Chapter 29

3.8K 122 5
                                    

*ringgg*

Nilagay ko sa may mesa yung hawak kong bowl na puno ng chips at inabot yung phone ko. Nandito ako sa may sala habang nanonood. Hinihintay yung limang yun.

Mama's calling

Agad ko namang sinagot yun, "Hello Ma?"

"Hi anak! Kamusta ka na diyan? Maayos ka lang ba sa lima? Balita ko, artista na sila ah" sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa may pinto

"Ahh. okay lang naman po. Medyo hindi sabay kasi wala na sila all the time" napabuntong hininga ako

"You want to rest?"

"Huh?"

"I already excused you sa PU. Si papa kasi, nasa villa."

"Talaga mama?!" excited na tanong ko sa kanya. Si lolo, yung palagi kong kasa kasama noon kapag wala sina mama at papa.

"Yup. Kaso..."

"Kaso ano ma"

"Yung lolo mo... nasa villa" natahimik siya konti, "Nasa villa ng mga Padilla"

"Eh ano namang problema dun ma? Okay na okay para makilala ko rin lolo niya!"

"Really? Mag empake ka na dahil pupunta na diyan si manong para ihatid ka na doon"

"Pero ma.."

"Bakit Kath?"

Kasi ano... uhmm, "Hindi ba sila sasama?" hindi siya sumagot sa tanong ko. Hay.

Akala ko pa naman, kasali sila. "Sige ma. Mag eempake pa ako diba? Bye. Ingat kayo diyan" tapos binaba ko na yung tawag

Kung kelan ako magsosorry, dun na naman ako mawawalan ng chance. Bakit ganun? Galit ba sa akin ang pagkakataon?

Umakyat na nga ako papunta sa kwarto ko at nag empake. Kumuha ng mga damit, tuwalya, sipilyo, toothpaste, charger. Tapos? Uhmmm..

Wala na yata akong nakalimutan.

*beep*

Bumaba na agad ako nang marinig ko yung busina na yun.

Tapos ang nakita ko, van. Then bumaba yung limang ugok na yun.

Nagtitigan kami for a minute. Tapos..

"Wahhh! Kath sorry na! Please wag ka namang maglayas! Wahhh!" sabi ni Katsumi at niyakap pa yung paa ko. Teka--

"Oo nga! Hindi na talaga mauulit! Kaya wag ka nang umalis please!" tumakbo papunta sa akin si Lester kaso pinigilan ko. Tinanggal ko rin yung pagkakayakap ni Katsumi sa may paa ko at pinatayo siya

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanina, "Ang babaw ko kasi. Sorry--"

"Naman Kath! Ikaw pa! Isang sorry mo lang, lalambot na kami" si Seth yan habang umakbay pa sa akin -___- Pinalo ko naman yung kamay niya kaya napabitaw siya sa akin

Okay na kami. Oo.. okay na kami... na parang hindi

"San ka naman pupunta?" tanong niya sa akin. Teka.. mabiro nga to

"Maglalayas.."

"Wahh! Wag Kath! Wag!!"

"Pwede ba tumigil na kayo? Nakakarindi na yang mga sigaw niyo na parang narerape na bakla eh!" sabi ko sa kanila, "Narerape na nagugustuhan," dagdag ko pa kaya napakunot yung noo nila

"Okay okay. Ganito. Aalis ako. Excused ako sa PU for three days" uhhmm.. walang sinabi si mama pero three days ang gusto ko eh. May tutol?!

"At bakit naman?!" pagsusungit nilang lima sa akin

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon