Chapter 25

3.9K 113 5
                                    

After nung gabing pinost yun ni Magui, naglantaran na yung mga fandom ng 'KathQuen' kuno. Pangalan ko daw yun at pangalan ni Enrique. Hindi nga ako sikat, pero naging sikat lang naman ako simula nung GGV at yung KathNiel. Mapashowbiz man o sa school o sa labas ng school. Ngayon damay na naman si Enrique.

"KathQuen is so perfect *attached picture na nagtatawanan kami*" ganun ba kabilis kumalat yun? Si Magui naman kasi eh. Syempre anak yun ni Tita Karla. Artista siya. Wahhh!

"KathNiel is 👎 KathQuen is ❤️" kaya eto ako ngayon. Tinitignan yung #KathQuen na kanina pa trending. Ano bang meron sa amin ni Daniel at naging loveteam agad? Hindi naman kami nagpansinan noon sa GGV. Peor ang saya lang dahil parang boto sa akin yung mga fans niya

Pero nasa second spot din yung LizNiel. -___- Tambalan ni landi at ni Daniel

"Kung merong KathQuen, merong LizNiel. Laos na yang KathNiel na yan" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nabasa ko. Syempre... nandun na naman pangalan ko.

"KathNiel forever! *attached picture na stolen kaming dalawa*" hindi ko alam kung kelan to nakunan pero atleast, may solid parin.

*knock knock-- bukas pinto*

Agad ko namang sinara yung laptop ko dahil sa pagkatok....

Yung apat

Asan si Daniel? Nakatulog na kaya siya?

"Kath~! Si Lester oh! Kinukuha yung brief ko!" sabi ni Katsumi at kumapit pa sa braso ko.

"Teka... bakit niyo pinag uusapan yung tungkol sa ganyan?! Babae ako! Babae--"

"Weh? Parang hindi-- aray! Oo na! Babae ka!" si Seth yan. Hahaha. Hindi daw..

Nag away away silang apat dahil sa hindi na sila naghihiraman ng ano... brief. Tapos maya maya pa, pumasok dito si Daniel

Teka.. kompleto sila. Nakapantulog na.. ibig sabihin..

"Wahhh! Matutulog na naman kayo dito?! Ayoko! Ayoko! Alis!" kahit na sa sahig lang sila, ayoko! Lalo na at nandito pa si Daniel.

Tinakpan naman ni Jc yung bibig ko kaya pinagpapalo ko siya. Pero wala lang sa kanya yung mga palo ko (kasi taong braso siya) -___-

Binatawan niya naman ako at sinamaan ko siya ng tingin, "Kasi sasabihin namin sayo yung tungkol sa pag aartista ni Daniel" sabi ni Lester. Ngumiti ako... ng pilit.

Kasi.. kung sisikat sila, wala na silang time makipagkulitan sa akin. Tapos wala nang tutulong sa akin sa pagluluto..

"Kasi ano... tinawagan ni Vice si Daniel kanina. Tapos kailangan na daw yung desisyon niya hanggang ngayon. So... gusto namin, ikunsulta ka muna"

"Hala.. meaning kapag hindi ako pumayag, ayaw niyo na? Wag naman ganun noh! Nakakahiya! Pagkakataon niyo na sisirain ko pa" nag aalinlangang sinabi ko sa kanila

"Kasi naman... oo sisikat kami. Pero yung problema, yung mga stalkers namin. Malalaman nila itong bahay tapos makikilala ka nila."

"Edi sabihin niyong yaya ako-- wahhh! Aray naman eh" nagpout ako nang batukan nila ako

"Kilala ka na nila bilang Kathryn" poker faced na sinabi ni Daniel sa akin. Oo nga no. Tama sila..

"May balak kayong maglipat?" malungkot na tanong ko sa kanila

"Syempre hindi noh! Nangako kaya kami sa mga magulang mo na babantayan ka namin kahit naong mangyari"

Natahimik kami konti..

Kung papayag ako.. maraming camera sa paligid. Lalo na at sumisikat na sila. Pero kung malaman nila na kasama ako, yun ang hindi ko na alam. Pero alam ko namang hindi nila sasabihin kasi nangako sila. Yeeey!

Pero yung kinakatakot ko lang ay yun... pag aartista ni Daniel. Syempre susunod si Liza. Tapos yung loveteam nilang nagawa sa twitter at insta, baka maging tambalan sila sa isang palabas.

"Payag naman talaga ko diyan eh. Syempre pangarap niyo yan" nakangiting sinabi ko. Hayaan na. Pangarap na muna nila ang intindihin ko bago ang akin. Magpaparaya muna ako sa ngayon

Kung pwede nga lang... sundan ko sila eh. Kaso hindi ako marunong umarte. Hehe.

"Weh? Napipilitan ka lang eh," binatukan ko si Seth

Ngumiti sila nang malapad at niyakap ako, "Salamat talaga Kath! Salamat! I love you so much!"

"Oy! Mas love ko si Kath!"

"Hindi! Mas love ko siya!"

"Yieeeh! Ako ang love ni Kath kaya love ko rin siya!"

Ang landi nilang apat ah. Pwede namang kaskype namin sila Daezen para maglandian silang walo dito.

"Oh siya. Matulog ka na Kath at maaga ka pa bukas," sabi ni Lester at hinalikan ako sa noo. Yup. Ganito ang ginagawa nila sa akin every night. Kasi parang kapatid na daw ang turing nila sa akin

Patalon talon pa silang umalis ng kwarto ko. "Good night!" sabi ko.

Yung kiss ni Daniel sa noo ko... walang malisya para sa akin. Kasi.. turing niya sa akin that way ay parang kapatid. Hindi naman niya ako mahal bilang isang babae...

Humiga na ako sa kama na may lungkot akong nararamdaman. Sa totoo lang, ayokong matapos ang raw na to. Parang ayoko kasing sumikat sila. Na isang araw puro ibang babae nalang ang nakapaligid sa kanya para magpapicture, magpa autograph, magpapahug or kiss.

Hay. Parang isa nalang akong alikabok para sa kanila.

Ayokong mangyari yun. Syempre, tinuring ko na rin silang pamilya ko habang wala sila mama at papa. Naging mga kuya ko na nag aalala, nagproprotekta.

***

Absent ngayon yung lima. Magsisign daw kasi sila ng contract sa ABS CBN. Kaya eto ako ngayon, lonely. Mabuti nalang at wala si Liza. Nandun din para pumirma. Nakakabadtrip nga eh

Pero mabuti nalang nandito si Enrique. Kaso, pinagbubulungan na naman kami. Oh diba, sa magandang nangyayari, ang daming tutol. Leche. Kainis!

"Kath , yung phone mo nagriring. Di mo ba sasagutin?" napabalik ako sa diwa nang magsalita si Enrique sa tapat ko.

Napatingin ako sa phone ko nang nakita ko yung pangalan ni Katsumi na tumatawag, "He--"

"Wahhh! Kath! Grabe ang daming magaganda dito! Ang daming chicks!" bungad niya sa akin. Nilayo ko pa yung phone ko dahil sa lakas ng sigaw niya. Magtratraydor na ba siya kay Daezen?

"Alam mo Kath, agad nila kaming tinanong para magperform sa ASAP! Gusto mong manood? Pwede naming irequest"

Napatingin ako kay Enrique. Nakaka OP naman. Tapos nakakahiya pa dahil pupunta ako doon, "Titignan ko nalang Lester. Baka kasi may gawin kaming activity ni Enrique. Pakisabi nalang sa iba ha. Manonood nalang ako sa tv"

"Eh? Pero iba parin pag sa personal. Ipapakilala ka rin namin sa mga ibang banda o sa ibang artista"

"Sorry ha. Nagbigay kasi yung Mapeh teacher natin ng project. Sayaw yun eh. At partner ko si Enrique. Magprapractice kami sa weekends" pagkasabi ko nun, walang nagsalita, "Hello?"

"A-ahh. G-ganun ba? Good luck Kath ah! Ibababa ko na yung tawag. Tinatawag na kasi kami. Babye! Teka! We miss you na pala! Bye ulit!" kahit papaano, napangiti ako. Pero sumimangot din ako

Nagsisimula na...

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon