Chapter 6

5.5K 139 4
                                    

"Please! Sige na Daniel! Kailangan din naman naming magpractice kagaya niyo eh" Daezen

"Hoy. Kanina pa kayo nakikiusap diyan ah. Kung ayaw niya, edi ayaw. Kalaban natin sila mamaya. Wala tayong magagawa" sabi ko at hinila na sila

"Eh? Ikaw nga yung hindi makaconcentrate sa pagtugtog kagabi tapos ayaw mong magpractice tayo? Edi matatalo tayo" Mae

Tinignan ko sila, "Kahit naman na magpractice tayo, siya at sila ang dahilan kung bakit tayo mananalo o matatalo sa contest. Walang mangyayari" sabi ko at binitawan na sila

Umalis na ako doon. Siya ang may ari nitong school kaya pwede silang mag excuse para lang sa contest. Pero kaming lima, wala. Nganga

"Tutulungan namin kayo pero tandaan niyong magkalaban tayo sa contest"

ANO?!

---

"O-M-G! Kyahhh! Nabalitaan ko na ginawa niya ito dahil sayo!" nagkatinginan kami ni Nathalia. Kanina pa sila nagtitilian. Buti nalang at nakaearphones ako. Edi sana, basag na eardrums ko ngayon. Pero dahil sa sobrang lakas ng tili nila, naririnig ko pa rin

"Magprapractice tayo o tilian nalang. Ikaw Daezen, tumigil ka sa pagsisigaw ha. Pag tayo natalo mamaya.." banta ko sa kanya. Natahimik naman siya at puwesto na

Mamayang 8 magsisimula yung contest. 6 palang naman kaya magprapractice muna kami. Hindi ko pa kinakausap yung sungit na yung dahil dito. Ilang ulit na naming tinutugtog yung kanta at mukhang okay naman. Hay.

Si Nathalia, inis na inis sa Jc na yun. Inaasar daw kasi siya. Kaya lumalapit nalang siya sa akin dahil alam niyang hindi ko sila gusto. Mabuti nga at nandito siya para man lang may makasama ako. Etong tatlong bruhang to naman kasi, nakikipaglandian. Tsk

Sa kamaang palad, pansamantala lang sila dito. Nakakainis nga eh. Nandito lNg daw sila para sa contest at hampasin ako ng kilig dahil sa limang itlog. Grabe sila.

"Kathryn Bernardo soon to be Padilla este, soon na pupunta sa contest mamaya, magbibihis na po tayo." napabalik ako sa diwa ng magsalita si Krishna kaya tumayo na ako

Alam na nila kung sino kami. Dati rati kasi, balot na balot ang mga mukha namin pagdating sa contest. Pero hindi namin namalayan na may kakompitensiya pala kami. May kumakalaban pala sa amin. Yun ang Parking 5. Kaya pala sa mainit na ang dugo ko sa kanila. Ewan ko kung bakit.

Yung permanenteng kulay ang isusuot namin. Ako, yellow. Si Daezen, pink. Krishna, red. Mae, blue at si Nathalia na grey. Kaya itong suot namin, parepareho ng design pero magkaiba nga lang ang kulay

"Tara na.." pag aanyaya ko sa kanila. Tumango naman sila dala dala ang mga instrumentong gagamitin namin. Sakto pagkabukas ko ng pinto, bumukas rin ang pinto ng limang itlog

"Wow! Ang ganda natin ngayon ah!" Katsumi

"Pati ikaw maganda?" pambabara ko sa kanya. Nagpout naman siya tapos nagtago sa likod ni sungit. Noong nakita niya ako, narinig ko yung pag 'tsk' niya at tumingin sa ibang direksyon

"Good luck ha!" rinig kong sabi ni Jc

"Dalawang banda na magkalaban tapos nagbabatian? Wow lang ha" rinig kong sinabi ni Nathalia

"Eh ano bang pakealam mo?"

"Wala. Pero Ikaw ba meron?"

Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na sa van. Tinext ko si manong kanina at nagpasundo. Kaya eto kami. May nakita rin akong isang van sa likod nito pero binalewala ko nalang. Tinulungan ni manong na dalhin yung pinaghiwalay na mga parte drums at nilagay yun sa likod ng van.

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon