Chapter 37

3.8K 114 3
                                    

Maliliit na gagamba na nakasabit sa sanga. Lalalalala~

"Kath!" lumingon ako sa likod ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pangalan ko? Yash!

Nanghihina na ako. Ang lamig lamig! Nasa Baguio ba ako? Brrrr...

"Kath!" ako ba yun? Ahh! Oo ako nga! Palapit kasi siya sa akin eh.

Ang bigat na nang katawan ko. Gusto ko nang matulog. Feeling ko kasi, panaginip lang to. Gusto kong gisingin ang sarili ko at matulog ulit para sa magandang panaginip.

Hindi ko na lulunukin ang mga sinabi ko. Kasi ayokong masaktan. Ayoko na siya yung unang mahal ko pero unang tao na magdudulot ng sakit sa puso ko.

Gusto ko yung tao na mahal ko, mahal ako. Yung nagmamahalan kaming dalawa. Para wkaang nasasaktan

Nakita ko yung mga mukha nila at ngumiti ako.

Then everything went black

***

Enrique's POV

Umuulan. Normal lang sa na umulan kasi sa tag ulan din naman. Pero para kasing may kakaiba eh. May masama akong kutob..

*ringg*

Tinigil ko ang paghahalo ng sopas at agad na tinignan yung phone ko.

Unknown number. Pero sinagot ko naman kasi mukhang importante. Baka si Kath to at nakitawag--

"Hello Quen? Sorry kung tumawag kami ha. Si Kath kasi, ang taas ng lagnat." sabi na nga ba eh. Kaya may masama akong kutob, "Kung pwede sana, magdala ka ng pagkain. Hindi kasi namin alam magluto eh," napatingin naman ako sa sopas na niluluto ko

"Okay okay. Kamusta na siya?" kalmadong tanong ko kahit na sa kaloob looban ko eh nag aalala na ako. Si Kath.. tsk

"Yun nga eh. Hehe. Di namin alam"

"Uhmm.. ano. Basa pa yung damit niya? Tanggalin niyo. Tapos--"

"Tanggalin?! As in?! Hoy hindi kami manyak no!"

"Leche ka Lester napapaghalataan ka. Edi magpiring kayo! Tsk. Nilalamig ba siya?"

"Oo eh. Nanginginig na siya dahil sa ulan,"

"Nagpaulan siya?!"

"Dalian mo na kasi para ikaw na!"

"Oo na!"

Binaba ko na yung tawag at hinanda na yung sopas. Saktong sakto dahil nilalamig siya. At para sa may lagnat.

"Ma aalis muna ako!" sigaw ko. Narinig ko naman yung pagtatanong niya pero hindi na ako sumagot dahil sa pagmamadali ko

Si Kath.. tsk. Ano bang nasa isip niya at nagpaulan siya?!

***

Pagkarating ko sa bahay niya, bihis na siya. Mabuti naman.

"Ihanda niyo na ito oh. Mainit pa yan" sabi ko sa kanila at binigay yung bitbit kong sopas. Nilagay ko yung kamay ko sa may leeg niya. Ang init niya nga

"Katsumi, pwede bang kumuha ka ng maligamgam na tubig. Tapos bimpo. Tsaka, gamot na rin" sabi ko. Tumango naman siya at nagmadaling umalis

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa dalawang to. Nagkatinginan pa silang dalawa at sabay na napabuntong hininga

"Si Kath kasi... I mean kami, pumunta sa set nila Daniel. Tapos si Liza, iniba yung script-- yung about sa halik. Tumakbo si Kath palayo dun at sakto naman na umulan. Tapos sinundan siya ni Daniel pero hindi na namin alam ang nangyari." pagpapaliwanag ni Seth sa akin. Dumating naman yung dalawa na dala dala na yung pagkain at bimpo

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon