Chapter 4

5.7K 166 0
                                    

"Siya yung anak ng Bernardo diba?"

"Oo. Ang yaman din nila"

"Balita ko, mag isa lang siya sa isang bahay"

"At doon na nakatira ang Parking 5 para lang bantayan siya"

"Naniwala ka naman. Syempre imposibleng mangyari yun tanga."

"Oo nga. Asa naman siya. Tsk"

Tsk. Ako nanaman pinag uusapan nila. Pero ngayon, kasali itong limang asungot sa likod ko. Paano nila nalaman na naninirahan ang limang itlog sa bahay ko? May hidden camera ba? Ang hirap naman ng ganito.. Tapos sabi nila, sikat sila. So pati ako, damay dito?!

"Saan pala ang classroom mo?" rinig kong tanong ni Jc sa likod ko.

"First section." simpleng sagot ko at nauna nang maglakad papunta sa classroom ko. Ang pagkakatanda ko, iba ang classroom nila. Hay. Salamat naman. Walang istor--

"Nandito ang P5!" P5?

"Ampogi!"

"Nagtransfer daw sila eh,"

"Dito?! OmG!!" teka. Nagtransfer?! Dito sa classroom ko?! Tsk. Badtrip naman. Istorbo. (-__-)

"Yow Kathryn! Iniwan mo kami kanina eh," sabi ni Katsumi at umupo sa tabi ko. Sa likod ko, si Jc tapos katabi niya si Seth. Tapos sa harap ko si Lester at sa isang tabi ko, yung sungit na pangit. Wow! Nagrhyme!

Pero sobra naman ang pagbabantay nila. Palibutan ba naman ako, "Kathryn--"

"Kath nalang. Nakakasawa na yang Kathryn niyo" sabi ko at nilabas yung notebook ko

Napangiti nalang ako nang may naalala ako. Tsk. Bigla bigla nalang sila pumapasok sa isip ko

"Hala! Ngumingiti si Kathryn--este Kath! Nasapian na siya!" rinig kong pag aarte ni Seth sa likod. Napatingin naman sa akin yung apat

"Tsk. Tumahimik nga kayo. Istorbo" tapos tinuon ko ulit yung pansin ko sa notebook ko

Kamusta na kaya sila? Tsk. Sino kasing may sabi na pumunta sila sa ibang bansa. Sana naman, bumalik na sila dito. Para may makasama ako at kakampi ko sa mga asungot na to

Dumating na yung teacher namin kaya tumahimik naman yung apat. Kaso itong lalaking to, may gana pang magcellphone sa loob ng klase. Porket siya ang may ari ng school?!

Tsk. Bakit ko nga ba pinapakealaman yang lalaking yan? Puro malas lang ang dinadala niya sa akin eh. "Kath, sama ka sa amin mamaya sa music room ah" rinig kong sinabi ni Katsumi dito sa tabi ko. Umirap ako at hindi siya pinansin

"Magtatambay ako sa canteen. Wala akong balak makinig sa mga kanta niyo" sabi ko habang nakatingin sa harap. Rude na kung rude. Nakakainis yung mga kantang rock. Mas mabuti yung accoustic na sweet.

Mabuti nga at hindi nila isinasaksak yung mga gitara nila sa bahay ko. Sa tuwing magprapraktis kasi sila, gabi na. Kaya nakakaistorbo. May contest ata kasi silang sasalihan. Sa Miyerkules ata daw yun.

Sana nandito talaga sila.. Gusto ko kasing sumali. Dejk. As if naman pupunta ako doon para marinig sila na tumugtog

Pagkatapos ng dalawang subject, agad akong nagtungo sa canteen pero napansin kong nakasunod sila sa akin. Humarap ako sa kanila at nakita ko yung malungkot nilang mga mukha, "Akala ko ba magprapraktis kayo? Pumunta na kayo" pagtataboy ko sa kanila

"Kailangan ka naming--"

"Bantayan?" tumaas ang kilay ko, "Bibili lang ako ng pagkain at babalik sa classroom. Tapos. Ano namang delikado doon?" hindi parin sila gumagalaw. Eh anong gusto nila? Para silang mga bata na hindi nabilhan ng laruan

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon