•♡♡♡•
"Nak, pag-uwi mo mamaya idaan mo naman ito sa lottohan, pang alas nuwebe iyan" gulat na tumingin ako kay mama.
"Aba, kailan kapa natutong magsukal?" Naninggit ang mga mata nitong tumitig saakin.
"Baka tumama at nang may pambili ako ng bagong anak" asar akong tumingin sa kanya.
"Amaw man ka ma oy, sige na mo adto nako" Gikapoy nakog istorya tagalog yawa.
"Amping permi" Tumango ako habang kinuha ang numerong tinali niya sa papel.
Walang klase ngayon dahil ngayon ang araw ng kauna-unahang araw sa intrams. At sobrang tuwa ko ng kinuha muli ako ni gurang para maging girlfriend niya- iste Alalay.
Napasimangot pa ako ng sabihin niyang alalay niya ako at hindi personal assistant. Dahil masyado raw sosyal ang PA.
Gurang nga naman.
Pagkadating na pagkadating ko sa skwelahan kaagad akong nagtungo sa Departemento ni Ayla.
Ang mga estudyante nagkalat sa kahit saang sulok. Maputi sa music room ay ang daming mga magjowa. Nangigil akong napatingin sa kanila, iww, dirti.
Alas dyes na ako naka rating dahil masyado ako nag enjoy sa kama ko kanina. Pagkarating ko sa tapat ng pinto, tanaw ko siyang busy sa pag file ng mga papel sa lamesa.
Hindi ako nito napansin, kaya dahan dahan akong Lumapit sa kanya habang hinihipan ang tenga, napaigpot ito sa gulat at akmang sasampalin ako pero ng marealise niyang ako iyon binigyan niya lang ako ng batok.
Tawang tawa akong tumingin sa kanya, well she's on her 30's na kasi kaya ganon siya makapagreact.
"Good morning gurang"
"Shut-up" Natawa ako muli sa kanya.
Ang cute ba naman niya sinong hindi mangigil.
"Sorry po" tumungin ito saakin habang unti-unting lumalapit sa mukha ko. Hahalikan niya ba ako?
"Next time." Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Don't do that again." Pagpatuloy niya sa sinabi niya habang mas lalong nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Because, I don't like it" Napapikit ako ng hinihipan niya ang bandang tenga ko, biglang nanlambot ang tuhod ko sa ginawa niya.
"A-akala ko, H-hahalikan mo ako" napangisi siya habang umiiling.
"Dream on, Jaden" Napasimangot ako.
"Palagi mo nga ako hinahalikan sa panaginip ko" napangisi ako ng makitang bigla Ito napatigil sa ginagawa. Pero agad rin napabalik sa wisyo at napangisi ng nakakaluko.
"Take a seat Jaden" naguguluhan man ako pero kaagad ko rin sinununod ang upuan na sinasabi niya.
Naglabas Ito ng pang make up. Hindi ko alam anong pinaplano ng matandang ito. "Gagamitin mo iyan saakin?"
"Yeah" Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Para saan?" Hindi ito sumagot. "E dadate mo ba ako?" Seyusong wika ko. Napatingin ito saakin habang matamis na Ngumiti. Ang puso kong kumakabog dahil sa ngiti niya.