"Walk like a powerful person" utos ng gurang. Wala ang strikto ng coach ko. Wala akong nagawa kundi sumimangot lamang.Ginawa ang utos niya, nanigas ako ng maramdaman ang kamay niya sa kamay ko. "Sabayan muko" lumakad siya ng napakasexy, ginaya ko ang hakbang niya at ang masasabi ko lang.
Sana siya nalang sumali potangina.
"Gurang naman e!" Agad Itong napatigil sa paglakad, bumalik siya kinatatayuan ko habang Bitbit ang supladang mukha. Nakakatakot pero ang ganda parin.
"Walk with grace." Muli akong Napasimangot. Iwan ko ba, masyadong sumubra ang professional niya, pinapahirapan na niya ako ng sobra akala mo naman hindi girlfriend e.
"Pagod na ako ayla" napabuga ito ng hininga habang inaalalayan akong bumalik sa bench ng parke.
Pinagbuksan ako nito ng tubig kaya napangiti ako ng napakalaki. Kilig na kilig na ang ferson.
"Are you hungry?" Umiling ako habang uminom ng tubig.
"But I crave for something Ayla" napakunot naman ito ng noo. May baon pa akong English oh nakakahiya.
"What is it?" Lumapit ako rito pero may espasyo parin para hindi halata sa mga nakatingin saamin.
"Ikaw. Gusto kita kainin rawr" Napahagikhik ako sa reaction niya. Napailag ako ng akmang kukurutin ako sa braso.
Tatlong araw pa ngag kami pero kita mo napakabrutal na masyado. Ang hilig kumurot ng gurang na ito.
"Ah talaga? Lakad ka mula rito hanggang roon" turo niya sa malayong puno. Bigla akong Napalunok, ang layo di ko kaya lumakad hanggang roon kay taas pa ng heel na suot ko.
"Ayaw ko nga sino kaba?" Pagmamaldita ko rito. Nakatanggap naman ako ng kurot galing sa kanya.
"Sino ako? Boss mo ako kaya sumunod ka" taas kilay nitong Saad. Striktang pagdedemand niya. Ayos.
"What? Are you just staring at me forever?" Naningkit akong tumingin rito. Lumapit ako ng pagkalapit lapit. Rinig ko ang Mahinang suway niya, kaya napahalakhak ako bago lumayo.
"Ang ganda mo kasi kaya kita tiningnan, mwah" Napatawa muli ako habang pinwesto ang sarili para Lakarin ang utos niya. "Panong lakad ba gurang? Normal lang oh may kasamang kapangyarihan?"
"Whatever suits you" I have an idea. Susungitan mo ako ha? Manda kang gurang ka.
Lumakad ako ng napakasexy, nakasuot ako ng itim na maong short habang naka puting damit, pares pa Itong heels na kulay itim rin sa kasuotan ko ngayon.
Ang ibang nandirito sa parke ay nakatingin saakin habang ang iba walang pakealam.
Nang malapit ko ng marating ang sarili sa utos niya ay sinadya kong magpadulas. Halos gusto akong matawa ng ilan sa mga nakatingin saakin kaagad na Lumapit para alalayan akong tumayo.
"Okay ka lang?" Tanong ng lalaking may kagwapohan, sayang di ko siya type.
"Oo" tanaw kong palapit ang gurang sa Amin. Umarte akong nasasaktan kahit na wala naman akong nararamdaman.
Bakas sa mukha nila ang pag-alala lalo na sa girlfriend kong napaka strikta masyado.
"Hey, are you okay?" Kunwari akong nasasaktan ng sobra.
"I think we need her to send to the clinic or hospital?" Saad ng poging chicboy. Akmang bubuhatin niya ako ng sumupak si gurang sa poging chicboy.
"Leave us alone. I can handle her" matigas na wika ni ayla. Aba palaban rin.
"Hindi mo ba nakikita? Nasasaktan na siya, Kailangan siya madala sa hospital baka may butong na bali" Oa ka masyado boy.
"I said I can handle her! Leave!"