Chapter 5

5.8K 143 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm ko at para makapaghanda na rin para sa pagbabalik ng apat na bruhang yun.

Pumunta ako sa CR at hindi mapigilang ngumiti dahil sa mangyayari mamaya. Nakilala ko silang apat noong first year ako. Nagbabasa ako ng notes ko tapos bigla nalang silang tumabi sa akin at nakipagkilala. Mahilig sila sa mga kanta kaya naisipan naming bumuo ng banda. Nanirahan natin sila dito sa bahay dahil doon

Pagkalabas ko nang CR, agad akong nagbihis ng pambahay at dumiretso sa kusina nang may mapansin ako sa sala.

"Bakit gising na kayo?!" sabi ko sa kanila. As in... gising na gising at bihis na bihis. Naman oh!

"Syempre, gusto naming imeet yung mga kabanda mo!" masayang sinabi ni Lester at may tinignan sa phone niya

Umirap nalang ako at dumiretso sa kusina. Magluluto na sana ako nang may napansin akong mga pagkain sa mesa. Pati ito pinaghandaan nila?! Ano bang gusto nilang palabasin?!

"Wahhh! Magnanakaw!"

"Gwapong magnanakaw?! Mahiya ka naman!"

"Diba sinabi ni tita na may limang lalaki dito?!"

Agad akong tumakbo papunta sa may sala at nakita ko silang apat na nakatayo sa harap ng limang lalaking nakatayo. May hawak na mga maleta at tuwang tuwa pa sa limang lalaking nasa bahay ko

"Sila ba ang nagpapabadtrip sayo?" natatawang tanong nila sa akin. Wow ha. Akala ko naman, kakampihan nila ako

Lumapit sila sa akin at niyakap ako, "Mukhang nagkamali kayo ng hinala. Sila ang--"

"Kilala namin. Parking 5 diba?" rinig kong bulong nito kaya binatukan ko

"At the first place, kilala niyo na sila dahil sa sinabi ni mama at alam niyo na rin na may mga lalaki dito?" inis na tanong ko sa kanila

"Sort of" nagkibit balikat sila

"And!" napatingin ako sa babaeng toh, "Sabi ni tita, lilipat tayo sa isang bahay na pwedeng akming tumira. Yung kasya tayong lahat!"

Napatingin ako sa limang itlog na nasa likod nila, "Ofcourse sasama sila dahil sa babantayan din nila kami" sinamaan ko siya ng tingin

Tsk. Sabi na nga ba, ibibilin din ni tita at tito na ipabantay sa limang yan. Magkakakilala ba talaga sila?

"Ehem.." napatingin kaming lima sa mga itlog, "Hindi mo pa kami ipapakilala, Kath" simpleng sinabi ni Katsumi. Hinampas naman ako nitong katabi ko. Wow. Inlove? Ganun?

Umirap lang ako at napatingin sa mga babaeng kasama ko, "Itong katabi ko, Si Daezen Mae Timog. Vocalist" tapos kinindatan siya ni Katsumi. Iww.

"Si Mae Felisandrea, keyboardist." tinuro ko yung maikling buhok. Tapos si Lester naman ang nakipaglandi, "Si Krishna ang drummer at si Nathalia na kasama kong gitarista, the bassist." tapos ayun, nakipaglandian na sila

"Tara na?" tanong ni Mae habang nakangiti

"Saan?" iritado kong tanong

"Sa bagong bahay." Daezen

"Yung mga gamit, ipapadala nalang natin. Gusto ko nang matulog ulit para makapasok na ako sa Padilla University!" pagtitili ni Nathalia at tumalon talon pa

Lumapit sa akin si Krishna at bumulong, "Nakakabadtrip sila noh? Magkakampi nalang tayo" sabi niya kaya napangiti ako. Okay! May kakampi na ako para diyan sa mga itlog na yan

---

"Anong masasabi mo tungkol sa bagong bahay mo? Binili yun ni tita para sayo pero makikibahay lang kami" sabi ni Mae at hinarangan ako.

"Malaki, maganda. May pool, may tatlong room na para sa akin yung isa. Kayong apat sa ikalawa at silang lima sa pangatlo. May kusina, may sala. May tv, may cr. May dalawang band room. Kompleto. Ano? Masaya ka na sa sinabi ko?" tapos natahimik naman siya

"Akala ko ba galit ka sa amin Katsumi? Bakit ka nakikipaglandian diyan?" sabi ko habang nakatingin sa daan ko

"Sinabi niya yun?" takang tanong ni Nathalia at tumingin sa lima

"Oo." maikling sagot ko at pumasok na sa classroom. Dahil sa may connections naman ang mga kagulang nila, agad silang naitransfer dito sa PU.

"Sila na ba yung Perfect 5?"

"Oo. At kalaban sila ng Parking 5"

"Eh bakit sila magkasama?"

"Ewan ko." bulungan na naman.

Magprapractice nalang kami mamaya sa bahay. Namiss ko na rin yung pagjajamming naming lima. Hay. Tapos kasama parin namin yang limang ugok na yan

---

"Is something distracting you Kath? Hindi ka makaalis sa G-chord" reklamo nila at tinignan nila ako.

Distracting?! Well, yung sungit lang naman na yun! Argh!

Tinaggal ko yung earphones ko at tumayo, "Sa kusina lang ako. Iinom ng tubig" sabi ko at nilapag yung gitara ko

Flashback

"Hoy"

"Kathryn ang pangalan ko"

"Kinakausap kita,"

"Yung likod ko?" nasa likod ko siya tapos nagsasalita siya. Edi yung likod ko kausap niya

"Ano bang problema mo?" naiinis niyang tanong. Aba. Siya pa ang naiinis ngayon?

"Wala. Tumahimik ka nalang diyan. Nag aayos ako dito" inaayos ko yung kabibili kong strings at nilalagay yun sa gitara ko

Kaso napatigil ako nang bigla niya akong nilapitan at... ito! Nasa harap ko siya at nakangiti na parang aso. "Wag mong sabihin na gusto mo ako"

End of Flashback

Diba?! Sinong maiinis dun?! Gusto daw. Eh wala pa sa balat niya yung nagugustuha ko eh

"Bakit nandito ka?" sinusundan niya ba ako?

"Bahay ko to. Wala kang pakealam" sabi ko sa kanya

Kung masungit siya, edi magsususngit din ako! Para magkausap kami ng matino. Bahal siya sa buhay niya

Hindi siya nagsalita at kumuha ng tubig mula sa ref, "Second voice ka diba? Bakit malamig na tubig iniinom mo?" (>___<) Nagkataong sabay pa kami ng sinabi. Tsk. Siya kaya yung naunang manggaya

Aalis na sana ako nang nagsalita siya, "Sinong may sabing masungit ako?" tanong niya. Wahhh! Paano niya nalaman yun? Baka... sinabi na naman nung tatlong bruha? Makakatikim talaga yun sa akin

"Ako. Bakit," humarap ako sa kanya, "May problema ka? Masungit ka naman talaga eh" tapos umalis na ako doon. Edi ako na rude. Wala akong pakealam

Umakyat na ako papunta sa band room at kinuha na muli yung gitara

"Start na. Bukas na yung contest"

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon