Chapter 40

4.1K 105 5
                                    

After naming mag usap usap, nagkayayaan kaming lumabas. Wala naman silang schedule ngayong araw. Kaya medyo okay na rin sa akin

Kaya ngayon.. todo todo ang pagdidisguise nila. Hahahaha! Kung die hard fan siguro ang makakasalubong nila, mapapansin nila na P5 ang kasama nila. Lalo na at lima silang lalaki tapos kasama pa si Lelay at Magui. At ako -___-

"Ate, okay na kaya ito?" napatingin ako kay Magui habang inaayos yung cap niya. Balot na balot yung mukha niya kaya hindi naman mahahalata na siya yun. Pati kay Lelay

Nagthumbs up ako para sa kanya at inayos ko na rin yung itsura ko. Straight itong buhok ko. Tapos.. naka plain white shirt at pants. Then doll shoes. Humiram ako kay Katsumi ng glasses na walang grado. Buti nalang meron.

"Ano yan? Pfft" tanong ko sa lima habang tinitignan ng mabuti yung style nila

"Mukhang jeje" Magui

"Swag" Lelay

"Baliw sa kanto" pangsasang ayon ko sa dalawa. Kaso nakangiti lang yung mga mokong

"Okay lang. Syempre para hindi nila mapansin na gwapong Lester pala itong nakatago sa nakakasukang damit na to"

Para silang mga jeje. Nakacap, naka loose pants, loose shirt na parang rapper. Nakasunglass. Hay ewan ko sa kanila.

"Pero nakakatawa ha. Wala talagang makakapansin sa inyo" natatawang sinabi ko sa kanila. Nagpogi sign pa sila at pa swag na umalis ng bahay

Naging loko loko sila sa loob ng van. Nagtritrip. (As usual) Parang matutumba na nga itong van sa kakulitan nilang apat. Hay.

Nakarating kami sa mall. Dumiretso agad sila sa time zone kung saan maglalaro sila. Ako? Umupo nalang sa may upuan na nakita ko at pinunasan yung glasses.

"Yahh! Wag kang mahuhulog sabi eh!"

"Ang bobo bobo mo kasi! Ako nga!"

"Bwahahahha! Nahulog din naman eh!"

"Kunin niyo!"

-_____-

Alam niyo naman kung sino diba?

Sila lang naman yan na pinipilit kunin yung stitch na stuff toy. Kaso, nahuhulog. Nakatingin nga lahat ng tao sa kanila eh. Sa lakas ng ingay -___- At siguro dahil sa pamilyar ang boses nila

"Para kay Kath. Ako nga," nagulat ako dahil sa sinabi ni Dj. Siya yung tumulak kay Seth at naglaro dun. Napailing nalang ako at tinignan naman yung dalawang babae

May tumabi sa akin na lalaki kaya napatingin siya sa akin.

Napatingin din ako sa kanya at... si Quen. Ngumiti siya sa akin at tumingin sa iba

Bakit kaya siya nandito? At sa time zone pa. Tapos hindi niya pa ako nakilala T3T

"Yeah! Ang galing mo bro!"

"Yiiehh! Para kay Kath"

"Tsk. Tahimik nga," binalik ko ulit yung tingin ko sa lima nang makita kong papalapit sa akin si Dj hawak hawak yung stitch *__* ang cute!

Binigay niya sa akin yun nang hindi nakatingin sa akin at hindi nagsalita. Kinuha ko nalang yun sa kanya. >_____< Ako na kinikilig!

"Basketball tayo bro!"

"Sige! Kung sino ang matatalo, maglilibre ng lunch!"

"Game!"

Nilapitan ko sila para panoorin. Syempre no. Nandun pa yung mga bata kaya babantayan ko pa. Kaso, nanood din sila sa mga mokong kaya okay lang din

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon