Chapter 10

5.1K 130 2
                                    

Kinakabahan ako. Paano kung masungit sila? Aish. Tapos baka pangit ako. Tapos mauutal ako sa harap nila. Argh!

"Chill lang Kath. Makikipagkilala ka lang naman sa mga magulang namin. Tapos kakain ka na" sabi ni Jc

Tumango nalang ako at tinignan yung bintana. Papunta na kami ngayon sa bahay nila sungit. Kay sungit pa talaga ah. Wow. Pero yung habol ko lang naman dun ay ang makilala ko ang mga magulang nila, sina Lelay at Magui at yung pagkain. Mwahahaha

"Baba na" napatingin ako sa may bintana at nakita ko yung mga pine tree sa paligid. Tapos isang mansyon. Woah. Halos magkasinglaki lang kami ng bahay. Kasi mas enggrande nga lang yung bakuran nila.

Bumaba na ako sa may van tapos nauna silang maglakad papunta sa loob ng bahay.

May mga maids na bumati sa amin, lalo na kay sungit. Tapos nakita namin yung table na kung saan, nagkasya yung mga magulang nila, at mukhang kakasya pa kaming anim

"Hi ma" sabi ni sungit sa isang babaeng medyo mataba. Well sorry naman. Pero ang ganda niya. Sobra

"Danilo! Nakauwi ka na!" hahahaha! Ano daw?! Danilo?! Pang matanda! Lumapit siya ka sungit at hahalikan na sana sa pisngi nang umiwas ng tingin si sungit

"Ma~" aba. Maarte. Nanay niya yun ah.

Tinignan ko sila. Tapos nakatingin din sila sa akin. Tatlong babae at dalawang na lalaki. Tapos may isang bata at dalaga. Gwapo. Maganda. At sila yung mga magulang nila. Yung dalawang ababe naman, siguro sila si Lelay at Magui

"Carlito! Kamusta na kayo ng kuya mo? Maayos ba kayo doon?" tanong ulit ng nanay nila. Natatandaan ko na magkapatid si Jc at sungit sa ina.

Napatingin naman siya sa akin at parang sinusuri pa ako, "Ija!" tapos bigla niya akong niyakap

"Mga mare at kumpare, siya yung anak ng Bernardo. Si Kathryn" sabi niya. Humarap ako sa kanila at yumuko.

"Ako nga pala si Tita Karla mo," pagpapakilala niya sa sarili niya. Ngumiti nalang ako at pinaupo nila ako doon sa may table. Meryenda lang naman yung ihahain nila

Tumabi sa kanan ko si Lester at sa kaliwa ko si Seth. Tapos si sungit sa harap ko, katabi niya yung dalagang babae at Jc. Katabi naman ni Jc si Lelay tapos katabi ni Seth si Katsumi, "Sila ang parents ko" bulong ni Lester sa akin at tinuro yung dalawang nakaupo

"Yun naman yung akin.." sabi naman ni Seth at tinuro yung kanya.

"So... kamusta naman ang anak ko sa bahay mo, Ms. Kathryn?" tanong ng mama ni Lester sa akin. Nilunok ko muna yung kinakain ko at tinignan siya

"Kahit Kath nalang po" nahihiyang sinabi ko, "Okay naman po sila. Hindi makulit." kahit oo naman eh. Parang gusto ko tuloy sabihin yun sa kanya. Nangangati na yung dila ko

"You can call us tita and tito. Wag nalang 'po'. Parang matanda naman kami nun" sabi nila. Tumango nalang ako at nagsimulang kumain

Mabuti nalang at pumayag sila na bantayan ako ng mga anak nila. Paano kaya nakumbinsi sila mama at papa sila

Maya maya pa, pagkatapos naming kumain, umalis na yung mga magulang ni Seth at Lester kais may kameeting daw. Binati naman nila yung mga anak nila.

