Chapter 28

3.6K 114 1
                                    

Kath's POV

So nakalimutan talaga nila?! May pangiti ngiti pa talaga silang nalalaman?! Akala ko natraffic lang sila o may biniling pagkain kaya natagalan! Leche! Pachill chill pa sila dito sa bahay at nakalimutan na ako?!

Hinarangan ko ng drawer yung pinto. Hmp. Kahit na may susi sila, hindi nila mabubuksan yan. Tsk! Manigas sila!

Gumaganti talaga sila dahil sa hindi ako nakapunta noong linggo ah! Tapos anong susunod? Ipagtabuyan na nila ako? Na parang walang kwentang aso?!

"Kath! *knock knock*"

"Sino yan?" wala kasi akong kakilala na Parking 5! *roll eyes*

"Kath naman eh!" sinubukan nilang itulak yung pinto kaya medyo nabuksan na. Konti..

Kunwari nakita ko sila sa may pinto. Tapos nagulat, "Omaygad! Kayo ba yung Parking 5 na pinagtitilian na ng mga babae?" sarcastic na pagkakasabi ko, "Sa tingin niyo papasukin ko kayo?" heh! Manigas kayo diyan!

"Kath~ Sorry na kasi~ Oo nakalimutan namin pero--"

"Inaalala niyo ako? Ha-ha! Ano yan? Joke? Matatawa na ba ako? Simula kasi noong nakaraang linggo, wala nang limang lalaki na nakapaligid sa akin eh. Kaya hindi na ako nasanay sa jokes"

"Kath~"

"Oh hello Magui?" kunwari kausap ko si Magui, bwahahaha! "Oo eh. Magpapakamatay na nga ako! Oo kapag patuloy sila sa pagtulak ng pinto ko." napansin kong tumigil sila sa pagtulak, "Ah ganun ba? Sige. Bye bye"

Tumahimik ulit dito sa kwarto ko at sa labas ng kwarto. Hay. Grabe hindi ko na kaya....

Yung ganitong sitwayson, hindi ko na yata makakayanan. Palagi nalang dahilan, dahilan, dahilan! Tapos isang sorry lang tapos na! Tapos mauulit na naman. Kelan ba dapat maulit ang hindi dapat? Sawang sawa na ako

Gusto ko yung isang beses lang.

Kaya hindi ko sila papatawarin para manigas sila at matutunan nila kung ano ang mali nila.

***

"Hindi! Hintayin nalang natin sa labas ng kwarto niya. Para paglabas niya, boom! Yeah! Magsosorry nga tayo diba?"

Ang aga aga ang ingay nila! Ha! Kung sa tingin nila, lalabas ako ng pinto, meron namang bintana! Bwahahaha

"Sino ba kasi ang nakalimot?"

"Tayong lahat gunggong. *sigh* Parang gusto ko nang makasama si baby natin." napatigil ako sa sinabi ni Jc.

"Ano yun? Magiging PA mo siya? Ayaw! Dapat ako!" at ang alam ko, mag aaway away na naman sila tungkol diyan

"Ako!" sabi na nga ba eh -___-

"Aish! Tumahimik nga kayo! Baka lumabas agad siya bigla at--" binuksan ko na nga yung pinto

Tinignan ko sila. Umabot ng ilang minuto at walang nagsalita. Kaya bumaba na ako at nagluto ng makakain ko. Okay. Ganito nalang. Lalabas ako ng kwarto ko, pero hindi ko papansinin. Yash!

Kumuha ako ng dalawang hotdog at isang itlog sa may ref. May kanin pa. Ipapainit ko nalang

"Kath? Galit ka ba sa amin?" ganun ba ka obvious? Edi sorry!

Pagkatapos mapre heat yung kawali, nilagay ko na yung hotdog. Hinintay ko maluto at sinunod ko na yung itlog. Sunny side up nalang. Nyahahaha

"Kath~ Bakit yan lang ang nahain ngayon? Hindi mo ba kami papakainin?" may nagsasalita ba? Yung pinggan ba yun? Yung kutsara? Tinidor? Baso? Wala naman pala eh!

Kumuha na ako ng kanin at umupo sa mesa. Nagsimula na akong kumain nang may napansin akong nakatingin sa akin...

"Kath~ Sorry na~"

"I love you so much Kath~ Hindi na mauulit" edi kung papatawarin ko kayo, I'm sure na mauulit yun.

Hindi ko ulit pinansin yung kakaibang ingay na naririnig ko. Kinuha ko yung tuwalya ko sa may kwarto ko at pati na rin yung uniform ko

Naligo at nagbihis ako pagkatapos. Tapos chineck ko yung bahay kung may naiwan ako.

*ringgg*

"Hellooooo" bati ko sa kanya

"Good mood ka na ata ngayon ah" sabi niya sa akin. Sinara ko na yung pinto, "Hintayin mo na ako diyan. Palapit na ako"

Binaba ko na nga yung tawag at hinintay si En--

"Kathryn Chandria Manuel Bernardo! Mag usap nga tayo!" teka.. paano niya nalaman yung buong pangalan ko?

Si Daniel? Paano?

Aha! Alam ko rin kaya pangalan niya, "Daniel John Ford Padilla! In short, Dj! Ano bang problema niyo?!" nalaman ko ata yung pangalan niya sa I.D. Screen name niya lang yung Daniel Padilla

Nagulat din siya sa sinabi ko kaya nginisian ko siya, "Katsumi Loyola Kabe, Jose Carlito Padilla, Hugh Seth Gothico, Lester Espinosa Giri." sabi ko na parang nag isip, "Teka.. bakit ko alam ang pangalan niyo? Ah! Kayo yung kilala ko na nagbabantay sa akin! Ibang iba na kasi si Katsumi Kabe, JC Padilla, Seth Gothico, Lester Giri at Daniel Padilla eh"

*beep*

Tumingin ako sa kanila at ngumiti ng pilit. Sumakay na agad ako sa kotse niya at hindi na hinintay na pagbuksan ako. Tinignan ko muli sila sa may bintana. Nakita ko yung mga mukha nila yung lungkot. Pero yung mukha ni Dj, (si Daniel) parang galit siya. Pero bakit pa siya nagagalit?! Eh ako nga dapat eh!

"Oy oy! Baka naman manuntok ka nalang bigla diyan" natatawang sinabi niya

"Gusto mo sayo ko isuntok?" tumawa lang siya sa sinabi ko

"Hahaha! Chill lang. Cute mo pag nagagalit"

Hindi nalang ako nagsalita sa sinabi niya. Hay. Ewan ko lang kung ano ang mangyayari...

*ringg*

Kinuha ko yung phone ko mula sa bag ko at tinignan kung sino yung tumawag. Si Magui

"Ate..." malungkot na sinabi niya pagkasagot ko sa tawag. Hay. Siguro nalaman na niya

"I'm sorry Magui pero hindi yata kayang gawin kung ano ang iniisip mo. Alam ko na maiisip din nila yung pagkakamali nila,"

"I'm sorry din ate ha. Pero... kasi ano.. Hindi na ba pwede? Sorry kung masasabi ko to sayo." kinabahan ako sa susunod na sasabin niya. Narinig ko kasing napabuntong hininga siya sa kabilang linya, "Ganun ka na ba kababaw ate? I mean, dahil lang sa hindi nila pagnood sa sayaw mo? Ate hindi mo ba naisip na kung magpapakita sila sa school, pagkakaguluhan sila." napatingin ako kay Enrique saglit nang mapansin kong huminto na yung kotse sa may school

"Pag iisipan ko Magui.." napabuntong hininga ako, "Thanks. Sige, papasok na ako sa school. Bye"

"Hindi naman sa nangingialam ako Kath.. pero tama naman sila. Sikat na sila. Minsan nga, hindi na sila lumalapit sayo dahil sa ayaw nilang itulak palayo para lang makapagpapicture sa kanilang lima. Yun lang ang napansin ko. Hehe," nagkamot pa siya ng batok nung sinabi niya yun.

Bumaba na nga kami sa kotse at pumasok na sa classroom namin

Hay. Tama nga sila. Ang tanga mo rin Kathryn eh! Sabi mo iintindihin mo sila. Tapos ngayon nag iinarte ka. Anong napala mo. Tsk. Yan kasi eh!

Sige na! Buo na ang desisyon ko! Kakausapin ko na sila!

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon