Chapter 33

3.7K 116 2
                                    

"WOOOHHH!!! GO DJ!!" halos mabiyak na yung lalamunan ko kakasigaw dito. Yup. Naglalaro na ulit sila para sa grand prize. At talagang ginagalingan nila dahil sa sinabi ko -___-

Sila Quen ang kalaban nila. Sila ang nanalo kanina sa score na 87-56. Sobrang hanga ko nga dahil ang taas tumalon ni Enrique. Nakakainggit tuloy..

Noong naishoot ni Quen para sa three points, sumigaw ako. Nakita ko naman na ngumiti siya at binabantayan si Dj na nandun yung bola sa kanya. Pero napaupo nalang si Quen at pumito yung referee at sinabing foul si Dj. Hala.. bakit? Anong nangyare sa kanya

Tumayo ako sa kinauupuan ko pero umupo din ako nang tumingin dito si Quen at nagthumbs up. Ngumiti nalang ako ng pilit..

Pati ba naman sa public, nag aawayan sila?! Ano bang problema nilang dalawa!? Parang mga bata!

4th quarter

99-98. Lamang sina Dj. 6 seconds nalang ang natitira. Kung hindi makukuha nila Wuen yung bola, talo sila. Ibig sabihin...

Matutulog yung mga ugok sa kwarto ko -___-

Pumito yung referee na sinasabing bumalik na agad sila sa court. Nakuha ni Quen yung bola. Narinig ko pa yung malakas na sigaw ni Lester na, "Kunin niyo yung oras!" napangiti ako dahil tama siya.

3 seconds

Kung maghahabulan lang sila, panalo sila. Kahit labag sa kalooban ko na ayaw kong patulugin sila sa kwarto ko

Pumuwesto si Quen for three at binato nalang yung bola. May plano siyang mag buzzer beat?

Okay na sana eh..

Pero nung malapit na sa ring yung bola, tumalon naman si Dj at hinarangan yun.

Sa huli, panalo sila.

Nagkagulo silang lahat dahil sa saya ng Parking 5 sa court. Tumingin naman sa akin si Enrique at sumimangot at nagthumbs down pa. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya. Mamaya na muna yung lima kasi ang daming nakapalibot sa kanila para icongrats

"Okay lang yan. Napilitan ka lang naman eh. Hahahaha" nagpout siya sa sinabi ko at nagcross arms. "Ang galing mo kaya kanina. Kaya wag ka nang sumimangot diyan dahil ang pangit pangit mo na" sabi ko habang pinipisil yung mga pisngi niya

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya

"Okay lang. Siguro may naapektuhan lang sa pagchecheer mo sa akin kanina"

"Huh? Sino naman?"

"Yung hangin" sarcastic na sagot niya sa tanong ko kaya binatukan ko, "Basta. Akin nalang yun"

Ngumiti nalang siya at pinunasan yung mga pawis niya. "Hindi mo ba babatiin yung lima?" tanong niya sa akin. Tinuro ko naman doon sa may gawi nila at napatawa na rin siya. Ang dami paring mga babae -___-

Ginulo niya yung buhok ko, "Oh siya, pupuntahan ko lang mga teammates ko. Titignan ko kung makakabisita ako bukas" ngumiti nalang ako at tumango

"Wag kang uuwi ng mag isa ha. Gabi na. Tsaka, isuot mo na yang jacket na nakalagay sa bewang mo dahil malamig na," paalala niya sa akin at umalis na. Ginawa ko na nga yung sinabi niya dahil sa... brrr.. Ang lamig na nga.

Umupo muna ako sa may upuan dito at pinanood silang nakapalibot sa limang ugok. May naapektuhan? Sino? Imposible naman kasi na yung hangin yun no. Kung gusto niya ng cheer, ipagchicheer ko siya. Hindi yung dinadamay pa niya si Quen

Hay. Kung makisingit nalang kaya ko sa mga-- babae? Asan na-- Teka! Bakit wala nang mga tao dito? Bakit mag isa ko nalang? Wahhh! Huhuhu. Umuwi na sila?!

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon