Chapter 24

4K 118 7
                                    

"Are you jealous?"

"Are you jealous?"

"Are you jealous?"

Wahhh! Tigil na! Tama na! Parang gusto ko nang aminin eh! Kainis!

"Ako?! Naseselos?! Ha-ha! Mas gusto ko pa nga si Enrique kesa sayo eh!"

Oppss.

Wrong move.

Shet. Ano bang sinabi ko? Mali mali. Joke joke ko lang yun. Syempre para hindi niya isipin na nagseselos ako noh. Tsaka, para na rin hindi aiya maghinala na may gusto ako sa kanya. Hay. Nadamay na naman siya

"Geh.." tapos umakyat na siya sa taas. Teka.. don't tell me pupunta siya sa kwarto ko para kausapin yung mga kapatid niya? Pwede naman eh

"Muntik ka na Kath! Grabe! Hahaha. Ang cute mo pag namumula!" sabi ni Lester at pinisil pa yung pisngi ko. Aba. Pinagdiskitahan -__-

"Kath, iba naman yung ibig naming sabihin na lumaban ka eh" natatawang sinabi ni Katsumi at binatukan si Jc

"Teka! Bakit ka namamatok?!" kaya ayun. Nagtawanan kami. "Puntahan mo kaya sina Magui? Wag kang mag alala, kami na ang mag aayos sa kusina"

"Sipag ah!"

"Hoy Jc! Ikaw ang nagsabi niya ah! Hindi kami tutulong!"

"Naman eh! Patulong na please! Sige na baby Seth"

"Iwww! Lumayo ka nga sa akin! Sabi na nga ba eh! Matagal ka nang may pagnanasa sa akin! Leche!" napailing nalang ako habang paakyat sa kwarto ko

Kasi mukang nag uusap usap sila ng kuya niya kaya.. mageeavesdrop muna ako. Hehe

"Kuya, why wouldn't you tell her kasi?" halatang si Magui yun. Teka.. ako ba yung pinag uusapan nila? Tsaka anong sasabihin?

Sino yung 'her'?

"Eh alam mo naman yung babaeng yun. Pag ako nagsalita, hindi naniniwala"

"Torpe.." mahinang sinabi ni Magui at alam kong narinig nila sa loob yun

"Edi sabihin mo kila tita. Kasabwat mo" sabi ni Lelay

"Yung mga magulang ni Kath? Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Kasi nung nalaman niyang titira kami sa bahay niya, nagalit siya. Pero napilitan siya. NAPILITAN"

"Tsk tsk. Manhid mo kuya no? Sayang kasi may sinabi sila sa akin pero I promised not to tell to you. Behh!" ano naman ang sinabi nila sayo Magui? At sino? Yung apat na gunggong ba? Bad influence na ba sila sayo? Huhu. Baka ako ang makasala eh

"Hoy! Anong sinabi nila? Kundi kikilitiin kitang bata ka" bakit ibang iba siya pag ibang tao? Nagpapakitang tao lang ba siya? O talagang ganun na ang ugali niya pero iba lang ang pakikitungo niya sa akin? Hmmm...

"Alam ko rin kuya!" sigaw ni Lelay, "Pero hindi ko sasabihin. Bwahahaha" napatawa nalang ako dahil sa inaasal nila. Buti pa sila kayang lokohin ang kuya nila. Baka kapag ako nagloko, hindi pa ako nagsasalita, galit na agad. Susungitan na ako -___-

*knock knock*

Okay Kath. Magpanggap ka na walang narinig. Okay?

Pumasok ako sa kwarto at nakita ko yung dalawang bata na nakahiga sa kama ko habang kinikilitian ng kuya nila. Napansin naman nila ako at agad na tumayo

"Ay oo! Uuwi na pala kami! Nasa labas na yung kotse!" teka. Wala naman akong narinig ako kanina ah. Wag mong sabihin na may binabalak itong si Magui at Lelay...

"Tara na ate! Uwi na tayo. Hihi" may balak silang iwan kaming dalawa dito. -___-

Bumaba na nga sila at narinig kong nagbukas na yung pinto sa baba. Hay. One word to describe our situation...

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon