•♡♡♡•
"Yes yes yes!!!" Suntok ko sa hangin ng makita ko ang score ko.
"Don't be so happy Jaden" Napaikot ito ng mata habang inayus ang mga kagamitan. Klasrum muna ang gagamitin niya Pansamantala dahil may pinagawa siya sa kanyang opisina.
"Pano ba yan Miss rose...."
"You didn't perfect-"
"Pero Apat lang mali ko Gurang, Walang exemption?" Nilubo ko ang pisnge ko dahilan para magmukha siguro akong timang.
"Doesn't make sense, Umuwi kana"
"Gurang, naman."
"The deal is Deal, you said perfect"
"Pero atleast hindi bagsak. Miss rose" Umiling Ito.
"Go home." Napasimangot ako habang umupo sa upuan niya sa Unahan. Tumaas ang kilay niya roon. "Go home Jaden. Better luck next time"
"Iyong isang deal kapag hindi ko ba perfect?"
"Forget about it" Nilubo ko na naman ang pisnge ko sa kahihiyan. Hindi pala worth it ang puyat kong hindi ko siya madadate. "Go home Now Miss Baron" napaikot ako ng mata saka tumayo.
"Panget mo talagang gurang ka!" Naiinis na lumabas ako ng klasrum, nag Marcha ako palabas ng gate na nakasimangot.
Nakakainis
"Pssst. Pssst. Psstt. Saan ka pupunta?" Tanong ng feeling prinsipal na guro.
"Uuwi" bad trip na sagot ko.
"Baket?" Taas kilay na tanong niya.
"Siraulo kaba? Ikaw pag uuwi ka tatanungin kita kong baket, ano isasagut mo?!"pangbabara ko sa pagmumukha niyang nakakainis.
"Makita ang pamilya, Matulog at-"
"Ganon din ang sagot ko kaya pwde ba wag kang humarang? Ang panget na nga ng araw na ito Dumagdag kapa!"
"ABA-ABA!! ID mo?" Inikotan ko siya ng mata habang kinapa ang I'd ko. Nakalimutan ko palang dalhin.
Tumakbo ako palabas tudo pito naman ang kupal pero hindi ako naabutan.
Hingal na hingal akong naglakad pauwi sa subdivision namin. Nakakainis na Guard na iyon! Nanggigil ako sa pagmukha niya. Grrrrrhhhh
Pagkarating ko sa bahay ay kaagad kong niyakap si mama. "Napano naman yung mukha mong bata ka?" Isinobsub ko ang mukha ko sa leeg ni mama.
Kaka turn lang ni mama ng 50, Tanda na ni mama no?
"Ano po bang ulam?"
"Adobong Pato"
"Ho?"
"Diba gusto mo yun?"
"Sinong nagluto?" Takang tanong ko, hindi kasi alam ni mama magluto ng ganito dahil hindi niya kabisado ang mga ingredients.
"Dinaan lang ng pinsan mo rito." Ha?