•♡♡♡•
Sobrang kabog ng puso ko habang katabi siya dito sa maliit na bench sa likod ng bahay namin.
Ang akala koy umalis na siya sa pagsabi ko palang na gusto ko siya pero nagkakamali ako, sumunod siya saakin na nagpapabaliw ng puso ko ngayon.
Hindi ko siya matingnan at wala akong lakas na loob na gumalaw. Tila biglang naging tuod ako ngayon sa pwesto ko, Ni wala akong boses mailabas.
"Talk to me jaden" Kinagat ko ang labi ko nang bumuka na ang kanyang bibig. Nahantong kami sa ganitong sitwasyon dahil sa akin, kaylangan ko panagutan ito. "I'm not leaving you behind for what you've feel Jaden, talk to me and don't hide your feelings"
Baket tila wala siyang reaction sa sinabi ko? Ang cool niyang babae, Ang cool niyang gurang.
"Baket muko gusto? Yes, surely there's many ways about saying I like you, like you were just like her as a-"
"Gusto kita bilang Ikaw, gusto kita Ayla, gusto ko ang pagkatao mo" Napatahimik siya sandali.
"Well, thankyou-"
"Hindi mo kase naiintindihan eh, Gusto kitang maging parte ng buhay ko, gusto kitang maging akin gurang." Binaling ko ang attention ko sa kamay kong nilaro ko.
Sobrang kabog ng puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman, hindi ko siya matingnan dahil natutunaw ako sa mga tingin niya.
"Tingnan muko" Umiling ako habang patuloy nilaro ang mga daliri ko. "Jaden, look at me"
"I'm sorry"
"No, don't be sorry, it's normal"
"Hindi normal iyong nagkakagusto ka ng babae!" Matalim ko siyang tiningnan dahil roon na pataas ang kilay niya.
"Baket hindi? Maganda ako, sexy" Ang cool niya talagang gurang.
"Gurang seryuso nga kasi ako" Naningkit talaga ako dahil sa ka hyperan niya.
"I'm serious as well, baket jaden? Hindi ba ako maganda? Sagotin muko"
"Maganda ka, pero hindi iyon ang dahilan kaya kita gusto"
"Sa kasexyhan ko?" Napailing ako habang nakataas naman ang kilay niya.
"Nagustuhan kita dahil sa amoy mong matanda" Napa Aray ako ng pingutin niya ang tenga ko.
"Itigil mo nalang yan kong yan lang pala ang dahilan mo" Napahagikgik ako, I get it! Kinausap niya ako para gumaan ang pakiramdam ko.
"Walang dahilan ang pagkagusto ko sayo gurang, bunos nalang ang panlabas na anyo mo"
"Should I be flattered?"
"Depende sayo matanda ka na naman" Muli akong napa-aray ng pingutin niya ang tenga ko. "Nananakit kana, Close ba tayo?" Inirapan ko siya kaya muli nakatanggap na naman ako ng pingot.
"I'm going home now"
"Teka-"
"Why?"