Chapter 26

3.7K 108 3
                                    

"1 2 3 4. 1 2 3 4. Teka teka teka!" napahinto ako dahil sa sinabi ni Enrique. Nagpunas ako ng pawis at napaupo. "Kath yung paa mo dapat nasa harap pagdating dun sa 2. Tapos yung kamay ganito." sabi niya habang dine demonstrate yung mga steps ng sayaw namin. Hiphop, to be exact.

Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng tubig, "Sila na naman iniisip mo no?" natahimik nalang ako sa tanong niya.

Tatlong araw na. At Miyerkules na ngayon. Limang linggo nalang, dadating na mga magulang ko. Wala na nga sila, mawawalay pa sila sa akin

Yep. Masyado na silang busy sa pagprapractice para sa performance nila sa ASAP. They are excused dito sa school syempre. Kay Daniel kaya to. Naintindihan naman nila kasi masyado an silang sumisikat. At kasali si Liza, syempre.

Simula nung Monday, nagkaroon agad ng tvc si Daniel. Uhmm.. AMA yun. Isang school. Kaya masyado na siyang dinudumog dito sa school at pati yung apat. At hindi na rin sila nakakaattend ng school dahil sa mga fans nilang nag aaral dito. Kaya parang nawawalan na nga ako ng pag asang mapalapit sa kanya

Hinawakan ni Enrique yung ulo ko at pinatong sa balikat niya, "Nakakapanibago lang kasi Enrique" sabi ko sa kanya habang nagpipigil ng luha.

"Gusto mo iuwi na kita? Para makapagpahinga ka na..." tumango nalang ako at tinulungan akong tumayo.

Yung project naming dalawa ni Enrique, sa Monday pa namin ipeperform. Kaya sana lang hindi sila busy para makita nila akong sumayaw. For the first time

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok naman ako sa kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatingin sa daan.

Hindi na rin ako nakakaluto ng marami dahil sa sobrang late o sobrang aga nilang umalis. Parang hindi na nga sila nakakapagpahinga.

Naalala ko tuloy sila mama at papa na puro trabaho lang ang iniintindi

"Kath nandito na tayo."

"Thanks.." sabi ko at ngumiti. Bumaba na ako sa kotse niya at nagpaalam na. Tapos pumasok na ako sa loob

Flashback

Yey! Nandito na si mama at papa!

"Kath!"

"Mama! Papa!" bungad ko sa kanila at niyakap sila ng mahigpit. Niyakap nila ako pabalik at may kinuha sa maleta nila

"Look. Tignan mo oh. Si spongebob" sabi ni mama at pinakita yung stuff toy na spongebob. Napatulala ako sa hawak niya pero hindi ko pa nakukuha

"Bakit? Ayaw mo ba? Diba ito yung paborito mo?" hindi ko alam kung bakit tumulo yung mga luha ko

"Bakit ka umiiyak? May mali ba?" tanong ni papa sa akin

Umiling lang ako sa kanila at tumakbo na papunta sa kwarto ko

End of Flashback

Narealize ko na sa sobrang wala na silang time sa akin, nakalimutan nila yung paborito ko. Si Stitch. Parang... puro trabaho nalang ang nasa isip nila. Yung sa tagal naming hindi nagkita, nakalimutan na nila yung paborito ko.

Kaya kung maaari, ayokong mangyari sa kanilang lima yun. Natatakot ako.. na isang araw, hindi na nila ako kilala

Pinunasan ko yung luha ko at naghilamos. Umiiyak na naman ako.

Narinig kong nagbukas yung pinto ng bahay kaya agad akong lumabas sa CR para salubungin yung lima.

Kaso...

"Aalis ulit kayo?" tanong ko sa kanila

Nagkamot sila ng batok, "Ah.. Oo eh. Kumuha lang kami ng extrang damit. Sige Kath ah! Malelate na kami eh!" tapos umalis na sila.

Napaupo nalang ako at binuksan yung tv. Sakto naman na commercial yung nadatnan ko

"Sali na sa rakrakan ngayong linggo kasama ang bandang Parking 5. With Daniel Padilla, Katsumi Kabe, Jc Padilla, Seth Gothico, and Lester Giri. Makakasama din natin ang bagong artista na si Liza So--"

Pinatay ko agad yung tv, "Liza na naman. Tsk." humiga ako sa sofa at tinignan yung kisame

Sana lang hindi nila kalimutan yung performance namin ni Enrique sa lunes.

***

"Kath~ Ayaw mo ba talaga? Ipapasundo ka namin kung kinakailangan"

"Wag na Seth. Bukas na kasi yung performance namin ni Enrique kaya magprapractice pa kami. Manonood naman ako eh" disappointed na sinabi ko sa kanila. Hay. Kahit ilang beses naman nila akong yayain, ayoko. Kasi makikita ko lang doon yung Liza na nakikipaglandian sa Daniel na yun

"Ganun ba?" may halong lungkot sa boses nila, "Oh sige. Try nalang namin bukas na manood sa sayaw mo. Good luck Kath! We love you! *toot toot*"

Napanuntong hinga ako dahil sa narinig kong 'try'. So ganun na pala kabusy? Isang linggo palang ah. Naman eh.. nawawalan na sila ng time sa akin.

Maganda na yung sayaw namin. Perfect na nga eh. Kaya hindi na namin kailnagn ng practice ngayon kasi rest day namin. Kaya lang nagpalusot ako sa kanila. Oo alam ko na gusto talaga nila. Pero kasi.. alam ko naman na mao OP ako. Edi wala din

Gaya nga ng sinabi ko sa kanila, nanood ako ng ASAP. Ilang commercials ang nagdaan tapos sila na yung nagperform

Sweet child o' mine yung kinanta nila. Then after nun, nainterview sila ni Toni Gonzaga

"Welcome to showbiz world" bati niya sa lima

"Thank you po. Thank you" hinihingal na sinabi nilang limata sabay sabay na yumuko

"Gusto niyo bang batiin yang mga fans niyo?"

"Hi fans!" Seth

"Yow PARKERS!" Lester

"I love you! Yeah!" Katsumi

"Good afternoon!" Jc

"Yun. Yeah hi! Hi!" Daniel.

Napatawa nalang ako dahil sa first time nila sa live tapos parang walang camera dahil sa pagkukulitan nila, "Ayun. So may papasalamatan ba kayo dahil sa simpleng banda lang kayo sa school, tapos ngayon nasa stage na kayo ng ASAP at pinagtitilian"

"Ay oo!" sabi ni Katsumi sa mic, "Salamat kay ATE Vice at tinulungan kaming makamit ang mga pangarap namin."

"Mga parents namin na simusuporta" Seth

"At yung babaeng nagpapangiti sa amin at tinulungan kaming maabot ito. Hi! We miss you na!" nagpunas ako ng luha dahil sa sinabi nila

Nagpasalamat si Toni at sinabing magbabalik ang ASAP

Mga gunggong talaga sila. Mabuti nalang at hindi nila sinabi yung pangalan ko. Aba, baka mabatukan ko no. Humanda talaga yung mga yun sa akin

Nag open ako ng twitter at agad na bumungad sa akin yung picture ng P5 habang nagpeperform sa Asap kanina. Trending pa nga eh #Parking5onAsap. Kanya kanya silang pagsupport sa lima kaya napangiti nalang ako. And daming nagtweet. At still, nasa first spot sila

Nilapag ko muna yung phone ko at gumawa ng juice sa kusina.

Pagkabalik ko, iba na yung nagpakita

Na siyang gumuho rin sa mundo ko

#LizNielonAsap

Tapos picture nila ang nandun

"Wahhh! LizQuen Forever!"

"KathNiel, paramdam kayo plith"

"Ang pangit kaya ng LizQuen. Fake!"

Nagscroll pa ako ng mga tweets at napatingin sa pictures.

Pero lalo lang naguho yung mundo ko sa nakita ko...

Holding hands..

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon