Chapter 36

3.9K 108 2
                                    

At ayun. Nakarating na nga kami dito sa set. Medyo makulimlim nga eh. Uulan na yata. Tutal tag ulan na rin naman ngayong buwan.

Kapit lang kay Lester. O kay Katsumi. O kay Seth! Wahhh! Kay Jc na nga lang. Kung makatingin kasi itong mga staffs oh. Parang akala nila... part ako ng set na to. Kay Jc na nga lang! Tutal parang kaibigan ko yung mga kapatid niya kaya siya ang lalapitan ko.

"Ate, kasali po ba kayo sa set?"

"Hindi. Bakit mo naman natanong yan? Bestfriend siya nila Lelay" sagot ni Jc sa kanya. Hmmm. Mukhang mabait naman si ate.

"Ah wala po Sir. Ang ganda niya po kasi eh. Mas maganda kay Liza" ha! Sabi na nga ba eh! One point for me!

"Teka ate. May tanong ako" sabi ni Katsumi at pumaharap. Nagtaka naman yung staff sa kanya, "Kung malaman mo sa sobrang close kami. As in sobrang close kaming anim. Ano ang magiging reaksyon mo?"

Napaisip naman yung babae, "Uhmmm... wala lang. Pero matutuwa pag ganun. Isang babae na ubod ng ganda, makakasama ang Parking 5? Pagkakamalan ka nilang muse no." sabi niya sa akin

"Hindi malandi?" Seth

"Hindi naman syempre no. Itsura palang ang bait na." wow ate. Salamat dahil sa ang tindi ng support mo sa akin! Kesa sa malanding ipis na yun. Tinignan niya ako kaya napaatras ako. Konti, "Teka.. diba ikaw yung Kathryn? Yung nasali sa guesting nila? Nakita ko na sobrang close ka sa family ni Daniel. Lalo na kila Magui"

"Ahh. ehh" napatingin ako sa apat, "Opo eh."

"Alam mo ba kung paano nabuo yung KathNiel?" tanong niya sa akin. Umiling ako dahil sa hindi ko talaga alam. Tsaka, gusto ko rin malaman! Bigla nalang kasing sumlpot eh pagkatapos ng GGV

"Kasi.. tinititigan ka ni--"

"Asan pala si Daniel? Hinahanap namin siya eh" biglang sinabi ni Jc. Kinurot ko siya at tinignan nang 'may sinasabi siya'. Nagpeace sign nalang siya sa akin kaya napabuntong hininga ako.

"Ay ayun sila! 10 minutes break. Dalian niyo at matatapos na break nila" sabi niya at umalis na.

"Sorry Kath" sabi ni Jc sa akin

"Okay lang. Kung hindi mo tinanong, edi sana hindi na natin maabutan si Dj" sabi ko sa kanila at sinundan na. Nakakapit parin ako sa taong braso na to. Baka kasi maligaw ako o ano. Eh hindi ko pa naman alam kung ano yung pasikot sikot dito

Ang daming camera, nagmamadaling staffs, mga papel, kape, pagkain, mga sasakyan. Tapos ang ganda pa ng view dito sa venue nila.

"Daniel!" pagtatawag ni Seth kaya lumingon ako sa gawi niya. Ayun! Nakaupo siya sa isang upuan na may tatak na Daniel Padilla sa likod

Nakita ko na lumingon siya sa amin. Hay. Buti naman hindi niya kasama yung malanding babae na yun

Tumayo siya... then. TENEN!!

Nasa tabi niya si Liza. Shet! Puso ko! Wag kang masaktan!

Tumingin siya sa akin at umirap kaya inirapan ko rin siya. Lumapit sa amin si Dj at napatingin sa hawak ko, "Dj oh. Lunch mo" sabi ko at binigay sa kanya yung paper bag

"Thanks" simpleng sagot niya at kinuha niya naman. "Manonood kayo?" tanong niya

"Oo--"

"Ngayon lang tol." sabi ni Seth at napatingin kay Liza, "Pupunta pa kami kasi sa mall eh." sabi niya. Teka.. hindi naman kami pupuna sa mall eh. Gusto kong manood!

"Ah ganun ba?"

"Daniel! Punta ka na!" sigaw nung director nila. Binigay ni Dj yung paper bag sa isang staff at may sinabi. Hindi namin narinig kasi medyo malayo na siya

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon