classroom e."

"Tsk."

Timothy grimaced, "Kanina ka pa, Papa Matt." Kapagkuwan ay ihinarap nito kay Matthew ang sampung daliri nya sa harapan ng kanyang pinsan, "Sobra sampu, prensan. Sobra 'yon. 'Bakit ba absent 'yon?' , 'Nasaan ba sya?', 'Palaging wala.' Paulit-ulit iyon, Papa Matt."

Denvee nodded, "Yeah. Muntikan ko na ngang maisip na may sayad ka sa utak. Muntikan na akong maniwala kay Zean. Why do you care that much?"

Kaagad na napataas ang dalawang kilay ni Matthew, "I don't care, Den! What the hell?! Why would I? Tsaka, naiinis lang ako kasi magka-grupo kami sa isang proyekto na'tin at hindi pa sya nakakabigay ng contribution nya. And look, she's absent."

Napataas ang isang kilay ni Tim, "Wow ha? Grabe ka naman mainis. Talagang hahanapin mo magdamag?"

Pinukol nya ng masamang tingin ang pinsan nya, "Shut up! I'm just worried!"

This time, Denvee was the one who raised his eyebrows, "Worried?"

"Worried! Worried about our presentation. Ano pa ba?" Naiiling na sabi nya.

"Just tell her later baka papasok 'yon." ani ni Tim.

Denvee just shrugged while Timothy went back to eating. Napangiwi na lamang si Matt at kumain na din. Nasa kalagitnaan ito ng pag-kain nang matanaw nito si Ina na naglalakad papalapit sa kanila.

"Hi boys!" Magiliw na sabi nito na ikinangiti ng tatlo.

"Hi Ina." sabay na bati nila. Ngumiti lang ito bago bumaling kay Matthew. "Excuse me, Matthew. I just wanted to ask if anong oras kami pupunta sa bahay nyo for our group presentation? Tsaka 'yung address mo na din."

"Let's talk together as a group nalang if it's okay, kung anong oras available 'yung iba. Tsaka wala pa sila Akihiro, ipaalam na muna na'tin sa kanila. I'll contact you nalang." sagot ni Matthew na ikinatango ni Ina.

"Sure. Here. Just text me later. Baka kasi nasa office ako kapag napag-desisyonan nyong magmeeting mamaya. At ayokong mamiss iyon." sabi nito at tsaka inabot sa kanya ang isang maliit na papel na may numero kaya napatango ito at ngumiti.

Nang maiabot iyon kay Matt ay hindi na din ito nagtagal pa at tuluyan nang umalis para pumunta sa opisina ng student council.

"Nga pala, magsisimula na daw ang practice mamaya sa mga sports sabi ni Mr. Alforte. Kaya tayong mga players excuse tayo sa pang-hapon na klase para mag-training." biglang sabi ni Tim.

"At Matt, nasabihan mo na ba ang ibang members natin? Baka hindi kasi nila alam na ngayon magsisimula." dagdag naman ni Denvee na kaagad ikinatango ni Matthew.

"Yeah I informed them yesterday. Nag-text na din ako sa kanila kanina ng reminder." tugon nito habang kumakain.

"Tayo ba pupunta sa university nila? O sila pupunta dito? You know, sa final game." tanong ni Timothy at nagkibit-balikat lang si Matthew.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon