Chapter 29

166 5 2
                                    

•♡♡♡•

"Date tayo Gurang" wala sa sarili kong wika habang nakatitig sa mukha niya, paano ba kasi napakaganda niya sinong hindi mapatulala diba.

"Jaden stop staring" Natawa nalang akong pinisil ang pisnge niya. "Ano ba" tinampal niya ang kamay ko pero muli ko siyang kinulit. "Isa! Tigil na masakit na" Hinaplos ko kaagad at pinatakan ng halik.

Maghapong nakatambay kami sa bahay dahil linggo naman. Hindi namin kasama si Lala dahil kasama ito ni mama sa sala. "Paano ba naman kasi kay linggo nakaharap ka jan sa laptop mo, sakin ka muna kaya tumingin" tinaas baba ko ang kilay ko hudyat na nang aasar.

Inikotan nito ako ng mata saka niya sinirado ang laptop, ngayon ay naiilang naman ako sa mga titig niya sakin. "Bess wag mo naman ako tingnan ng ganyan" naiilang kong saad.

"Come here" lumapit ako lalo sa kanya, natuod ako ng bigla niya akong yakapin. "Gusto mo gawin nalang din kita kaibigan?" Bulong niya kaya kinikilabutan ako.

"H-huh?"

"Isa pang tawag mo saking Bess, Kakaibiganin na lang din kita" ayon pala ang punto niya kaya natawa ako.

"Bess wag ganon" Natawa ako sa kiliti nang kagatin niya ang tenga ko. "Gurang" sumasakit ang tiyan ko kakatawa dahil nga sa kiliti at dagdag na rin ang kilig na nararamdaman ko.

Natigil na siya kaya naman ay inayos ko ang sarili para mayakap ko siya ng maayos. Ninamnam ko ang bango niya bago inayang magsimba. Sumang ayon naman ito kaya sinama na rin namin si mama.

Nakarating kami sa simbahan ng 3:32pm. Masaya ako dahil kasama ko ang dalawang babaeng tanging nakapagpakalma sakin.

Nang matapos ang misa inaya ko muna silang dalawa kumain. Date naming tatlo. "Saya niyo pala kasama nabubusog ako" ani ni mama habang may pahawak pa sa tiyan. Natawa nalang ako. Nadapo ang paningin ko kay Ayla na ngayon ay busy sa pagsawsaw sa suka.

"Ma tingnan mo girlfriend ko, hindi ko na yan papakawalan kahit anong mangyari" Binulong ko ito sa kanya, kaya nakatanggap ako ng hampas. Grabe ba

"Puro ka landi nak" ay naks naman.

"Baket hindi kaba lumandi dati?" Pangaasar ko sa kanya kaya muli ay nakatanggap ako ng hampas.

"Wow, kailangan talaga lakasan?" Pilosopong pahayag niya kaya Natawa nalang ako. Napabaling na rin ang attention ni ayla samin kaya naman kinindatan ko siya.

Lumapit siya sakin habang inabot ang sobra niya."ubosin mo" hindi naman ako nagdalawang isip na tanggapin iyon. Tumambay muna kami saglit pero ang hindi namin inaasahan. Nag tagpo ang landas namin sa mga iba ko pang guro.

"Lagot. Mama! Tabi ka sakin!" Natawa ako sa kaloob loban ko ng alerto ito sa paglipat niya ng pwesto.

"Oy Miss Rose nandito ka rin pala at" napabaling ang tingin ni Mrs. Kisses samin ni mama "Oh hi there Misis Baron" bumati rin si mama sa kanya. Kilala na nila ang ina ko dahil ilang beses na kasi ito napatawag sa guidance dahil sakin.

Bumaling rin siya ng tingin sakin na parang may namumuong conclusion. Pilit kong iniiwasan ang titig niya. Para ba naman kasing nababasa niya ako.

"Magkasama ba kayong tatlo" ani naman ni maam Alexa. Shit! Na awkward na ako sa sitwasyon na ito. Natawa si mama sa tabi ko kaya lihim ko siyang siniko.

"Nagkasalubong lang kami kanina, sabi kasi ni Gj Teacher niya daw kaya inaya ko" Nahagip kong napakagat labi si ayla. Pinipigilan atang tumawa oh dahil sa intense ang sitwasyon.

Sinuri ako ni Mrs. Kisses kaya napabaling ako ng tingin. "Alright, whatever it is. We have to go na rin" lumagpas sila samin kaya napapikit ako sa kaba.

"Mauna na ako sa inyo umuwi" Saad ni mama ng hindi na namin matanaw pa ang mga guro. Tinapik niya ako at nag hudyat na magusap raw kami ni Ayla. Tumango ako at tumango rin si Ayla.

Ngayon ay naiwan kaming dalawa. "Don't think about it Jaden" bigla niyang saad kaya medjo narevive ako, akala ko kasi mahahantong sa pagtatalo. Ayaw ko pa man din na nag aaway kaming dalawa.

"Medjo lang naman po ate" natawa ako sa reaction niya. "Alis na tayo rito bess" muli na naman akong natawa sa reaction niya.

"Bess you're face Jaden!" Nauna siyang naglakad kaya sumunod nalang ako. "Where we going?"

"Iwan ko sayo, sumunod lang ako sayo noh" umakbay ako sa kanya dahil maabot ko na siya. Naka flat shoes kasi siya habang ang suot kong sapatos ay may 2 inch na taas.

Alam mo kumare talaga tingin ko sa girlfriend ko haha.

"You're crazy! Balik nga tayo don sa kotse. I'll take you somewhere" tila na excite naman ako sa sinabi niya. Hinawakan ko ang wrist niya nang magumipisa na itong humakbang.

"Liitan mo kaya hakbang mo, nang-aasar kana ha porket mahaba yang legs mo"

"Problemahin mo yang binti mong maliit" Natawa siya sa reaction kaya pinisil niya ang ilong ko. "Di bali na, Mataas naman ilong mo" Inirapan ko siya at naunang maglakad, hindi talaga tumigil at dinagdagan pa. "Pandak" nang iinis pa lalo.

Hinarap ko siya ng walang emosyon sa mukha "Ha ha ha na kakatawa yon" nakakaasar kasi ang boses niya. Inakbayan niya ako at inaya ng pumasok sa kotse.

Hindi ko siya pinansin nang tuluyan kaming makapasok sa kotse, "Wag kana magtampo bess" sa simpling wila niya ay napabigay kaagad ako. Nakakatawa kasi siyang bumigkas sa katangang Bess.

"Ang panget mo!" Natatawang saad ko sa kanya, lumapit ako rito upang halikan siya sa pisnge. May pagka pilya din kasi si ayla kahit na seryoso masyado siya masyado sa buhay. Pero yon nga lang if mood niya rin magbiro kagaya kanina nakakaasar siya.

Ayon yong mood na dapat kang himingi ng pera hahaha

"Seatbelt mo Sis" Natawa ako sa tawag niya sakin. Gumaya na rin siya sakin na paiba iba ang tawag. Pilya itong napangiti kaya napangiti rin ako.

Nakakahawa kasi kapag baliw kasama mo hahaha.

Binuksan ko ang compartment niya at kumuha ng isang chuckie. Napa stop kami dahil naabotan namin ang red light sa daan. Inabot ko sa kanya ang chuckie na walang pagdadalawang niyang sinipsip.

"Saan tayo pupunta love?" Tumingin siya sakin ng may kapilyahan. Ugh dipa pala siya tapos sa ganyan.

"Relax Jaden. Hindi naman kita k-kidnapin or what" ayos lang kaya kung kidnapin niya ako ako pa mismo sasama hahaha

"Bawal ba magtanong" ngumiti lang siya sakin habang muli pinaandar ang sasakyan. "Gurang turuan mo nga ako mag drive"

"When I have a free time, sure"

"Gusto ko kasi magmaneho sa dalawang bagay" napakunot noo naman siya. "Ikaw saka ang sasakyan mo" bigla niyang naapakan ang break kaya muntik na talaga.

"Will you stop talking nonsense" natawa lang ako sa kanya. Mabuti ay walang masyadong close na sasakyan na sumusunod kundi disgrasya.


Red rose ||Teacherxstudent||Where stories live. Discover now