"Ate Kath! Gusto mong maglaro?" tanong ni... uhmm... Lelay? Oo Lelay daw yung maliit

"Ako ang gusto niyang makalaro Lelay. Masyado kang bata. Makikipaglaro sa akin si Ate Kath" Hehe. Ang cute cute nila

"Alam mo, kaya kami naiinis kay Lelay kasi niyayaya niya kami maglaro ng mga barbie dolls" napatawa nalang ako sa binulong ni Katsumi sa akin. At sa kanya siguro sila natuto na magbakla baklaan

"At yan si Magui naman yung pinakamaarte. Kaya ayaw namin na sumama kapag iniinvite niya kami kasi magshoshopping lang yan at kami ang pagbubuhatin" sabi naman ni Jc

"Okay lang. Ayos naman ako eh" sagot ko sa dalawang bata na nag aaway

"Ang ganda mo ate Kath" sabi ni Lelay

"Ikaw rin naman. Salamat." sabi ko sa kanya

"No wonder na nagkagusto sayo si-- Ommpphhh.." hindi na natuloy ni Magui yung sinasabi niya kasi tinakpan ni sungit yung bibig niya. Hala. Pumapatol sa bata. Walang hiya to

Nagkatinginan sila ng matagal. Tapos binitawan na rin ni sungit, "Ang baho ng kamay mo kuya! Iwww!" hahahaha. Ang arte nga talaga ni Magui. Pero nakakatuwa silang magkapatid. Hindi si sungit

Lumabas naman si tita mula sa hagdan at bihis na bihis. May pupuntahan ata, "Ija, paano kung matulog ka ngayon dito? Tutal may damit naman si Magui na malaki at magsisimba kayo bukas" sabi ni tita kaya nanlaki ang mga mata ko

"W-wag na po. O-okay lang kahit mag isa ako sa bahay. S-sila nalang po" nakakahiya kasi.

Eh mas lalo naman yung lima na naninirahan sa bahay mo habangbuhay Kathryn. Tsk. Mag isip ka nga. Aish

"Wag ka nang mahiya. Actually, kanina ko pa nasabi sa parents mo. And.. pumayag naman sila" lumapit siya sa akin kaya tumayo ako

"Aalis ako ha. Baka gabihin na ako o bukas na ako umuwi. Oy Danilo, bantayan mo yung mga babae. Wala munang makulit ngayon" banta niya sa lima. Hinalikan niya yung dalawang babae tapos kay Carlito-- este si Jc.

Tapos kay Sungit, "Ma wag na.." tsk. Ang daming arte. Nanay naman niya yan eh

Nagbeso siya sa akin na siyang ikinagulat ko. Kumindat pa siya sa akin at umalis na, "Enjoy!" nanindig ang katawan ko nang marinig ko yun. Enjoy? Kina Lelay at Magui lang

"Ate, shopping tayo" suggest ni Magui. Napatingin naman ako sa gawi nina Katsumi. Tapos... nagsasign sila na hindi daw pwede

"Uhmm.." napatingin ako kay Magui at ngumiti ng nakakaloko, "Kasama yung boys?" mapanlokong tanong ko. Tumango naman siya at napatingin kaming dalawa sa limang itlog

"Sorry Katsumi ah. Pagbibigyan mo naman ako, diba?" sinikuan niya si Lester, tapos sinikuan ni Lester si Seth tapos nagpapasapasahan na sila ng siko. Hay nako

"Hindi naman ako bibili ng damit--"

"Eh bat sinabi mong shopping?!" reklamo ni Seth. Hahaha

"Kakain lang tayo. Treat ko" nakangiting sinabi niya na parang hindi pa pinansin yung pag bulyaw ni Seth sa kanya.

Pagkain na naman?! Kung sabagay.. hindi ako kumain ng marami kanina kaya hindi ako nabusog

"May pera ka bang babae ka?" tanong ni sungit.

Natahimik naman si Magui tapos sumagot si Lelay, "Meron kaya kuya. Kaso alam naman namin na ikaw ang magbabayad kaya.. alam mo na" sabi niya. Natawa nalang ako dahil sa inaasal nila

"Ano na naman kayang mangyayari?" sabi ni Katsumi na may halong.. pagkadismaya. Ewan ko lang kung bakit siya nadidismaya

"Hay. Tignan mo, magugulo na naman yung buong mall" Seth

"Sinabi mo pa. Si Magui yan eh. Tapos nandun pa tayo" Lester

After nang sinabi nila...

Nagkatinginan sila apat.. tapos tinignan si sungit.

Tapos ako..

Teka.. bakit ako?! Anong meron sa akin? Anong gagawin nila?!

Wahhhh!

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon