Chapter 45

3.6K 90 4
                                    

Kath's POV

Aray... ang sakit ng ulo ko.

"Wag mo nang pilitin ang sarili mo" napatingin ako sa kaliwa nang mapansin kong may tao sa tabi ko

"Nasaan ako?" tanong ko sa kanya

"Nasa clinic ka. Nahimatay ka nang matagpuan ka niya--"

"Niya?"

"I mean, ako. Natagpuan kita sa storage room.. kasi.. kasi.. napansin ko na wala ka na"

"Paano mo nalaman na nasa storage room ako?" tanong ko ulit sa kanya. Nakapagtataka kasi eh

"Kasi dumaan ako sa library. Akala ko ayaw mo ng PE tapos narinig ko na nagdadabog ka dun"

"Ahhh." tumingin ako sa paligid, "Salamat Quen" nakaka awkward naman eh.

*grooooo~

"Hehe"

"Gutom ka. Alam ko. Kaya ito oh" tapos inabot niya sa akin yung.. woah! Pizza! Pizza!

"Yahh! Thank you Quen!" tapos niyakap ko siya at kumalas din agad para kumain na, "Wag kang hihingi ah," ngingiti ngiti pa ako niyan.

Pero... ang sakit parin ng pisngi ko kaya hinay hinay na ako sa pagnguya. Napatawa nalang sa akin si Quen dahil sa mapula parin daw yung pisngi ko. Nagpout naman ako sa sinabi niya

Eh siya kaya yung masampal ng tatlong beses para magkaalaman? Hays. Nakakainis talaga yung mga yun.

"Sino ba may gawa niyan sayo Kath?" tanong niya sa akin. Doon ako natahimik

Kahit naman sinaktan nila ako ng ganito, ayokong maghiganti. Wala namang magandang maidudulot ang paghihiganti eh. Hahayaan ko nalang na dumating yung karma sa kanila

"Kath?"

"Ha? A-ano... hindi ko sila namukhaan. Tsaka, mga babaeng walang magawa sa buhay yung mga yun eh" napakasinungaling mo talaga Kath. Grabe. Ikaw na!

"Ganun ba? Pero bakit naman?"

Gusto ko sanang sabihin na, 'Ikaw Quen. Kasi akala nila kinulam kita at nagkagusto ka sa akin' Pero wag na. Mas lalo niyang hahabulin yung mga babaeng yun at maghiganti para sa akin

"Baka walang magawa nga Quen. Okay na ako diba? Wala to oh" sabi ko at tinuro pa yung pisngi ko. Napatawa nalang siya at ginulo yung buhok ko

"Halata eh" tapos tinuro niya yung pizza box na wala nang laman. Hala.. naubos ko na pala? Hihi

"Hahahaha-- burrrpp!" nagkatinginan kaming dalawa ni Quen tapos sabay na tumawa

Hahahahaha! Nakalimutan ko na naman yung problema ko dahil sa kanya

***

"Ayaw mong kumain? Gabi na oh"

"Wag na. Uuwi na rin naman ako diba?"

"Ganun ba? Oh sige. Mag iingat ka Quen"

Hinalikan niya na naman yung noo ko bago sumakay sa kotse niya, "Bye"

Saktong pagkapasok ko sa bahay, tumawag si Lester, "Problema mo?" pagbibiro ko sa kanila

"Wahhhh! Chungit" halatang nagpout si Katsumi -____-

"Okay ka na ba Kath? Yung pisngi mo? Yung ulo mo? Kumain ka na ba?" Dj

"Teka.. paano niyo nalaman?"

"Syempre sinabi ni Quen. Sinong gumawa niyan sayo Kath?!" Lester

"Okay na ako. Kumain na ako. Walang masakit. At.. hindi ko alam kung sino" sabi ko sa kanila

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon