Chapter 21

4.1K 124 2
                                    

Sunog.

Yung.

Itlog.

Na naman.

-___-

Pagluto lang ba ng itlog hindi nila magawa ng tama? Hay. Ilang tray nang itlog na yung nauubos kada araw. Nagpumilit kasi sila na magluto eh! >___<

"Kath, bakit wala nang laman itong ref mo?" tanong ni Lester

"Nagtaka ka pa. Eh kayo lang naman yung dahilan eh! Akala niyo expert kayo kaya pinaghalo halo miyo yung kung ano ano." sabi ko sa kanila

*ring*

Napatingin kaming lahat sa may gawi ni Daniel. Nagriring kasi yung phone niya. Kaya hindi nalang namin pinansin. Nagkatinginan kaming lima at alam na...

Alam naming si Liza yung tumatawag pag ganito kaaga noh. -___-

"Eh? Pangit ba lasa nung niluto namin nung nakaraang araw?" tanong ni Jc at napatingin sa kisame, "Hindi naman eh" pagmamaktol niya. Tinignan ko sila ng masama kaya medyo lumayo sila sa akin

*ring*

Hindi parin namin pinansin yung kanina pa nagriring na cellphone niya, "Maganda na 'sana yung tinola niya kaso NILAGYAN NIYO NG TUYO!!" sigaw ko. Huminga ako ng mabilis dahil sa sigaw kong yun,

"Yung bacon na nilagyan niyo ng suka, yung itlog na napakaraming asin, yung pritong bangus na naging lauya, yung adobong naging prito na nilagyan niyo ng chocolate at iba pa! TINGIN NIYO MASARAP YUN??!! EH MAY BALAK ATA KAYONG PATAYIN AKO EH!!"

"Ang sarap kaya nung adobong naging prito. Diba tol?" tanong ni Katsumi sa kasama niyang tatlo. Tumango naman silang lahat at tumingin sa akin

-____-

Tinignan ko sila ng ganyan, "Yakk! Iwww! Sabi na ngang pangit ng niluluto natin eh!" Seth

"Oo nga. Ang alat pa ng mga itlog natin" sa sinabi ni Lester, lahat kami napatingin sa kanya

*ringgggg*

"Anong ibig sabihin mo sa 'itlog'?" tanong nilang lahat kaya tinakpan ko na yung tenga ko. Litsi. Pati ba naman yung tungkol sa tinatago nila sinasabi nila?! Hoy! May babae dito!!

"Yakk! Magtiis na muna kayo kasi maggrogrocery ako" sabi ko sa kanila at tumayo na. Pumunta ako sa may sala at nanood ng tv. Hmmm...

*ringgg*

"Sama kami!" sigaw nilang apat at nakiupo sa akin dito sa sofa. Nakita kong pasimpleng naglakad papunta dito si Daniel hawak hawak yung cellphone niyang nagriring. Hindi niya pa sinasagot?

Nagkatinginan ulit kaming lima at nagkatanguan, "Hindi mo ba sasagutin--"

*blaggg*

*bogsh*

"Aray..."

"Hard..."

"Machakit"

"Awtsu!" sabi nilang apat habang nanlalaki ang mga mata nila. Pati ako nagulat sa ginawa niya, pero nawala din agad.

Binato niya kasi yung phone niya kaya ayun, wasak. Tsk tsk. Ang mahal pa naman ata nun. Bakit naman niya binato? Dahil sa naiinis siya sa tunog? O... *smirk* Naiinis na siya kay Liza?

Kath! May chance ka na!

"Okay ka lang pare?" tanong ni Lester sa kanya

"Matutulog muna ako.." sabi niya at umakyat na pataas.

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon