Chapter 17

4.5K 114 0
                                    

Lunes na.

Tapos na yung GGV

At eto ngayon. Damay ako T___T

"Kath sikat ka na!"

"Paano na yung kabandmates mo?"

"Kung magiging sikat kayong lima, wala na akong pag asa"

"Go KathNiel!"

Nakakarindi na yang KathNiel na yan ah. Ni hindi ko nga alam kung bakit nasali yung pangalan ko dun! Nakakainis

Nagtrending sa twitter kahapon, #Parking5 #DanielPadilla #Kathryn Bernardo #NewLoveTeamKathNiel tsk. Talaga bang nagpuyat sila para lang mapanood yung guesting nila doon? Aba. Nasali yung pangalan ko. Tapos mas dumami followers ko sa twitter at IG. And dami naring nag add sa akin sa FB. Jusko! Paano!?

"Hoy Kath~"

"Ano~" ginaya ko yung pagkakasabi ni Seth. Pero inirapan ko siya sa huli

"Yung phone mo~ Kanina pa nagriring~" ayan! Maglokohan kami! Tsk. Kainis. Sino ba tong..

Si Lelay! "Ate galit ka ba sa akin kaya hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" yan ang unang sinabi niya sa akin pagkasagot ko nang tawag. Tapos malungkot pa siya sa boses niya

Ehhh akala ko kasi si Enrique eh. Ang kulit kasi nun, "Hindi. Ngayon ko lang namalayan. Sorry Lelay ha"

"Okay lang ate!" ayan. Naging jolly na. Bipolar. -___- Kagaya ng kuya niyang sungit, "Are you free today ate?" sabi na nga ba eh.

Bukod sa naipakita ako sa tv kahapon, ang dami nang lumalapit sa akin na mga lalaki pero mabuti naman at humaharang yung mga itlog. Tapos ang dami na ring nakikipagkaibigan. Pero sabi ni Lester, wag daw kasi baka nakikipagplastikan lang sila. Nag agree naman ako sa kanya kasi iba na ang mga tao ngayon

'Nakikipagplastikan na para lang makalapit sa idol nila' Yan ang sinabi ni Jc sa akin. "Ate?"

"Titignan ko baby"

"Well... pwede mo namang iinvite yung mga kuya" ni loudspeaker ko para marinig nung ugok

"Kung shopping Lelay, ayaw" Seth

"Ayaw na ayaw" Katsumi

"Hoy mas gwapo kaya ako!" sinamaan nila ng tingin si Lester at sabay sabay na binatukan

"We'll see Lelay"

"Okay ate! See you! Just text me or si ate Mags" binaba na niya yung tawag at napatingin ako sa mga itlog

"Ako!" Jc

"Hindi! Ako ang mas gwapo!" Lester

"Dahil sa chinito eyes ko, maraming naghahabol sa akin! Kaya ako ang gwapo!" Katsumi

"Tumahimik ka singkit. Dahil ako lang naman ang pinakagwapo sa balat ng lupa" Seth

"Sa balat ka lang! Ako sa buong katawan! Ano, angal?!" Lester

"GRRR. MAS GWAPO AKO!!" sabay sabay nilang sinabi at nagkakasamaan ng yingin

"Mga bakla lang ang nagtatalo kung sino ang gwapo." biglang sinabi ni sungit habang nakapikit na parang natutulog na pangit. Aish. Ewan!

"Sinadya mo na hindi ka sumali kasi ayaw mong aminin na bakla ka tol?!" natatawang sinabi ni Seth. Sinamaan siya ng tingin ni sungit, "Sorry. Gwapo lang"

"Ano ba talagang pinaglalaban niyo?" natatawang tanong ko rin sa kanila

"Yung kagwapuhan namin!" sabay sabay nilang sinabi. Hangin ah! Lakas! Wooh!

"Kath.. sino ang pinakagwapo sa amin?" tanong ni Lester sa akin.

Kunwari nag isip ako. "Kayong lahat" ngumiti ako ng pilit at nandidiri, "Hindi kasali yung sungit" bulong ko sa huli

"Narinig niyo?! Sinabi na ni Kath na ako ang pinakagwapo!" Jc

-___-

"Hoy ako kaya!" Seth

"Hindi! Mga bingi ba kayo o wala kayong tenga? Ako nga eh!" Lester

Hay. Iba na talaga ang mga tao ngayon -___-

***

"Sorry kung ngayon ko lang naalala ang project niyo ngayon." paninimula nung Mapeh teacher namin pagkapasok niya

"This Wednesday, isusubmit na yung nga grades niyo for the first grading. Pero ako.. wala pa akong naibibigay na project. So para mas madali, I want this project na kayong lahat ang gagawa. Okay?" lahat nagcomplain. Pero yung iba nagustuhan din kasi group

Madaming nagcomplain na mas masaya daw kung individual kasi kung group, leaders na naman ang gagawa, "Shhh. Gagawa lang naman kayo ng kanta" mas lalong umingay sa classroom

Peste naman oh. Tsk. Ingay!

Lumapit si mam sa amin at papunta sa gitna namin ni sungit. "I want you two lead your classmates." sabi niya sa amin kaya nanindig yung katawan ko sa narinig

Kami?! Ni sungit?! Kami ang leader!? "It can be rock, love song, wild, o kahit ano. Kahit anong paghuhugutan yan. Kathryn, Daniel, humingi kayo ng lyrics sa classmates niyo ang perform it tomorrow. Aalis na ako para sa meeting. Sana mapag usapan niyo yan" pagkatapos lumabas ni mam, lumapit agad yung mga classmates namin kaya napahawak nalang ako sa ulo ko

Aish! Paano ba namin to sisismulan?! Lalo na at si sungit pa yung kasama ko. Litsugas naman oh!

"Kath mas maganda kung tungkol sa love"

"Mas maganda kung rock!"

"Paano kung love song pero medyo happy?"

"Dapat sad para feel na feel"

Kung ano ano ang mga nasuggest nila pero wala parin akong maisip. Okay. Ganito nalang. "Magbibigay kayo ng isang stanza base sa kung ano ang gusto niyo. It can be tagalog or english. Bahala kayo. Tapos ipasa niyo nalang sa akin mamaya" tumango naman silang lahat at bumalik na sa mga upuan nila. Tapos nagsimula nang magsulat ng mga lyrics na pwede naming gamitin para sa class project na to

Pati yung apat na ugok nakidamay. Napatingin lang ako dito sa katabi ko na pachill chill lang.

He's humming..

"Hindi ka gagawa?" hoy! Maamo ako niyan ah. Magtaka kayo kung magiging amo rin yung masungit niyang ugali. Tsk

Hindi niya ako pinakinggan kaya hindi ko nalang siya pinansin. Ano kaya maganda? Love song? Hmmm...

Aha! Kakabasa ko lang sa wattpad. Nakakainis nga eh. Yung lalaking walang pakealam sa babaeng may gusto sa kanya. Pero nabubuo na ata yung feelings nung lalaki dahil sa araw araw silang magkasama. Hanggang doon muna ako kasi hindi ko pa tapos. Hehe

May nagpasahan na nang papel tapos humirit pa yung isa, "Kath, just call me, and I'll be there" tapos kumindat. May sira ata yung mata. Tsk tsk

Sunod na nagpasa si Enrique. Nginitian ko siya at kukunin na sana yung papel nang may isang kamay ang kumuha nun at binasa

"Baduy" bulong niya pero narinig ko. Salamat naman at hindi narinig ni Enrique

"Nakapasa ka na diba?" pagtataray ni Lester sa kanya. Para siyang nanay. Pfft

I mouthed the word 'sorry'. Tumango naman siya tapos inasikaso ulit yung ibang kaibigan niya

"Aba whogoat to oh!" sigaw ni Katsumi at binasa yung isang papel, "I will patiently wait for your comeback" pfft. Sino naman kaya nagsulat nun? Ang corny. Tsaka.. walang konek sa magiging kanta kung sakali

"Sino nagsulat nun?" sabi niya sa classroom. Binatukan naman siya ni Lester at tumawa ng malakas

"Leche ka tol! Eh ikaw nagsulat nun!" bwahahaha! Ayan! Mapahiya ka Katsumi

Nagtawanan yung mga kaklase namin sa kanilang dalawa.

Habang ako.. binabasa yung mga lyrics na binigay nila sa akin

*kamot ulo*

"Paano ko ba to sisimulan?"

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon