Chapter 47

3.5K 144 7
                                    

Hi @gwynlovz and @ilovepizzzzaa

_______

Hindi parin ako pinapansin ni Dj. Nung isang araw pa yun eh! Good news yun no. Nararamdaman ko na talaga na nawawala yung nararamdaman ko para sa kanya.

61% na siguro ako. Grabe. Muntik na nga sa kalahati! Yey! At nagpapasalamat ako kay Dj na hindi ako pinapansin ngayon dahil sa ginawa ko the last day. Hahahaha!

"Oy Kath. Alis na kami ah" kinalabit ako ni Lester tapos sinabi niya yan.

"K" tapos pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Pero alam niyo, gusto ko rin kasi yung okay kami ni Dj para sungitan niya ako. Hmmm...

"K for Katsumi!" Katsumi na nagsasayaw

"Dj~" pagtatawag ko sa kanya pero nakaearphones siya kaya tinanggal ko. Sinamaan niya pa ako ng tingin, "Peace na tayo uy." sabi ko pero wapakels lang sa kanya

"Dj~"

"Ano?!"

60% Hihi

"Peace na tayo ha." para sungitan mo ako at manalo dito sa game na to

"Ayoko"

"Dj naman eh"

"Ayoko"

Hmm... Paano ba mapaamo itong si Dj? "Pupuntahan ko sila Lelay mamaya"

"Ayoko parin"

"Aayusin ko kwarto niyo"

"Ayoko~"

"Uhmmm.. maggigitara ako. Gusto mo?"

"Ayoko. Baduy ka maggitara eh," yahhh! 59%! ^_____^

"Kakantahan kita. Dali na. Peace na tayo"

"Pangit ng boses mo" 58%!

"Ehhh..." paano ba to pakisamahan?

*ting*

Aha! Alam ko na!

"Sige ka. Maaga naman kayo uuwi ngayon kaya magluluto sana ako. Hmm.. Kaso di kami peace ni Dj kaya wag nalang"

"Tsk. Oo na. Magluluto ka mamaya ha." yey! Okay na kami!

"Peace na tayo?" tumango siya. "Yahhh--"

"Shhh." silang apat tapos kasama yung librarian. Nagpeace sign nalang ako sa kanila at tuminginulit kay Dj

"Ano ba. Tol alis na tayo. Sapakin-- aray! Sabi ko nga hindi eh"

"Bye! Ingat kayo!"

Yey! Malapit na akong manalo! Kamusta kaya si Quen? Hihi. Kung gumawa din kaya ako ng paraan para manalo ako?

I mean.. para dumagdag ang percent niya

Wala namang rules eh. *smirk*

***

"Hi Quen!" bati ko sa kanya at umupo sa tapat niya. Nagsimula na akong kumain sa harao niya habang nakangiti

"U-uy. Kath. Hehe"

"Shet 70%" rinig kong bulong niya kaya pinipigilan ko yung tawa ko. Hahahaha. Ibang klase ha

"Alam mo ba na ibang klase ako maglaro?" ngumisi ako na siyang napakunot yung noo niya, "Mahal kita Quen." pfft

"90%" bulong niya. Wahhhh! Ang bilis naman nun

Lumapit ako sa kanya na parang ikikiss siya. Hahahaha. Maloko nga itong si Quen, "95%" what the. Hahahahaha!

"Alam mo Quen.." lumapit pa ako sa kanya na parang nang aakit

"I..."

"I?"

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon