Hola! Ariva! Birada Jaden!
_________"Alam mo sa tuwing nakakakita ako ng aso naalala kita" Sa sinabi ko agad na napahawak ako sa parte ng braso kong kinurot ni ayla. Ang sakit bi. "Ayla ang sakiittt" inirapan ako ni anteh.
"You deserve it, patahimikin mo yang bibig mo, kung ano-anong lumalabas jan!" Wow sungit yarn? Ngayon ay magkasama kaming nakaupo dito sa may plaza na walang masyadong tao, kumpara doon sa isa pang plaza.
Tama naman kami ng tinambayan dahil malaya kaming makapagharotan, aruy ah. Lumapit ako lalo sa kanya at hinayaan ang sariling sumandal. Napangiti ako nang maramdaman ang pag supporta niya sa katawan ko.
"I miss you" Para bang isang bulaklak ang puso ko dahil ito ay namumukadkad sa simping saad niya lamang. Napangiti ako habang nakatitig sa kalawakan.
"Relax po, ako lang to"
"Hmmkapal" Natawa nalang ako sa kanya.
"Sorry langg"
"For?"
"Dahil sobrang ganda ko- ahhhh ba't nangangagat?" Hinaplos niya ang parteng kinagat at walang pasabing muli na naman niyang kinagat. Mangiyak-ngiyak ako sa sakit. "Pag ako nakaganti sayo maubos ka talaga, kitamo" inirapan ko siya kaya this time natawa siya dahil napaka arte ko daw. "Anong maarte don? Nangangat ka paano pag may rabies ka?" Imbis na magseryuso ako pero hindi ko kinaya dahil nakakahawa ang tawa niya.
Juicecoloured. "Ayla ba! Tama na kasi, Kanina ka pa nanga-asar ganon mo ba ako ka miss?" Tinaas baba ko ang dalawang kilay kaya tinulak niya ako palayo sa kanya.
"Mahal kita pero nakakabwisit ka din" hindi ko pinansin ang dulo ng kanyang sinabi, ang nagpapatigil saakin ay ang una niyang sinabi.
"Hindi ako sanay na ganyan ka, magmaldita ka nalang palagi please?" Muli akong Napahalakhak ng nagsungit nga siya. Oh yeah baby, this is what mommy's want.
"Tama na jaden" naasar niyang saad pero nagpatigil ito saakin. Hmm?
"Huh??" Ayla seems serious.
"Maghiwalay na tayo!" Natawa ako sa pasigaw niyang sagot. "Ugh! Patience Ayla" bulong niya pero naririnig ko parin.
"I miss you too, three and four." lalapitan ko sana siya muli pero nag sign ito ng 'jan ka lang'. "Sege, pabayaan mo nalang ako" pag iinarte ko pero natawa ako sa reaction niya.
"Stop doing that! Hindi bagay sayo" This time ay pinilit ko siyang hinigit papalapit saakin at nagwagi ako. Mahigpit ko siyang niyakap yung tipong nangigigil na. "If you have plan on killing me, ask me to marry you first" Napangiti ako habang niluwagan ang pagkayakap. Pinatakan ko ang noo niya ng halik at hinaplos ang dalawang pisnge.
"Hindi ko ata alam kung anong gagawin pag nawala ka saakin, kaya wag kang mag a-alala Ayla, marami mang pagsubok ang darating saatin, papakasalan kita. Wag mo lang akong iwan" Nalungkot ako sa ideyang iwan niya ako at pabayaan na kainin nalang ng dinosaur.
"Gumraduate ka muna" Inirapan pa ako nito.
"Pangako"
Lumalim na rin ang gabi kaya napagdesisyonan naming umuwi na pero naisipan pa naming bumili ng makakain. At dahil sabado naman bukas pinilit ko si ayla sa bahay siya matulog and yep hindi rin nagdalawang isip, sumang-ayon din agad.
"What about your shifting?"
"Humingi ng pabor si Didi, kailangan daw niya ng extra So, bali ang oras ko sa trabaho inangkin niya muna." Tumango tango siya habang seryusong binaybay ang daan pauwi sa subdivision namin habang pinakialaman ko rin ang Photos sa selpon niya.