•♡♡♡•
"Anak! Ano kaba naman?! Malalate kana sa klase mong bata ka ang kupad kupad mong kumilos-"
"Ma! Wag ka nga pong sumigaw" nakakairita. Panaginip lang naman pala iyon akala ko totoo. As if kakauspain ako non?!
"Ngayon may gana ka ng sagutin ako! Hindi porket isa akong astig na ina bata ka, igalang mo ako" Bigla tuloy akong nakonsinsiya.
Tama, astig si mama pero madali yang masaktan. Dahan dahan akong tumayo sa pagkakahiga saka Lumapit kay mama. "Sorry ma, Nakakainis lang ang Panaginip ko, dinalaw ako ni satanas" na maganda.
Tumaas ang kilay niya habang napamewang. Yumakap ako sa kanya. "Napano yang kamay mo? Baket may naka rolyo diyang Panyo? Napa away kana naman?"
"Nahulog po ako sa gusali saka diko alam may bote palang basag kaya ito nasugatan, saka mama mabait na ako no? Hindi kana nga diba pinapatawag sa paaralan?"
"Sige na sige na, maligo ka naman anak, nakakahiya sa girlfriend mo amoy pudai ka" Astig talaga ni mama no? Grabe.
"Mama bastos" napairap ako sa kanya habang siya Itong Napatawa ng pagkasaya-saya.
Nagtatampohan kami pero ganito palagi, away bati kami ni mama. Lumabas na ito kaya nagpatuloy na ako sa sariling banyo ko sa kwarto.
Palagi naman. Tubig, Sabon, Kahit na maypagka lalaki akong pormahan. May pang facial wash naman ako saka famine wash no! Bahalang panget basta fresh at maganda ang treasure ko.
Nagbihis kaagad ako, Sinubukan kong magpakaprinsesa ngayon, imbes na pantalon at t-shirt. Sinuot ko ang kauna-unahang pakakataon, ang uniform ko.
Maganda ito, nagpapalitaw sa babaeng anyo ko. Baliw babae naman ako pero hindi nga lang babae sa pananamit, I prefer Jean's and Plain white shirt, plus converse shoes.
Kauna-unahang pagkakataon ko rin masusuot ang School shoes ko, Regalo ito ni mama, in fairness may taste si mama sa ganitong sandalya. Maganda.
Tiningnan ko ang kabuohan ko sa salamin. Napangiti nalang ako ng wala sa oras, Maganda pala talaga ako kaya Maraming nagkakagusto saakin, okay ako na pelingera.
Tinali ko ang buhok saka nagsuot ng I'd. First time ko suotin dahil nakasanayan kong dalhin ko lang ito saka ipapakita sa guradiang tuboll.
Napakanibago ng porma ko ngayon, Kyut ko. Lumabas kaagad ako sa kwarto upang makita si mama na naghahanda ng pagkain.
"Naks, Nagdadalaga kana anak." Natatawang Saad ni mama. Napasimangot ako, "May nakalimutan ka anak."
"Ano naman po?"
"Neck tie mo" Neck tie? Napatingin ako sa sarili, Tama wala nga. Binalikan ko sa kwarto kaagad na sinuot.
"Kumain kana rito, handa na Pang meryenda mo saka Pananghalian" binigyan ko siya ng yakap the best mama ever.
"Ma, pahingi pamasahe" Natatawa ako sa reaction niya huhugot na sana ng Pera pero kaagad ko siyang Pinigilan. "Biro lang ma, meron pa akong pera" Babatukan na sana ako nito pero kaagad akong umilag.
"Uupo ka ng maayos. Naka palda ka, baka makita pudai mo" Napasimangot ako sa sinabi niya mama talaga mapang-asar.
Nang makarating ako sa tapat ng eskwelahan, Kaagad akong pinagtitinginan ng mga ungoy. Ngayon pa ba sila nakakita ng tao? Mga baliw.