Chapter 8

4.8K 142 2
                                    

"Okay lang po talaga. I understand naman eh. Sige. Babye" then binaba ko na yung tawag.

Hindi na naman sila makakapunta. Inimbita kasi ako nina Katsumi na magcelebrate sa pagkapanalo nila sa Sabado. Well, nandun ang mga parents nila. Pumayag lang ako dahil sa gusto kong makilala ang parents nila. Yung kilala na nila ako tapos ako, hindi pa

"Congrats Kath!" masayang bati sa akin ni Katsumi tapos akmang yayakap sana sa akin,

"Okay na. Baka patayin niyo na naman ako sa sobrang higpit" sabi ko habang nakaharang yung dalawang kamay ko. Ayoko nang matulad kanina na sa sobrang higpit, parang mawawalan na ako ng hininga. Grabe

"Kath! Pwedeng matulog sa kwarto mo?"

Ano daw?! "Ano?! Hindi!"

"Sa sahig kami" Seth

"Hindi"

"Wala kaming gagawin" Jc

"Ayaw"

"Akala mo naman pagnanasahan yung flat niyang dibdib" rinig kong bulong nung isa dun

"Hoy! Sa tingin niyo naman papayagan ko kayo! Eh ikaw nga, wala kang pandesal eh!" wahhh! Ano sabi ko? Pandesal?! Wahhh!

"Gusto mo makita? Ha?!" pagmamayabang niya at hinawakan na yung t shirt niya. Agad ko namang tinakpan yung mga magaganda kong mata at tumalikod

"Pakipot ka pa. Aminin mo na gusto mong makita itong abs ko" wow ha. Abs talaga?

"Abs? A Big Stomach? Bwahahahaha!" grabe! Ang dami kong tawa. Hahaha. Meron daw siyang abs. A big stomach. Pfft

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko habang tumatawa pa rin. Pero pagkapasok ko, napahinto ako anng marealize kong... tumawa ako?

Tumawa ako?! Seryoso?! Sa harap nila?! Ehhhh! Sinabi kong hindi ako magpapakasaya eh kapag kasama ko sila eh. Paa--

"Kath? Diba magkwekwentuhan pa tayo tungkol sa pamilya?" rinig kong sinabi ni Jc sa likod ng pinto

"Please. Ngayon lang talaga" Katsumi

Hay. Kailangan ko rin kasi ng masasabihan ngayon. Pero tandaan mo Kathryn, hindi ka iiyak ah. Hinding hindi

Binuksan ko na yung pinto, at nakita ko yung limang itlog na may dalang unan. "Pwede naman atang matanggal yung foam niyo eh. Buhatin niyo nalang at ilapag sa sahig. Magtotooth brush lang ako" tumango naman sila kaya lumabas muna ako nang kwarto at pumunta sa CR

Gusto kong maranasan magkaroon ng sweet 16 sa susunod na birthday ko. Sa March. Kaso next year pa yun. At graduation pa sa susunod na kaganapan. Pero sa sweet 16 na yun, parang may kutob ako na hindi makakadala sina mama at papa

Bumalik ulit ako sa kwarto at nakita ko na silang nagkukulitan sa malaking kama na nakasalampak sa sahig. Tapos si sungit, wala lang. Parang gusto nang matulog. Noong napansin nila ako, nahiga sila kaya pinatay ko na yung ilaw

"Kath, ano palang sinabi ng mga magulang mo tungkol sa Sabado?" tanong ni Jc pagkahiga ko sa kama. Tinignan ko sila na nasa ilalim ng kama at nginitian

"Sabi nila hindi daw sila makakarating"

"Pero pupunta ka diba?"

"Para naman makilala ko yung mga parents niyo."

Tumahimik ulit. Pero ako na ang mismong magsalita

"Gising pa kayo?" nagkanta kanya naman silang ingay kaya medyo natawa ako, "Yung mga magulang ko.. hindi ko pa nakasama ng ilang araw. Noong bata ako, akala ko overtime lang sila kaya hinihintay ko. Nakabantay ako sa may hagdan ng bahay at nagbabakasakaling maabutan ko sila. Pero habang tumatagal, narealize ko na, hindi na talaga sila uuwi. Tatawag, tetext. Yun nalang ang ginagawa nila." ramdam ko na umiinit na yung mukha ko at nakaramdam na ako ng pagbarado sa ilong ko.

Sabi nang wag iiyak eh! "Nagdecide ako na bilhan nalang nila ako ng bahay. Bahay na ako lang mag isa. Siguro dahil sa sanay na akong wala sila sa tabi ko. Pumayag naman sila. Tapos puro business nalang ang naririnig kong balita tungkol sa kanila. Meron pa yung isang time na nagkasagutan kami dahil lang sa arranged marriage. Hay. Nakakasawa na rin lalo na kung mayaman ka. Dapat ganyan, ganito." napatingin ulot ako sa kanila at pasimpleng pinunasan ang luha ko. Kung meron man

"Masyado bang mahaba? Hehe" natatawang tanong ko. Napansin ko na hindi sila umiimik, pero halatang gising sila

"Ako. Si papa at mama, hiwalay na sila. May kanya kanyang pamilya. Well ako, nagrequest ako sa mga magulang ni Lester na dun nalang ako titira. Pumayag naman sila. Noong una, hindi pumayag si mama at papa sa desisyon ko. Pero pumayag naman sila noong time na dapat ikasal yung mga anak nila--anak sa labas, at binibigyan naman ako ng weekly allowance" sabi ni Katsumi

"Ilan?" tanong ko

"Uhmm... hundred thousand a week? O kaya, mas marami pa" napalunok ako dahil sa sobrang yaman naman nila

"Oy ikaw naman bregs! Siguraduhin mong wag kang iiyak" natawa naman ako sa inasal ni Katsumi kay Lester. Ginising niya pa kasi

"Okay naman kami. Maayos na pamilya" tapos bumalik ulit siya sa pagtulog

"Ganun rin ako kaya wag niyo na akong istorbohin" sabi ni Seth

Napatingin kaming dalawa ni Katsumi kay Jc, "Okay. Kalma lang." huminga siya ng malalim, "Well, alam niyo naman siguro na magkapatid lang kami ni Kuya Daniel sa ina. Magkaiba ang tatay namin. Hoy ikaw kuya. Hindi mo ba namimiss si Magui at Lelay?" kinakausap niya si sungit.

"Sino yun?" tanong ko sa kanya. Hindi ko nalang pinansin yung tungkol sa tatay niya at tatay ni sungit. Masyado atang... tagos yun

"Ah. Kapatid naming dalawa. Mga babae sila at tiyak naman na magugustuhan ka nila Kath. Pupunta din sila sa Sabado" ahh...

"Hoy pareng Daniel. Ikaw naman magkwento." sabi ni Katsumi at kinalabit pa si sungit sa may tabi niya

Maya maya pa, nakarinig kami ng hilik sa may parte niya kaya napatawa kaming tatlo

"Mahirap ba maging drummer?" tanong ko. Kasi naman... ayaw nilang ipahiram nung bruhang yun yung drums niya. Malakas daw kasi ako masyado.

Bigla namang bumangon si Lester, "Kapag una, masakit sa mga braso. Pero kapag sabay mo na, enjoy. Enjoy... *yawn*" tapos bagsak! Natulog na siya ulit

"Saan ka natuto sa paggitara Kath?" tanong ni Jc

"Ahh. Sa youtube lang. Napapasabay kasi ako sa beat sa mga kanta kaya nagdecide ako na maggitara" napatango naman sila at tumahimik ulit

"Kath, wag ka sanang magagalit kapag may itatanong ako sayo ah" sabi ni Katsumi kaya napatingin ako sa kanya

"Itatanong? Bakit naman ako magagalit kung magtatanong ka?" medyo napatawa pa ako pero para kasing seryoso siya kaya hindi nalang

"Galit ka ba talaga sa amin?" napatahimik ako sa tanong niya

Bakit nga ba ako galit sa kanila? Dahil sa naninirahan sila sa bahay ko noon? Hanggang ngayon? Dahil kahit malaki na ako, pinapabantayan parin ako? Yun ba? Ewan ko

"Ewan ko. Siguro dahil sa may PMS ako that day? Malay." narinig ko na napabuntong hininga silang dalawa

Pinikit ko na yung mga mata ko at nakaramdam na nang antok dahil sa pagod kanina.

"Pero alam niyo, nakakatuwa kayong kasama"

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon