Chapter 38

3.7K 107 3
                                    

Kath's POV

Nagising ako dahil sa gutom. Feeling ko kumain ako kanina at nakainom ako nang mapait na ewan. Iwww

Babangon na sana ako nang mapansin kong may nakahawak sa kamay ko. At may natutulog.. Tapos may nahulog pa na bimpo mula sa ulo ko.

Eh? Bakit naman may bimbo? Teka.. bat iba na damit ko?! Wahhh! Baka naman nagpatawag sila ng babae at pinalitan damit ko? Tama tama

"Quen.." bulong ko sa sarili ko. Bakit siya nandito? Ang pagkakatanda ko... uhmmm.. Nahimatay ba ako? At nagkasakit? Kaya pala may bimpo sa noo ko kanina

Tinignan ko muna siya at dahan dahan na inalis yung kamay ko mula sa kanya.

Pagkababa ko ng kama, napansin ko naman yung apat na natutulog sa may sahig. Hay nako naman. Ano bang pinaggagawa ko? Tsk. Natulog na naman dito sa kwarto ko. Tapos... wala ba si Dj? Aish. Bat ko ba siya hinahanap?

Dahan dahan na akong umalis sa kwarto ko para magluto ng makakain ko. Uhmm.. namin. Oo. Namin nalang. Tapos nandun si Quen.

Pagtingin ko sa wall clock, gabi na pala. Pero bakit nga nandito si Quen? Kung nagkasakit ako, maaalagaan naman ako nung apat. May secret pa nga ako eh. Kapag nagkakasakit ako, para akong lasing. Kaya iwas iwas ako sa ulan. Kaso.. yung nangyari, (kanina lang).

"Anong ginagawa mo?"

"Ay ipis!" napatalon pa ako niyan ah. Grabe.. teka. Akala ko ba wala siya? Bat ngayon ano...

Awkward...

Tsk. Kath! Kalimutan mo na yung nararamdaman mo! Hindi ka niya mahal diba? Sinabi mo lang kanina diba? Kaibigan nalang. Hanggang dun ka nalang para hindi ka masaktan. Usap usap. Ganun

"Nagluluto, obviously" sabi ko sa kanya at hinugasan na yung manok. Hmmm... magluluto nalang ako ng adobong manok. Tama!

"Tsk." sumagot lang ako sa tanong niya, nagsungit rin. Ibang klase din itong si Dj. Hay nako.

"Ako na diyan" sabi niya at kinuha yung manok sa akin. Eh?

"Ako na. Kala mo naman magaling ka magluto" sabi ko at inagaw ulit yung manok. Wahhh! Kawawa na yung manok T3T

"Wag ka ngang magpout diyan. Asdfgkl kita diyan eh. Ako na sabi eh"

"Anong sabi mo? Yung gitna? Ako na nga eh. Kawawa na yung manok!" angal ko at inagaw yung manok sa kanya. Bago pa niya kunin, binalaan ko na siya, "Isa pa Dj, masasapak talaga kita" kaya ayun. Tumigil na siya

Pinakuluan ko na yung at hinintay na maluto. Titignan ko na nga lang yung lima sa taas. Gigisingin ko na rin kung pwede para makakakain na sila ng hapunan.

"San ka pupunta?" nagtanong ka pa Dj =___=

"Sa taas. Gigisingin sina Quen" wag mo akong kausapin Dj. Bumabalik lang yung nararamdaman ko para sayo ( '_')

Sumuko na ako. Gusto ko na sa taong gusto ako. Sinasaktan mo lang kasi ako sa ginagawa mo

Iniisip ko nga, kung gusto ako ni Quen, posibleng matutunan ko rin siyang mahalin. Pero.. para sa akin mahirap yun gawin. Syempre kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Hindi naman ako nagmamadaling magmahal eh. Parang kailangan ko lang..

"Quen na naman!?" ngayon, humarap na ako sa kanya dahil sa pagsigaw niya at mukhang galit na galit kay Quen.

"Ano bang problema mo kay Quen? Bakit ba galit na galit ka sa kanya? Wala naman siyang ginagawa na masama ah" sabi ko sa kanya. Napaatras nalang ako nung ginulo niya yung buhok niya dahil sa galit. Napa upo nalang siya at hindi sumagot sa tanong ko.

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon