Chapter 3

5.9K 166 5
                                    

Nakakahiya. Nakakahiya. Nakakahiya! NAKAKAHIYA!!

>///////////<

Bakit ba kasi ako naubusan? Aish. Nakakabadtrip!

Flashback

"Kathryn, bakit ang bilis mong magalit?" Katsumi

"Dahil sa inyo"

"PMS?" Lester

"Gag*"

"Gwapo. Ako yun" Seth

Tumayo na ako na sakto naman na tapos na akong kumain. Nakakainis kaya silang kaharap. Tapos ganyan pa ang sinasabi nila. Wala pang isang oras ah. Feeling close na sila

"Uhmm... Kathryn?"

"ANO?!" sigaw ko sa kanila. Ayan tuloy. Nakakabadtrip naman kasi eh

"A-ano.... yung red dot sa likod ng p-pants mo?"

O///////O

Agad akong tumakbo papunta sa CR. Wahhh! Bakit lalaki pa ang nakakita? Nakakahiya! >//////<

Meron pala ako ngayon?! Kaya ang bilis kong magalit eh

Tinignan ko sa rack yung pad ko.. Teka.. naubusan ba ako? Eh?! Wahhh!

Oo! Naubusan ako! Ang malas ko!

Magpabili nalang kaya ako? Hindi na... kasi naman. Matapos ko silang sigawan...

No choice ako. No choice

Lumapit ako sa may pinto, "Singkit-- este Katsumi! Pwedeng magpabili?!" sigaw ko para marinig nila

"Ha?!"

"Magpapabili lang ako ng pad!"

"Anong pad! Ipad?! Papel na pad?! Ipod?!" napatampal ako sa noo. Syempre hindi nila alam yun Kathryn! Lalaki nga sila eh

Nakakahiya naman kasi kapag sinigaw kong 'napkin' "Ano... uhmm.. Magpapabili lang ako ng whisper!" sigaw ko ulit

"Hindi na bibili ang bulong!" rinig kong sigaw ni Lester. Pilosopo naman oh.

Hay. Paano na yan. Magtatambay nalang ba ako dito sa CR? Habang buhay? Eh hindi nila naintindihan eh. Lalo na at mga lalaki sila.

Ilang sandali pa, nakarinig ako ng katok mula sa dito sa pinto kaya binuksan ko ng kaunti.

Tapos nakita ko si Mr. Sungit na may hawak na supot. Hmp. Iinisin na naman niya ako. Isasara ko na sana yung pinto nang ibigay niya sa akin yung supot

"Hindi ko alam kung ano yung wings wings na sinasabi. Kaya dalawa nalang ang binili ko" tinignan ko muna yung supot pero kinuha ko rin

Napangiti ako dahil sa 'wings wings' na sinabi niya. Pagtingin ko doon, dalawang pack. With wings at without.

Kaso.. paano siya nakabili? Eh lalaki nga siya?

End of Flashback

"Anong bagay ang may pakpak pero hindi lumilipad?" tanong ni Lester at nagpipigil ng tawa. Bagay? Na may pakpak? Bagay nga eh. Paano makakalipad?

"Alam ko yan bro!" proud na sinabi ni Katsumi. Nagtinginan silang dalawa at ngumiti ng nakakaloko.

"Napkin!" nasamid ako nang marinig ko yun. Hindi ko alam kung trip nila yan o inaasar nila ako. Peste naman oh..

"Bakit hindi ginagamit ang napkin para sa mga sugat? Kahit na dugo ang inaano." Seth. Peste. Napkin talaga ang topic nila? Inaasar ata nila ako eh. Tsaka yung 'inaano'

"Bakit?" tanong nilang tatlo.

"Kasi, yun ay perfectly fit para--" O.O

"Hoy! Alam ko kung ano sunod niyan. Gusto niyo, tapalan ko kayo ng--" eh? napkin? >///< "Ng packing tape para tumahimik kayo?" hirap naman magpalusot pag sa kanila. Parang hindi mo matatakasan.

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon