Chapter 39

3.8K 110 3
                                    

Ano na bang nangyayari sa kanila?! Akala ko ba hindi sila mabubuwag?! Diba hindi?! Hindi diba? Nangako sila!

Flashback

Ano kayang gusto nung mga yun? Kung mag oorder naman ako, ayaw nila. Hmm..

*door opens*

Agad akong tumakbo papunta sa may sala at salubungin sila.

"Yey! Anong gus-- Anong nangyari?!" agad nilang pinaupo si Seth sa sofa na may pasa sa kaliwang pisngi niya. At putok yung labi niya

Tumakbo ako para kunin yung first aid at bumalik rin para gamutin siya.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila. Pero nagkanya kanya lang sila ng tingin sa ibang direksyon. Isa isa ko ring tinawag ang mga pangalan nila pero hindi sila nagsalita

"A-aray.. tss" daing ni Seth habang ginagamot ko yung sugat niya sa labi

"Sino bang may gaya nito sayo?" tanong ko sa kanya

"Si Kuya.."

"Ano?!" tumigil ako sa paggagamot at napatingin kay Jc

"Kasi... ano.." nagkamot ng batok si Seth

"Si Daniel kasi.."

"Sasabihin niyo o hindi?!"

"Kasi may pinili niya si Liza kesa sa amin. Kaya ayun.. nagsuntukan nila ni Seth. Siya pa naman ang bestfriend ni pareng Daniel"

"Hindi yun ang point dito Kats. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit pinili niya yung ipis na yun kesa sa inyo? Akala ko ba solid kayo?"

"Siya naman kasi Kath eh. Sinabi naming uuwi na kami. Tapos siya, sinasabing may date sila ni Liza" halos mabasag na yung puso ko dahil sa sinabi ni Lester.

Dj is dating with Liza.

Gusto niya si Liza.

At ako, walang laban. Nasasaktan.

"Tapos pinapili siya ni Seth sa galit. Kaya ayun.."

Diniinan ko yung bulak sa labi ni Seth kaya napadaing siya, "Eh gago ka naman pala eh. Malay mo, they are just dating kasi para maging totoo yung loveteam nila. 'para'" ako na martyr. Ako na yung nagbubulagbulagan na parang hindi nasasaktan sa sitwasyon

"Kath..."

"Okay lang ako,."

"Okay ka pero umiiyak ka?"

Napakunot yung noo ko at hinawakan yung pisngi ko. Umiiyak nga ako.. "Oo na. Nasasaktan ako okay?" akala ko, mawawala na yung nararamdaman ko pero hindi pa pala.

"Magpahinga na kayo. Ako nalang ang kakausap kay Dj" sa ngayon, uunahin ko muna yung sakanila

"Kath---"

"Okay lang. Kayang kaya ko siya no" pinilit kong ngumiti sa kanila pero hindi ko kaya. Tumango naman silang apat at umakyat na sa taas

End

At ngayon, hinihintay ko siyang umuwi. Hatinggabi na nga eh. Kaso wala pa siya.

*yawn*

Ang tagal naman niya. Ganun ba sila katagal magdate? O traffic lang?

Ipipikit ko na sana yung mga mata ko nang marinig ko yung pagpihit ng dahan dahan sa doorknob kaya umayos ako ng upo at hinintay siya.

"San ka nanggaling?" tanong ko at binuksan yung lampshade sa may tabi ko. Binuksan niya yung ilaw pero agad akong napatayo nang makita ko yung kalagayan niya

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon