Chapter 32

3.8K 112 6
                                    

Nauna na sila sa basketball court. Sinabi kong susunod nalang ako kapag nakabihis na ako.

Nagsuot ako ng shorts na 3inch above the knee. Tapos lose shirt kasi baka mainit dun kapag siksikan.

Wala namang nangyaring kaguluhan sa gitna ni Quen at Dj. Parang sa tinginan kasi nila, magpapatayan na. Buti naman at hanggang tingin lang sila. Tulad namin ni Liza. Tsk. Asa siyang papatayin ko. Mas gugustuhin ko pang ILIBING SIYA NG BUHAY!! Argh!

"Lolo! Aalis na po ako!" sabi ko sa kanya. Bubuksan ko na sana yung pinto nang magsalita siya

"Ito oh. Jacket. Baka malamig na kasi pag gabi. Tsaka, nakashorts ka pa"

"Salamat po lolo" kinuha ko yung jacket sa kanya at tumakbo na. Medyo mahuhuli na yata ako

"Icheer mo sila ah!" sigaw niya pa

"Opo!" sana narinig niya. Pero kahit naman hindi niya ako narinig, alam niya namang gagawin ko yun no. Syempre para sa limang ugok na yun na sumali lang para icheer ko sila

Lalong lalo na si Dj. Aba! Ako pa! Ako ang number 1 fan niya dun! Kahit na maraming nakakakilala sa kanila.

Nga pala. Nagpunta pala dito si Quen kasi may bibisitahin daw siya. Tapos may nagpilit sa kanya na sumali sa basketball kaya ayun. Napilitan siya kagaya nung mga ugok

Nadaanan ko pa yung mga taong tumatakbo papunta sa direksyon ng court.

"Wahhh! Nandun daw ang Parking 5!"

"Talaga?! Tara papicture tayo!"

"Tara!"

Sabi na nga ba eh -___-

Nakarating na ako doon sa may court. At yun nga, halos hindi ko na sila makita dahil sa mga babaneg nagpapapicture sa kanila. Saktong sakto naman na pumito yung mga referee kaya nagsitigil na yung mga babae.

Pumuwesto ako sa may gilid. At kitang kita ko naman yung court at yung limang ugok na yun. Pati si Enrique

Apat na teams ang maglalaban laban. Yung unang sasabak, team nung lima at team ng isa. Tapos susunod na laban ay sina Quen. Kung sino ang mananalo sa dalawang laban na yun, maglalaban sila para makuha nila yung grand prize

Na hindi pa nila sinasabi kung ano -___-

Nagsimula na yung jumpball. At nakuha yun ng team nina Dj kaya sumigaw ako. Lumingon si Lester sa may puwesto ko at kumaway kaya kumaway din ako

"Omg! Ako yung kinawayan ni Baby Lester!"

"Bruha! Ako kaya!"

-___-

"GO DJ!!!" napatingin sa akin yung mga babae. Nagtataka siguro sila kung sino yung Dj pero hindi ko nalang sila pinakealaman

Pinasa ni Dj yung bola kay Katsumi kaya-- ayun! Three points! Woah! Ang galing! "GO KATSUMI!!" napatingin dito sa akin si singkit. At kahit na singkit siya at nakasalamin, nakita ko na kumindat siya sa akin

Nakuha nang kalaban yung bola pero nakuha agad yun ni Lester at pinasa kay Jc na pinasa kay Seth at nagthree points ulit. "WOOOHHH!!"

Natapos ang first quater sa score na 30-17. Sila ang lamang syempre! Hindi kaya yan magpapatalo! Lalo na si Dj ko no!

Nagpaulit ulit lang nila. Pasa pasahan. At napansin ko yun. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nahahalata nung mga kalaban nila yung style nila. Hanggang sa nanalo sila and boom! 92-43.

Nilapitan ko sila pero nauna na naman yung babae. Hay. Kelan ko ba sila malalapitan? Parang ang dami ko nang kaagaw niyan. Lalo na kay Dj. Peste naman oh! Peste na kagaya nung Lizang malanding ipis!

"Kathryn?! Asan ka?!" rinig kong sigaw ni Seth kaya napatigil ako. Tumigil don yung mga babae at hinanap nila kung sino ang Kathryn

Nakita kong naggive way yung mga babae habang dumadaan yung P5 sa akin. T-teka.. baka malaman nila kung sino ako. Lalo na ay napanood nila yung GGV. Tsaka.. masisira ang pangalan ko kapag nalaman nilang sobrang close kami

Pinanlakihan ko sila ng mga mata na parang, 'Hoy! Alam niyo naman kung ano ang ibig sabihin ko!' tapos nakita nila ako na ginawa ko yun

"Teka.. ano ulit yung sinabi mo? Kathryn?" sabi ni Lester at nagkamot ng batok. Nakahinga naman ako ng maluwag

"Baka ang ibig mong sabihin tol, tubig!" sabi ni Jc at binatukan si Seth

"Sorry naman. Oo nga eh. Tubig." lumapit sa akin si Seth at pinanlakihan ng mata

"Miss" diniinan niya yan ah, "Pwede bang bilhan mo ako ng tubig? Ibigay mo nalang sa amin mamaya doon oh" sabi niya at tinuro yung upuan ng players. Binigay niya sa akin yung 100 pesos niya

"Sige na miss. Alam kong fan ka namin. Swerte mo nga eh" sabi ni Katsumi at kinindatan pa ako. Naikuyom ko ang palad ko dahil sa inis. At kinuha ko yung pera

"Oo naman po. Sobrang fan niyo ako" sarcastic na pagkakasabi ko na sila lang ang nakakalaam.

"Ang swerte ng girl,"

"Pamilyar yung mukha niya"

"Tsaka yung Kathryn"

"Kathryn Bernardo?"

"Is it possible na nandito siya? Kyahhh! Magpapapicture din ako! Ang ganda niya eh! Nakakainggit!"

Maganda na sana yung magpapapicture. Pero yung ganda? Walang wala yan sa itsura ko no

May nakita akong tindahan na hindi kalayuan sa court kaya bumili na ako, "Manang limang tubig po," tsaka, hindi ba nagtaka yung mga babae kung bakit nagpapabili yung mga ugok na yun? Eh meron namang gatorade o ano mang maiinom dun eh! Mga tanga!

Binigay ko sa kanya yung pera at binigay niya naman yung sukli at yung supot na may limang tubig. Bumalik ako doon at nakisingit para lang puntahan yung limang ugok

"Yan na po yung limang tubig na pinabili niyo." kunwari hindi ko sila kilala. Isa pa, ayokong gumawa ng eskandalo dito no. Baka mga fans pa nila ang umatake sa akin

Tumingin sila sa akin ng nakakaloko kaya umirap ako, "Oo na. Kunwari kinikilig ako na kaharap ko itong limang itlog. Psh. Manonood na ako ng laban ni Quen"

"Tsk" alam niyo naman kung sino diba?

"Anyare diyan? Nagcheer naman ako sa kanya ah" bulong ko sa apat na to. Nagkibit balikat lang sila samakin

Teka.. naiinis ba siya dahil sa sinabi kong manonood ako kay Quen? Sinupport ko naman sila kanina ah. Hay ang daming arte. Imbes na selos ang isipin ko, inggit nalang. Hahahaha. Siguro dahil sa akala nila, mas gusto ko si Quen

"Fine. Kung mananalo kayo at makuha niyo yung grand prize, ako ang magluluto ng dinner at matutulog kayo sa kwarto. Kapag hindi, hindi. Okay?" naliwanagan naman yung mga mukha nila at tumango tango. Pero mukhang hindi naman nagustuhan yun ni Dj

Aalis na sana ako nang may naalala ako, "Ang galing niyo kaninang apat. Ang ganda nung teamwork niyo" sabi ko sa kanila

Napatingin naman ako kay Dj na nakayuko habang tinigtignan yung tubig na binili ko kanina. Ngumiti ako..

"Ikaw rin, Dj. Ang galing mo kanina"

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon