Chapter 15

200 10 3
                                    

"No,"

"Gurang sige na" Pagpipilit ko sa kanya, pauwi na sana ako pero ng mabasa ko ang text ni mama ay kaagad akong bumalik sa room niya para imbitahan na doon sa bahay mag dinner.

I almost forgot, kong hindi niyo mamasamain, sana hindi sumulpot si Neck para sa dinner mamaya dahil panigurado abot Maraming sudsud iyon sa akin.

"Tell mama I'm busy"

"Hindi mo ba mabibigyan pabor ang paborito mong estudyante?"

"Hindi kita paborito." Awts.

"Ede, pinakamamahal na estudyante"

"I don't love you either" pak. Tila bigla akong nasuntok ng Maraming kamao sa sagot niyang iyon. Napatahimik ako bigla. Ede kong ayaw niya wag, madali along kausap dude.

Naglakbay ako patungo sa pinto upang Lisanin nlang lugar na ito ng bigla niyang sinambit ang pangalan ko.

Nagtatanong akong tumingin sa kanya, "Smile" napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Smile? "Don't make a sad face. Smile" ah? Ngumiti ako ng pilit. Iyong plastic na pagkakangiti.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa front desk habang naglakad patungo saakin, dala ang mga ilang kagamitan niya. Laptop at saka bag niya.

"Show me your smile jaden" Napapikit ako ng ilang segundo bago Ngumiti ng walang ka plastikan. "Remember this, don't be sad. It makes you ugly" Tinaas baba niya ang tingin niya saakin. Iyong klasing tingin ng mga suplada. "Carry this" abot niya sa bag ng laptop niya.

Nauna Itong naglakad. Naiwan akong nakatanga. Hala anong nangyare? "Madam! Pumayag kana?!!" Natatawa ako sa saya. Litsi ka gurang! Ang sarap mong magpakilig.

"Nah"

"Ano ba yan. Future mama mo iyon dimo mapagbibigyan?" Wala siyang tanging sagot. Sumunod lang ako sa kanya. Dumaan pa siya sa principal room dahil nandoon ang In saka out ng trabaho nila.

"Oh, Miss baron" ang ganda ko talaga.

"Hi Maam" bati ko sa mukha ni Mrs Kisis. Nanunuri pa ang tingin niya saakin. Saka sa kasama kong gurang na busy sa pag Operate ng Machine na iwan.

"Magkasama kayo?"

"Sinama ako ni maam, siguro ayaw niya akong mawala sa mga tingin niya" napahalakhak kami ni Mrs Kisis, habang ang gurang ko ay grabe maka tingin saakin.

"Nice joke Gj" Napapunas pa ng luha si Mrs Kisis dahil sa tawa. Grabe naman. Maya maya pa ay dumating ang mga ibang guro para mag out.

Grabe ah? Maaga pa pero isa isa na silang nag o-out.

Napatahimik ako sa gilid dahil nagc-chika pa silang mga guro. Grabeh makatawa si Miss Shen, sa mga chika nila. Tangina nakaka out of place.

Lihim akong napatingin sa Gurang. Ang ganda niyang nilalang. Natatawa rin siya pero hindi katulad kay miss Shen na may dala Hampas. Iyong tawa na mahinhin.

"Gj" Napalingon ako sa tumawag. Ah ang paborito kong guro dati na si Miss paula.

Maganda din ito, Maputi. "Hi Maam" Kinuha ko ang kamay niya upang mag mano pero hindi siya pumayag. Naks akala mo hindi matanda.

"Kumusta ka?"

"Maganda parin naman," natatawa ito habang umiiling.

"Pagpatuloy mo iyan" ako naman ang natatawa.

"Okay naman po ako saka may bago akong paboritong guro maam wag ka"

"Sino?"

"Sekret"

Red rose ||Teacherxstudent||Where stories live. Discover now