"I miss you" sambit ko habang inisa-isang binali ang dahon ng bulaklak na tinanim ni mama na nasa sala nakalagay. Kausap ko si ayla at hindi ko alam ano ang gagawin dahil kinikilig ako, ka on cam ko siya at kitang kita ko bawat galaw ng buhok niya dahil sa tumamang hangin. "Uwi na" lumapad ang labi nito dahilan ng kanyang pag ngiti.
Tatlong araw pa lang siyang nawala pero tila ba isang taon na simula ng umalis siya, Miss na miss ko na ang ayla ko.
"Babalik rin ako" kinagat ko ang labi ko ng sadya kong tingnan ang dibdib niyang bahagyang sumilip. Gumagawa kasi ito ng hindi ko alam ano basta kaharap niya gadget niya habang kausap ako.
Magisa lang si ayla sa kwartong inukopahan, Magkasama sana sila ni maam stela pero sadyang ayaw ni ayla may kasama.
Isa pa hindi daw kami makakapag usap pag kasama niya ito. Ehrm.
"Oo, pero matagal pa- Miss ko na Favorite teacher ko" binaling niya ang atensyon sakin pagkatapos ko itong sabihin.
"Correction, favorite mong asarin" Aba't nakikipagtalo pa nga. "Where's my lala?" Sinipa ko si lala para gisingin, natawa pa ako sa reaction nito pero medjo mahal ko naman na ang asong ito kaya nag sorry ako sa kanya.
"Nandito natutulog-"
"Gj! Malalate kana!" Sigaw ni mama mula sa kusina. Tumingin ako sa orasan ng selpon ko at may 20 mins pa ako para umabot sa klase.
"Lang, Mamaya na ulit. Love you"
"Alright, Take care. I love you" namula kong tiningnan ang mukha niya sa screen. Shit ang ganda, ayaw ko pa sana patayin pero may klase pa akong hahabulin kaya no choice kundi patayin ito at nag handa para pumunta sa skwelahan.
"Ma! Adto nako!" Paalam ko kay mama na sinuklian lang ako ng "amping"
Nang makarating ako sa skwelahan ay agad na sinalubong ako ni neck sa gate. Inang yan maaga pala pumasok hindi man lang ako dinaanan! Kaya binigyan ko siya ng batok na ikinainis niya pero wala siyang magawa dahil kapated niya ako at mas matanda ako sa kanya.
"Inamo, bwiset!" Inakbayan ko nalang siya habang papasok sa gate. Tinungo namin ang daan papunta sa klasrum namin pero nakita ko agad si athena na papalapit sa direction namin kaya hinila ko si neck sa ibang direction para hindi kami mag tagpo.
Medjo naging malapit kasi itong si Athena sakin, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may gusto siya saakin hello Gin Jaden baron na ito oh.
Ayaw ko kasi sa edeyang palapit siya saakin ng palapit tas wala pa rito si ayla. Mukha naman akong nag c-cheat niyan. Ayaw ko saktan si ayla mahal ko ang gurang na iyon.
"Bat kaba nanghihila, dalawang araw kanang ganyan sa tuwing alam mo makakasalubong natin si athena"
"Tumigil ka, basulan ko iyang bibig mo." Ayaw ko magpahawak sa ibang babae, nandidiri ako. Straight parin ako sadyang kay ayla lang talaga ako nababakla. Ayaw ko sa iba, siya lang gusto ko.
"Naks, loyal. Maganda yan dahil sa oras na malaman kong may iba kang binubuntotan pwera kay Miss rose lagot ka sakin, wala kanang kapated! Wala kana talagang kaibigan!" Binatukan ko siya sa pinagsasabi niya.
"Ulol! Hinding hindi yan mangyayari" inaya ko na siya pumasok dahil kung saan saan pa itong usapan na ito hahantong.
Nagsimula ang klase at ganoon parin ako, lutang at wala sa pagiisip na makinig. Ang iniisip ko lang ay kailan ang labasan.
Iniisip kung kailan matapos ang araw na ito para makausap ko muli si ayla. Gosh! Gustong gusto ko na siyang yakapin, amoyin, halikan. Gustong-gusto ko na siyang panggigigilan.
"Gin, tara?" Aya sakin ni neck ng matapos ang buong klase. "Uuwi ka pa ba or didiretso kana sa store?"
"Uuwi pa, magbibihis pa ako eh"
"Okay, sabay na tayo" sumangayon ako dahil nagtitipid rin ako ng pamasahe. Maglalakad lang kasi kaming dalawa pauwi. Habang naglalakad kami ay malaki na naman ang ngiti ni athena na sumalubong sakin
"Ayan na naman siya" bulong ko. Wala na Kong matatakasan pa dahil corner na itong hallway. "Shit!"
"Uuwi kana Gin?" Hindi po ba obyos? Nginitian ko siya ng kaunti.
"Oo uuwi na kami ni Gj, (layuan mo na ako), Ikaw din ba?" Sagot ni Neck sa gilid. Tumingin sakin si Athena iyong paraang "bat dika nagsasakita?" Ulol.
"Ah hindi pa eh may paguusapan pa kami sa mga ka officers ko" tumango-tango lang ako dahil wala naman na akong masabi. Aside sa gusto kong burahin pagmumukha niya sa harapan ko ngayon. "Ayos ka lang ba Gin?"
Nagulat ako ng bigla niyang sinalat ang leeg ko, Her touch eww. Umilag ako ng akma niyang abutin ang noo ko. "Ahh okay lang naman ako" kinurot ko si neck nagbigay mensahe na gumawa siya ng paraan para maka alis na kami.
"Ehem, mauna na kami Pres, Susunduin pa kasi ni GJ ang GIRLFRIEND niya" diniinan talaga ang salitang girlfriend hayup!
Tila bigla naman umalerto ang reaction ni Athena. Nagsasaad ng 'oh my gad, may girlfriend nga pala siya'
Iniwan namin siya ni neck na nakatulala, Hindi naman kasi ako manhid, pinapakiramdaman ko ang lahat ng tao sa paligid ko. Isa pa sanay na sanay na ako pag may lumalapit lapit sakin alam ko na agad ang pakay non.
Ang kunin ang loob ko, tsk! Puputi muna ang uwak saka nila magawa yon.
Isa pa nabihag na ako sa gurang. Sa kanya lang.
(Inaantok na ako pero may dapat pa akong pagaralan dahil may individual activity at may oral at recitation kami bukas pero I choose to spend my time here writing, ganon ko kamahal ang pagsusulat kaya maawa kayo comment down below hahaha)