Na b-bother ako habang ginawa ang chapter na ito. nasira kasi ang phone ko na ginagamit pang update, at hindi ako sanay na sa laptop gumawa kasi hindi pa ako ganun ka master sa keyboard. Pero papansin akong tao, gagawin ko pa din for the sake of my reputation here. ay wow!
_
Dalawang araw nalang ay nandito na ulit si ayla. Pero bago man ang araw na yon.
Badtrip na badtrip ako ngayon pero hindi ko lang pinapahalata sa costumer, Shift ko ngayon at bwesit na bwesit ako kay neck ng sumapaw siya sa pag uusap namin ni ayla kanina, nakakaputang ina siya, okay ang paguusap namin nang biglang 'Miss rose, si jaden nag palandi kay athena!" Oo alam kung biro lang yon at alam namin pareho ni neck na hindi yon totoo. Pero hindi ko gusto 'yon dahil alam ko sa sarili ko na kahit biro lang ay hindi 'yon magugustohan ni ayla.
Sumagot siya ng "talaga?" Saka pinatay ang linya. Walang nagawa si neck sa pangyayare dahil akala niya mabibiro niya lang si Ayla. Sensitive si gurang lalo na pagdating kay athena.
Biro lang yon pero dahil mas bata nga ako sa kanya at ka level ko pa si Athena tiyak na ang iisipin non, 'Baka hindi talaga kami pwede.'
Lintik yan.
Out of coverage ang linya niya sa tuwing magtatangka akong kausapin siya. Paano ko ito r-resolbahin ngayon kung alam kong wala siya dito.
"Sorry na" sinamaan ko lang ng tingin si neck sa saad niya. Mukha niya parang tae. "Gin... diko naman sinasadya."
Deadma ko siya at nagpaka busy sa nilalarong Candy crush. Bahala siya dyan, mawawalan ako ng girlfriend sa kagaguhan niya.
"Gin.. please" aba mukha talaga siyang tae sa totoo lang. Inirapan ko lang siya at muli binaling ang atensyon sa nilalaro.
Hindi nga pala aabot ng isang buwan ang seminar nila ni ayla kaya makakauwi na siya sa biyernes. I can't wait to see her again. I can't wait to touch her, feel her, and Kiss her.
Napakagat ako ng labi habang iniisip yon, susuyuin ko pa pala siya.
Matapos ang oras ko sa trabaho ay nag ligpit na ako, sinamahan parin ako ni neck kahit ilang oras ko na din siyang hindi pinapansin. Tinulongan niya ako sa pagligpit ng mga kalat kahit na hindi ko siya inutusan.
I'm glad he knows the work.
Nauna akong maglakad pauwi at nakabuntot lang din siya saakin. Para talagang tuboll. "Umuwi kana" Dahil sa sinabi ko agad siyang sumabay sa paglakad ko at inakbayan pa ako.
Akala niya ata bati na kami dahil kinakausap ko na siya. Parati kasing hindi ko matiis ang kapated ko, malapit din kasi sa puso ko ang kupal na ito.
Sa tuwing may tampohan kami sa isat-isa none of us uttered a single words. Pero pag once naibuka na ang bibig mo, Bati na ulit kami. Basta yon na yon. Mahuhulog nalang sa lulimutan ang lahat.
"Hindi ko sinabing lumapit ka sakin." Tinulak ko siya palayo at naunang lumakad. Rinig ko pa ang mahihina niyang mga mura. "Bibig mo, naririnig kita" banta ko pa kaya napatahimik siya.
Napangisi ako ng wala sa oras. Masunurin talaga. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay agad na pumasok ako sa gate pero napatigil ako sa medyo may kalakasang pagsigaw ni neck.
"Sorry na kasi!!!" Humarap ako sa kanya habang hawak ang magkabilaang side ng beywang.
"Ibili mo muna ako ng Emperador, bati na tayo" lumiwanag ang mata niya sinabi ko. Tumango-tango siya habang excited na pumunta sa unahan kung nasaan may bukas pang tindahan.
Bumalik siya ng may mga ngiti sa labi.
"Iinom tayo?" Ngumisi ako sa kademonyohang plano ko.
"Ikaw lang, ubusin mo yan sa harap ko mismo" Laglag pang siyang nakatitig sakin, Hindi siya makapaniwala sa sinambit ko. "gagawin mo o hindi na kita kakausapin forever? Mamili ka nga" Kamot ulo siyang nakatingin sa Bote ng Alak.
"Walang Ice man lang?" Tumango ako.
"Walang pulutan?" Tumango ulit ako.
"Yayarokin ko lahat?" Tumango muli ako. Mangiyak ngiyak niyang binuksan ang alak at dahan-dahang tinunghga.
Pinagmasdan ko siyang nahihirapan Lunokin ang alak. Supposed to be may ihahalo pa sana yang Lime pero binawi ko sa kanya 'yon at tanging Emperador lang talaga ang pinainom ko.
Napangisi ako, Parysa yan darling,
"K, goodnight" Matapos niyang inumin lahat ay tinalikoran ko siya. Pero bago man ako makapasok rinig kong bumagsak siya sa lupa.
Nalasing ba siya? Tsk! Inalalayan ko siyang pinasok sa bahay, naabutan ko pa si mama'ng nanunuod ng palabas kasama si lala. "Napapaaway na naman ba kayo?!" Bunga-bunga na naman niya ang sumalubong sakin.
"Hindi ma, ako bumugbog sa kanya" ngumiwi lang siya saakin pero tinulungan parin akong ihiga si neck sa Couch.
"Napano ba talaga yan Gin!"
"Nalasing po. Inom ng inom, di naman pala kaya" mamamatay sa ka kakatawa ang intrusive self ko.
Paniwang paniwala rin kasi si mama.
"Oh siya sige. Matulog na tayo," Iniwan niya akin si Lala, kaya inaya ko na din sa kwarto ang hayop. Hehe.
Pagkatapos ko magbihis ay muli ko sanang kontakin si ayla pero masyado ng malalim ang gabi, baka tulog na rin siya. Kaya pinasahan ko nalang siya ng picture namin ni Lala habang magkatabi.
Pipikit na sana ako pero nakita kung Sineen niya. I was trying to fight myself na wag na muna siyang kausapin pero nagwagi na naman si extrusive me.
"Sorry. Bat 'di kapa tulog?"
Seen. At nakita kong typing siya.
"👍" Tanging reply niya lang.
"Okay, I like you too" Napakagat labi ako sa reply ko na mas lalong kinakagat ko pa The moment I received her reply.
"K."
PeyhostdayebyroneBabalikakopagcrinasbacknaakonizafel.