Chapter 34

3.8K 101 4
                                    

Pauwi na kami sa bahay (sa bahay ko). As in.. tahimik kami. Walang nagsalita... parang kahapon.

Flashback

"Tanda. Asan si Kath?" teka. Si Quen na ba yun?

Sinalubong ko siya at ngumiti sa kanya, "Uy Quen!" sabi ko. Pero sumeryoso din ako agad at niyaya siya na umupo

Maniniguro lang naman ako eh.. at magpapasalamat kung sakali..

"Ano.. yung tungkol kagabi.." paninimula ko.

"Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?" tanong niya sa akin

"Ah wala... kasi ano--"

*yapak yapak*

Napatingin kaming dalawa sa may hagdan nang marinig namin yung mga yapak nilang apat. Lalo na yung nagdadabog na si Dj

"Kath?!"

Hinarap ko ulit si Quen, "Quen diba hindi ikaw yung nagligtas sa akin kagabi?"

"Huh?"

"Oo Kath! Siya yun!" sulpot ni Lester sa tabi niya

"A-ano bang nangyari kagabi?"

See? Sabi na ngang hindi siya eh! Bahala sila! Mga sinungaling!

End

At yun nga. Nagsinungaling sila tungkol sa pagligtas nila sa akin. Oo alam ko na utang ko sa kanila yung buhay ko, pero bakit kelangan pa nilang itago? Dapat nga maging proud sila dahil sa nakaligtas sila ng tao. Tsk. Yun ang nakakainis sa kanila! Nakakabwisit!

"Kath naman. Kausapin mo na kami."

"8:30 may appointment kayo. Pupunta pa ako ng school" sabi ko sa kanila na parang iniba yung topic. Ayoko kasing pag usapan yung tungkol sa pagsisinungalin nila

6:30 nakabihis na ako ng uniform ko. Ididiretso nalang nila ako sa school kahit na pagod pa ako. Hindi naman kasi ako tulad nila na pwedeng magskip sa klase.

Mayamaya pa, huminto na yung sasakyan sa tapat ng school. Bubuksan ko na sana nang may humawak sa kamay ko, "Kath.. please. Wag mo naman itong ihantong sa gulo"

"Bakit?" tumaas ang kilay ko at kinuha yung kamay ko, "Yan ba ang akala niyo sa akin? Gumagawa ng gulo? Puh-lease! Hindi ako salamin!" tapos bumaba na ako sa van. "Salamat ha. Kunwari kinikilig nalang ako dahil sa inihatid ako ng Parking 5. Hindi yung dating Parking 5" tapos sinara ko na yung pinto

Umalis na yung van. Napatingala ako dahil ayokong umiyak dito. Hindi na sila ang Parking 5 na kilala ko. Kung magsisinungaling sila, sinasabi nila agad. Tsaka, hindi sila marunong magsinungaling.

Bahala na nga. Mag iisip isip muna ako. Alam ko na malalaman din ito ni Magui at Lelay. Kaya hahayaan ko na naman silang sabihan ako na mababaw

Seth's POV

"Ayokong magkagulo tayong lima dahil nangako ako. Nangako tayong apat." sabi ko out of the blue. Alam ko kung ano ang nararamdaman ni Kath ngayon. Yung pagsisinungaling namin...

"Leche ka kasi tol eh! Dapat sinabi natin sa kanya! Bakit ba pinipilit mo yang sarili mo na itulak si Quen na--" napatigil si Lester dahil sa sinasabi niya, "Ano ba! Tapos ikaw yung nag iinarte diyan kapag magkalapit sila sa isa't isa" patuloy niya. Hindi lang nakinig si Daniel sa amin at tumingin sa iba

"Alam ko na sa problema ng isa, damay lahat. Pero pati ba naman katorpehan mo, idadamay mo kami? Wengya naman oh!" napasuntok si Katsumi sa upuan sa harap niya. Buti nalang walang tao dun.

"Tol, uuwi na sila tita at tito pagkatapos ng isang buwan. Mawawala na tayo sa bahay ni Kath. Mawawalan ka--"

"Eh ano bang pakealam ko?! Kung wala ako, wala tayo, bahala na siya! Masyado na siyang sobra para lang--"

"Ikaw ang sobra kuya! Alam mo ba yung tungkol sa plano ni tita at tito para sa kanya pagkatapos ng isnag linggo pagkauwi nila dito?! Kung hindi mo sasabihin, gagawin nila yun!"

Natahimik kaming kahat at napayuko. Yung plano nila para kay Kath...

Ang siyang guguho sa aming mga mundo sa planong yun...

At alam kong yun rin ang mararamdaman ni Kath..

Pero.. hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ng tadhana para sa amin.

Kath's POV

"Kath!" binilisan ko ang paglalakad ko nung narinig ko yung boses niya. Nakakahiya nang humarap sa kanya dahil sa nangyari sa aming lima. Nadadamay nalang siya palagi

Huminto ako nang mapansin kong hinarangan niya ako. Tapos may inabot siyang panyo sa akin..

Napayakap nalang ako sa kanya at umiyak. "Quen bat ganun? *sniff* Utang ko ang buhay ko sa kanila pero--"

"Shh.. tahan na.." naramdaman ko yung paghaplos niya sa buhok ko, "Hindi lang naman siya ang iniiyakan mo diba?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan yung mukha niya

Yung mata niya. Yung mga matang nasasaktan...

"Si Daniel.. may gusto ka sa kanya diba? Umiiyak ka dahil hindi man lang siya nag alala sayo.." tumulo na yung luha ko at tumango. Niyakap niya ulit ako na parang hinahayaan akong umiyak sa piling niya

Buti pa siya...

Quen's POV

Niyakap ko siya ulit at hinayaan siyang umiyak.

Pansamantalang unan..
Pag ikaw nahihirapan..
Pansalamatalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan

Kahit na hindi niya ako matanggap na bilang isang lalaki na may gusto sa kanya.. nandito parin ako sa tabi niya. Bilang kaibigan

Kaibigan lang bang maituturing
Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim
Sino ba talaga sa amin
Ang iyong...

Minsan nga akala ko may gusto na sa akin si Kath dahil sa lagi siyang ngumingiti kapag kasama niya ako. Pero nagkamali ako... mas iba yung ngiti niya kapag kaharap niya si Daniel

Kaibigan lang ako. Yung ako yung tumutulong sa mga problema niya. Pero yung way niya sa oagsabi niya sa akin ng problema niya, kahit yung lima yung tinutukoy niya, she's giving me a hint na si Daniel yung pinakagitna ng problema niya. Kaya hindi ko maiwasang masaktan...

Pansamantalang unan..
Pag ikaw nahihirapan..
Pansalamatalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan.

Para akong isang bagay na ginagamit lang pag kailangan.

Pero sa ganitong ginagawa ko sa kanya, masaya na ako. Kahit hanggang kaibigan lang ako na kasama niya.

Kumalas siya sa yakap at pinunasan yung luha niya. She gave me a weak smile.

*flash*

Nagulat kaming pareho dahil sa flash na yun. Shet. Nakalimutan naming nasa public kami...

Exposed na naman ang KathQuen ^__^

Tumakbo agad yung nagpicture sa amin at muntik na siyang habulin ni Kath dahil sa inis. Napatawa nalang ako at ginulo yung buhok niya. Nagpout siya. Atlast

Nakita ko kung paano niya pakisamahan yung limang yun. Well, for to be exact. Kung hindi namamansin si Daniel, kukulitin niya pero susungitan niya lang niya. Ang tanging pangarap ko lang ay yung mag give up na si Kath kay Daniel para makascore ako pero wala..

Still, hindi ko alam kung bakit nagsinungaling yung limang yun tungkol sa pagligtas nila kay Kath. Pero ang nasa isip ko... I think para sa privacy niya. Kasi syempre, kapag kumalat yung balita na yun, sasabihin na si Kath yung dahilan kung bakit napaaway yung lima at may konting pasa at sugat sa mukha

Pero 'baka' lang naman eh. Walang kasiguraduhan..

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon