Chapter 22

4.2K 109 4
                                    

"Sigurado kayo? Ayoko.. ayoko" matigas kong sinabi sa kanila at umiling iling pa. Actually, pabulong kasi nasa harap lang namin siya

Yup. Naglalakad kami papunta sa grocery at nagunguna siya. Kaya ito.. pinagtutulakan nila ako para kausapin siya

At first.. nag inarte pa ako kasi dapat siya ang lumapit at magsorry. Kaso narealize ko na dapat ako yung magsorry. Pero hindi pa siya nakapagsorry noon tungkol kay Enrique eh! *pout*

"Ano, lalakad ka o sisipain kita?" pagbabanta ni Jc sa akin kaso sinamaan ko siya ng tingin kaya natahimik siya

"Tumahimik kang taong braso ka ah. Porket malaki yang katawan mo hindi na kita kaya?" pagmamayabang ko sa kanya. Pero sa loob ko, alam ko na tigok na ako pag naglaban kami ni Jc.

Kaya ayun, tinulak nila ako. Salamat naman at hindi ako bumunggo sa likod niya. Bigla kasi siyang tumigil eh. Kaya tumigil din ako kasi kinuha niya yung 'bagong phone' niya at may sinagot na tawag

"Yeah... starbucks? I'm coming." tapos binaba agad yung tawag. Humakbang ako paatras kasi alam ko na haharap siya dito. Baka kasi makahalata siya na nilalapitan ko siya.

"Aalis ako. Kayo nalang ang bumili" sabi niya at umalis na nga. Lumapit sa akin yung apat at tinignan namin siyang umalis

"Paano na yan? Baka hindi namin mabuhat yung mag bibilhin natin" sabi ni Katsumi. Tama siya. Baka kahit tumulong ako, walang mangyayari

"Tawagan mo na kaya si Enrique?"

"Eh? Tatawagan ko siya dahil lang sa magpapatulong ako?" sabi ko sa kanila, "Kung makapagsabi kayo ng Enrique eh kayo pa yung humarang harang sa kanya. Tsaka isa pa, close ba kayo?" umiling lahat sila kaya napatampal ako sa noo. Naman oh.

"Tawagan mo nalang. Please?" aish. Nangungulit na naman sila.

Napabuntong hininga ako at pumayag na nga sa sinasabi nila. Tinignan ko yung contacts ko at tinignan yung pangalan niya. Well.. kaunti lang kasi yung nasa contacts ko.

Kaya nakita ko yung pangalan ni Lelay at Magui kaya napangiti ako. Kung yayain ko kaya sila? Tama. Tutal Sabado din naman ngayon.

After a ring, sinagot ni Magui yung tawag, "Hello ate?"

"Hi Magui" nakatingin sa akin yung apat na ugok nang nakakunot yung noo pero hindi ko nalang pinansin, "Free ba kayo ngayon?"

"Yes ate. Why?"

"Uhmm ano. Well, gusto niyo bang sumama sa amin? Papunta kami sa grocery--"

"We're our way ate! Kita tayo!" masayang sagot niya at agad na binaba yung tawag. Nasa daan na sila? Hmmm.. siguro may pupuntahan sila at sakto naman na tumawag ako. Pero hindi naman ata siguro nacancel yung pupuntahan nila. Nagbigay kusa na eh

"Ininvite ko na sina Magui. Namiss ko sila eh" sabi ko at nagpeace sign. Alam ko kasi na iniisip nilang ipapabuhat din sa kanila yung bibilhin ng mga bata. Hahaha

Sunod na tinawagan ko si Enrique. Kaso kinakabahan ako dahil sa baka mainis din siya sa akin. Baka sinasabi niya na ginagamit ko lang siya

"Hello? Oh Kath napatawag ka?"

Nag sign yung mga apat na ugok kung ano yung sasabihin ko. "Kasi ano.. uhmmm"

"Sabihin mo na sasamahan tayo" bulong ni Seth

"Hindi. Dapat sabihin mong magdate kayo na kami yung chaperone" Katsumi

"Mali ka. Kath sabihin mo na magpapatulong ka" Jc

"Sabihin mong love mo siya at magpasama-- aray naman oh!"

"Aish! Tumahimik nga kayo!" sigaw na pabulong ko sa kanila

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon