Chapter 48

3.6K 114 4
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas.

Sabado na ngayon at ngayon na yung sinasabi na pagbisita ng isang bisita namin.

Ngayon rin kami magkakaalaman ni Quen kung sino ang mananalo.

Pero sigurado na talo na ako kaya bumili na ako ng latest model ng phone. 51%. Hindi umabot sa 50. Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit kasi wala akong gana. Hindi ko rin naman nasabi sa apat kaya akala parin nila, may gusto ako kay Dj.

Tatlong araw din ako pumasok dahil sa issue na yun. Tinulungan nila ako Lelay, Magui, Tita Karla, at yung lima para malagpasan yung issue na yun. At unti unti na ngang bumabalik sa dati ang lahat

Madaming nagsorry sa amin ni Quen at maraming nagpakita ng proof na hindi totoo yung pic na yun.

Kaya eto kami ngayong lima, naghahanda ng malaking pagsasalo. Mga pito daw ang dadating eh. Dalawang bata tas madami pang mga parents. Ewan nga eh. Kaya maghahanda kami ngayon ng pang fiesta

Kahit na okay na ang lahat, feeling ko sirang sira na yung pangalan ko. Kaya sinabi ko kay Dj, na hindi nalang ako papasok next week. Oo, buong week akong hindi papasok. Alam ko na nagmumukha akong guilty sa hindi ko pagpasok, pero nawawalan talaga ako ng gana eh

"Kath ayos ka lang? Kanina ka pa tulala" nakita ko sa harap ko si Jc na halata yung pag aalala sa mukha niya. Ngumiti nalang ako ng pilit at tumayo na

"Oo. Okay lang ako." hinalo ko yung niluluto ko, "Leste paabot naman ng toyo" sabi ko sa kanya. Nagmimix lang naman siya ng mixture para sa icing ng cake. Hahaha. Buti nga paghahalo lang ginagawa niya. Ewan ko lang kung lagyan niya ng suka o patis yang icing.

Inabot niya sa akin yung.. =____= "Toyo sabi. Hindi suka"

"Sorry naman Kath. Oh," at inabot na nga niya sa akin yung toyo.

51%. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang umabot sa kalahati yan. Basta ang alam kong ibig sbaihin niyan ay.. may gusto parin ako sa kanya. Pero buti nalang at hindi na ako nauutal o namumula. Konti nalang

"Dj, tikman mo naman oh. Kukunin ko lang yung cake sa oven" inabot ko sa kanya yung sandok at kinuha naman niya

"Katsumi! Sa cake to! Hindi sa mukha!" rinig kong sigaw ni Lester kaya lumapit ako sa kanila,

Punong puno na nag icing si Lester na halatang napipikon na sa pagpapahid ni Katsumi sa kanya. "Kath pakipunasan naman oh" request ni Lestet sa akin kaya kinuha ko yung pamunas sa may gilid

"Nakakatawa-- wahhh! Anduga niyo!" nilagyan kasi ako ni Lestert ng icing eh! Yun pala ang plano nila.

Kumuha din ako ng icing tapos lumapit ako kay Dj, "Wag kang magsusungit" tapos sabay pahid sa may ilong niya at tumakbo

Sunod naman si Seth na concentrated sa paghahalo ng-- "Wahhh! Kath naman eh!"

"Hahahaha! Maaga pa! Magsasaya muna tayo-- oy! Daya mo!" hinabol ko si Jc nang pahiran niya ako sa pisngi. Hinabol ko naman siya nang biglang sumulpot si Dj at pinahiran naman yung ilong ko

"Oy sayang yung pinaghirapan ko! Huhuhu" si Lester yan

"Bwahahahaha! Pangit!" Katsumi

"Anong sabi mo? Humanda ka sa akin Kabe!!" tapos hinabol na rin niya si Katsumi na punong puno ng icing yung mukha niya. Ha! Buti nga

Kaya eto kami, nauwi sa paghahabulan at nagpapahiran ng icing na pinaghirapan ni Lester na gawin. Pero pagkatapos naming magkulitan, naghugas na kami ng katawan namin at pinagpatuloy ang pagluluto. Buti na nga lang at napatay ko yung oven bago ako makipagkulitan kundi sunog na yun

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon