Chapter 19

4.6K 115 1
                                    

Lunes.

Naging okay naman ang pangyayari. Walang pag aaway sa aming anim. Maganda na nga yung pagsasamahan naming lima eh.

Ewan ko lang kay sungit.

Mas lalo akong nalagyan nang clue sa sinabi ni Liza sa akin. Akala ko noong una, si Enrique yung tinutukoy niyang gusto ko. Kasi siya naman yung isa pang kaclose ko bukod kina Lester

Si Daniel pala.

Pero ako?! May gusto sa kanya?

"Oo. May gusto ko sa kanya" sabi ni Daezen sa kabilang linya. Kasalukuyan kaming nag uusap dito sa skype. Umaga sa kanila at gabi na dito.

"Sabi nang wala eh. Ang kulit. Tsaka, paano niyo naman alam? Eh hindi niyo naman alam ang nararamdaman ko?" mahinang sinabi ko sa kanila. Gabi na. At buti nalang hindi nambubulabog yung limang itlog dito sa kwarto ko

Pinapanood kasi nila yung 'Into the Woods' for the 136th time. -___-

Nagkatinginan silang apat tapos sa akin, "Babae ka. Babae kami. Alam namin kung ano ang ibig sabihin ng mga matang yan" sabi ni Mae. Ano bang meron sa magandang mata ko?

"Anong nararamdaman mo simula nung sinabi ni Liza sayo yun?" tanong ni Nathalia sa akin. Ayan na naman sila sa Liza na yan. Sana hindi ko nalang nabanggit sa kanila. *sigh*

"Ano.... uhmm..." napaisip ako. Hindi dapat ako magtago sa kanila. Tutal, alam ko naman na sila sila din naman ang makakaalam nito.

"Hindi ako makatulog. Tapos parang... kapag nakikita ko si Liza, kinakabahan ako."

"Bakit naman hindi ka makatulog noon?" Krishna

Napabuntong hininga ako dahil sa kahit ayokong sabihin, kailangan. "Noong gabi na nagkausap kami, hindi ako makatulog dahil sa tinutukoy niya. Pero pagdaan ng mga araw, nalalaman ko na na si sungit yung tinutukoy niya"

Narinig ko na nagtilian sila doon kaya pinahina ko yung volume. Baka akala nila, narerape na ako dito at umakyat pa yung limang ugok

"Does your heart beats fast when you talk to him or did something strange?" edi sila na englishera. Naman oh!

Beats fast...

Oo. Yung paghila niya sa akin noon.

Tumango ako kaya mas lalo silang natili. -___- Bakit nga ba ibang iba ako sa kanila?

"Ano? Pasado ba ako sa test o bagsak?" kinakabahang tanong ko sa kanila

Tumigil sila sa pagtili pero halatang tinatago nila yun, "Passed!" sigaw nila

Napahiga ako sa kama at napapikit.

Hindi lang ako makapaniwala. May gusto ako kay sungit? Pero paano? Bakit? Kelan? Nakakainis naman oh! Bakit sa kanya pa?

"Kath? Andyan ka pa?" tanong ni Mae sa akin. Umupo ako at nakipagchat ulit sa kanila

"You really don't think you're inlove sa sinasabi mong sungit no?" malungkot na sinabi ni Daezen. Hindi nalang ako sumagot at nakinig nalang

"Alam mo Kath, nagsimula lang naman yan sa galit eh. Kaso, okay na pero ayaw mong matanggap. Malay mo, sinusungitan kalang ni Daniel kasi ganyan yung pakikitungo mo sa kanya."

"Kaya pinipilit mo at tinatatak sa isip mo na hindi mo siya magugustuhan."

"Pero hindi mo namalayan na yang puso mo, nahulog na."

Tumahimik saglit. At ako.. pilit na sinisink yung mga sinabi nila. Tama lahat ng sinabi nila kaya tagos sa akin lahat ng sinabi nila. Wengya. Naalala ko yung sinabi ni Liza

"Paano ko malalaman... sa mismong sarili ko na gusto ko siya?" I need to make a move.

Nagkatinginan silang lahat ng marinig nila yung bell ng school nila, "Follow you heart Kath! Bye!" sabay sabay nilang sinabi at nawala na sila sa screen

Nilagay ko yung laptop ko sa mesa at shinut down na saka nahiga sa kama.

Si sungit? Magugustuhan ko? Hay.

Oo na. Siguro nga nagustuhan ko na siya. Oo pinipilit ko yung sarili kong hindi mahulog sa kanya. Oo hindi siya pangit. Nagkamali ako

Narealize ko yun noong araw na naging mabait siya sa akin. Doon ko nakita na mabait siya. Pero baka tama si Daezen. Baka nagsusungit lang yun kasi ganito yung pakikitungo ko sa kanya.

Daniel, hintayin mo sana ako...

***

"Good morning Kath!"

"Morning.. teka. Bakit ang aga niyo?" tanong ko sa kanila. Lahat sila nasa dining table at parang naghihintay sa wala.

"Wala lang." simpleng sagot ni Seth at sinubsob yung mukha niya sa mesa, "Gutom na kami!" pag aarte niya na parang bata

Natuwa nalang ako at binuksan yung kaldero para tignan kung meron pang kanin pero mukhang naubos na, "Lapit kayo dito para turuan ko kayo. Para kung mag asawa kayo, kaya niyo na. Hahaha" tumawa pa ako niyan pero pasimpleng tumingin kay Daniel. (Daniel na tawag ko sa kanya)

"Wahhh! Iiwan mo na ba kami Kath! Huhu!" Jc

"Syempre sasabihin namin sa mga asawa namin na ikaw nagturo!" proud na sinabi ni Katsumi kaya napangiti ako. Si Daezen na naman tinutukoy niya

"Tara! Simulan na natin!" sabi ni Lester.

Hinugasan ko na yung kaldero at sinabi sa kanila kung ilang basong bigas yung ilalagay. Tapos yung paghugas nila ng tatlong beses at pagsukat nila gamit yung daliri. At mukhang nagets naman nila agad kaya hinihintay nalang namin itong kumulo

Napagdesisyonan ko na magluto ng itlog kaso nagpumilit sila na sila na daw. Pero parang first time din nila -___-

"Wacha! Mamatay ka na!" sabi ni Lester kay Seth na ginawang espada yung sandok at shield yung takip nung kaldero

Hahahaha. Natatalsikan kasi sila nung mantika kaya ginawa nilang shield yung takip. Mga gunggong talaga

"Argh! Aray aray! Mamamatay na ako-- ehk!" tapos humiga si Seth sa may sahig

Umupo nalang ako dito sa may mesa at hinintay na yung pagkain

Tapos kaharap ko pa itong si Daniel. Tumingin ako sa kanya pero hindi ko akalaing nakatingin siya sa akin kaya sabay kami ng umiwas

>/////<

"Kathryn! Namumula ka! May sakit ka ba?" nag aalalang tanong ni Katsumi.

Teka.. ito ba yung sinasabi nilang blush? Yung parang kaisng kulay ng kamatis yung pisngi mo? Wahhh! >//////<

"O-okay lang ako-- YUNG ITLOG SUNOG NA!!" sigaw ko. Pinuntahan nilang apat yung itlog nang kumulo yung sinaing namin, "Yung kanin!" hahahaha. Sigurado akong magiging magulo ang kusina nial pag nagkaroon na sila ng sariling bahay

Narinig kong tumawa ng konti si Daniel kaya napatingin ako sa kanya. Pero tumigil din siya. Huh? Nagkamali ba ako ng dinig?

*beep*

Ay. Ang aga naman. Mukhang siya yung unang nagtext sa akin ngayong araw--

Wengya!

Oo! Unang text, unang pagkabadtrip ko. Nasira na naman ang araw ko! Arghh!

"Peste.." sana mamatay nalang siya! Tapos ganun pa yung text niya sa akin? Proud?! Ha?!

"Ano?! May daga?! Wahhh!" pag iinarte ni Katsumi at tumalon sa likod nung taong braso

Binatukan naman siya ni Lester kaya bumaba siya mula sa likod ni Jc, "Hala mare! Di mo sinabing girlalu ka na!"

"Matagal na mare! *beso* kamusta na?" mag imagine nalang kayo ng magmare na nagkakamustahan -___-

Napatampal ako nang noo dhail sa ginagawa nila. Buti nalang nawawala konti yung pagkainis ko ngayong araw dahil sa kanila

"YUNG ITLOG!! SUNOG NA!!"

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon