Chapter 43

3.5K 109 2
                                    

As I promised, eto na ang tatlo!

__________________

Grabe si mama. Nagbibiro lang pala siya sa surprise na sinasabi niya. At eto ngayon, nagtatawanan na kaming anim dito sa table. Kasama namin si Quen at paunti narin ng paunti yung mga bisita niya. 10pm na. Wala naman masyadong nangyari sa pagiging muse ko. Pero.. kanina pagkatapos naming magsayaw ni Quen, matraming nakakita syempre. Lalo na yung pagyakap niya sa akin. Nakarinig ako ng mga bulungan galing sa classmates ko.

Tapos lalo na yung Liza na yun. Sinabing "Mabuti nga. Wala na akong kaagaw" tapos sabi nung haliparot niyang kasama "Alam mo naman na may gusto ako kay Enrique diba? Please Liza"

"Edi gawin mo ang gusto mo. Walang pumipigil sayo" sa sinabi niyang yun kanina, kinabahan na ako. Alam kong may masamang mangyayari sa Lunes. At alam kong tungkol sa akin na naman ito

Itong si Katsumi, medyo lasing na. Sinabi sa akin ni Lester na baliw daw yan kapag lasing. Baliw na baliw

"Hoy Leshter *hik* ubushin mo to!" sabi ni Katsumi at tinaas yung baso na puno ng wine. Natatapon pa nga eh, "Gushto kong magpakabakla ka! *hik* Hahahaha!"

"Wengya! N-nakalimutan ko! May g-gagawin pa pala a-ako! Hehe"

"Tol, baka naman natatakot ka" sabi ni Seth habang nakangiti na parang aso. Don't tell me may kakayahan din si Lester kapag nalalasing? Hahahaha

"H-hindi ah. B-bakit naman ako matatakot?"

"Hahahaha! Si Lester pala ang lasingin natin para maging bakla siya! Hahahahaha!" Jc

Pinatulungan nila si Lester na painumin ng alak nang may napansin ako.

Asan si Dj? Nakauwi na daw si Liza eh. Asan siya?

Si Dj na naman hinahanap mo Kath. Meron na si Quen oh

Maya maya pa, tumigil yung apat tapos umupo ng tuwid habang nagpipigil ng tawa. Napatingin naman ako kay Lester na mata palang, halatang lasing na. Hahahaha

"Hey I just met you!~ And this is craaaazzzyyyy!~ But here's my nummmmbbbeeerrr!~ So call me maybe~" shet! Hahahahahaha!

Ayun nga. Peste! Hahahaha! Kumakanta na si Lester at sumayaw sayaw pa. Yung pwet niya! Hahahaha!

"Lester! Yang pwet mo! Ambaho! Tangna oh!" Katsumi

"Ibang klase! Hahahaha!"

"Wohhh! Go girl!" pati si Quen nakitrip nalang sa kanila

"Asan si bebe Dj?" tanong ni Lester kagat kagat yung daliri niya na parang nagpapalandi. Napatingin kami sa paligid nang mapansin namin wala na talaga siya.

"Teka.. hahanapin ko." tatayo na sana ako ng hinawakan ni Quen yung kamay ko, "Okay lang" sabi ko sa kanya. Unti unting lumuluwag yung pagkakahawak niya sa kamay ko kaya naglakad na ako papunta kung saan

Paano kaya kung sa pool? Oo tama! Baka nandun siya!

Umakyat ako sa limang hagdan na siyang makikita ko na talaga yung pool. Ay yun nga. Nakita ko siyang may beer sa tabi niya habang nakakababad yung mga paa niya

Tumigil ako nung tumayo siya tapos.. teka!

Tatalon siya! Ano bang iniisip nito? Tsaka isa pa, patumba tumba na siya at halatang lasing na naman

Tumakbo ako papunta doon kaso yung heels!

Tinaggal ko yun at hinawakan ko tapos tumakbo na ako papunta kay Dj. Buti nahawakan ko pa yung kamay niya bago siya tumalon

Kaso, inalis niya lang yung kamay ko, "Ano ba! Nag iistretching ako eh!" tapos nag uunat unat na siya

Nakatitig lang ako sa kanya. May problema talaga siya. Pero ano yun? Dapat nga masabi na niya dahil lasing siya

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon