Dalawang araw nalang at Sabado na. Birthday na ni Quen. Nakuha ko na rin yung ipinadala ni mama na dress para dun. Well not exactly the dress na expect. Parang polo yung top niya then white na plada. With belt. Ewan ko nga kung formal yun pero si Quen na raw ang nagsabi na okay lang na isuot ko yun.
Sinabi nga rin ni Quen sa akin na matagal nang magkakakilala ang mga parents namin. Kaya pala eh.
"Kath talaga bang invited kami?" tanong ulit ni Katsumi sa akin
"Katsumi Loyola Kabe. Ilang beses ko ba dapat talaga sagutin yang paulit ulit mong tanong? Oo nga diba?"
"Kulit mo kasi bregs"
"Galit ka ba Kath?" tanong sa akin ni Katsumi habang nakapout. Sinara ko bigla yung libro ko na dahilan para magulat siya. Hindi naman ako galit eh.
"Bakit?" tanong nila
"Si Dj?" tanong ko. Tinuro naman nila siya na nagbabasa din ng libro sa may gilid
"Bakit?"
"Wala.." tumingin ako sa kanya, "Dj, sasama ka?" tanong ko sa kanya. Napansin ko na napatigil siyang nagbasa pero nakatitig parin siya sa libro
"Ewan"
"Eh? Sige na." buti nalang at hindi na masyadong tumitibok ng malakas itong puso ko pag kaharap ko siya. Siguro... dahil unti unti nang nawawala yung nararamdaman ko para sa kanya
And that's great.. I guess.
"Ayaw niya sa mga parties. Lalo na at si Quen pa yun" sabi ni Lester. Binatukan ko naman siya, "Aray naman Kath eh"
"Bawal kumain dito sa library" madiin na sinabi ko sa kanya. Nagpout naman siya at tinago yung pagkain niya
Hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi sa akin ni mama. May surprise daw siya sa akin sa birthday ni Quen. Paano? I mean, wala siya. Nasa ibang lugar. Tapos surprise nila para sa akin?
Isa pa, nakakahiya kung sa venue ng birthday ni Quen magaganap yun no. Siya yung may birthday pero sa akin ang atensyon. Tsk
"Wag mong sabihin na hindi ka sigurado kasi pupunta si Liza?" sabi ni Seth sa kanya kaya natahimik ako. Invited yung classmates niya, which is kami at kasali na dun si Liza. Peste. Talagang petse! Mapapatay ko na talaga yung ipis na yun eh
Kung pupunta siya, braso na naman ni Dj ang hawak hawak niya. Tsk. Nakakainis
Ha! Bakit ba Kath? Hindi ka dapat nagseselos. Kasi.. hindi mo na din naman siya gusto diba?
Nawawala palang eh. It means, meron pa. Mga, half. I think. Kasi naman... habang nababawasan, dinadagdagan niya. By talking to me, staring at me, smiling. Grabe siya! Argh!
"Oy. Mukha mo. Nalulukot na naman" pang aasar sa akin ni Jc kaya binatukan ko siya. With matching sama ng tingin pa sa kanya kaya ayun. Tumahimik na parang trained na aso
*ringg--*
"Turn off your phones when you're in the library. Get out!" hays ang sungit naman. Lumabas din naman ako sa library at sinagit yung tawag na mula kay Quen
"Uy Quen. Napatawag ka?"
"Oo eh. Sasabihin ko lang na.. uhmm"
"Ano?"
"Kasi ano...."
"Kasi?" ang tagal naman. Ganito ba talaga siya nahihiya? Tsaka, vacant din naman eh. Bat di niya sabihin sa personal?
"Pwede ba kitang maging muse sa birthday ko?"
"Muse?"
"Yung partner ko"
BINABASA MO ANG
5 Handsome Guys in my House
FanficKathryn Bernardo's peaceful life changed until her parents introduce a five-man band to live with her. Sa tahimik na buhay ni Kathryn ay magugulo din dahil sa lima, at dahil sa isang lalake na palaging masungit sa kanya. Will this form a friendshi...