Chapter 7

5K 146 2
                                    

"Minsan oo minsan hindi. Minsan tama minsan mali
Umaabante, umaatras. Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig mo. Kaya mo bang isigaw. Iparating sa mundo"

"Tumingin sa'king mata. Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo sa'yo na ang puso ko"

"Walang ibang tatanggapin. Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sa iyong isipan. Di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag-ibig mo"

"Tumingin sa'king mata.
Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo"

"Kaylangan ba kitang iwasan
Sa tuwing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo, iba rin pag tayo lang ah" gaya ni Daniel at Katsumi, kami ni Nathalia ang second voice

"Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Kung maging tayo
Sa'yo na ang puso ko"

Lahat nagpalakpakan na rin pagkatapos ng performance namin. Hindi ko alam kung bakit naging sweet yung comments nila. Mas gusto kasi nila na puro rock. Nakakapanibago

"I love you Perfect 5!" sigaw nung isang lalaki kaya napangiti nalang ako

"Wooh! Welcome back!"

"Sure ako na mananalo kayo!"

"Marami talagang natutuwa na bumalik kayo ulit" sabi nung announcer. Teka lang.. hindi to 'The Buzz'

"Uhmm.. pansamantala lang eh." sabi ni Daezen

"Ohhh..." rinig ko mula sa mga audience.

Bumalik na ulit kami sa stage na dala ang lungkot. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa pagkantyaw ng mga audience kanina. Edi kami na.

"Okay lang yan" napaangat ako ng tingin nang makita ko si Katsumi na pinapakalma si Daezen

"Talaga bang aalis na kayo pagkatapos nito?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo... at sabay na tumango

"Hindi naman talaga yung contest yung inuwi namin dito" sabi ni Mae at pinilit na ngumiti

"Gusto ka lang naming bisitahin dahil sa balita ni tita at tito sa amin." Krishna

"Tapos yung tinulugan nating bahay, dun na kayo. Nandun narin naman yung mga gamit niyo eh" Nathalia

"Ayaw niyo bang ihatid na namin kayo sa airport?" tanong naman ni Seth. May puso pala to oh

"Wag na." kinuha na nila yung maliit nilang bag, "Aalis na kami. Yung ginamit nating instruments, Kathryn, itago mo muna doon sa bahay." sabi ni Daezen at niyakap ako

"Wag kang iiyak. Pangit ka" sabi ni Krishna at tinuro pa yung mga mata ko. Hindi kaya. OA ang tawag dun no

"Mag iingat kayo, ha" sabi ko. Kumaway sila... bago umalis dito

Guess, I'm all alone here with these five damn guys. Sayang wala na sila. Pero akala ko pa naman, kakampi ko sila sa pagtugis sa limang yan! Si Nathalia lang pala. Hay.

"Aalagaan ka naman namin Kath" napaangat ako ng tingin nang magsalita si Katsumi

"At babantayan" Lester

"At... uhmmm.. papakainin!" Seth

"Ano ako, baboy?" sabi ko at inirapan sila

"Hindi." napatingin ako kay sungit nang nagsalita siya, "Mas maganda kung kalabaw." tapos tumawa siya

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon