Chapter 5

395 14 0
                                    

Lisa's POV


"Okay, water break. After this, another practice"

At ganun nalang ang pag upo dito habang naghahabol hininga. Agad kong Inabot ang aking towel at pinunasan ang aking pawis.

Gabi na, pero nandito parin kami sa court ng school para sa practice. Kailangan naming maghanda dahil malakas ang magiging kalaban namin next game.

"Grabe, kapagod"Ganun din ang hingal nila Jisoo nang nakaupo sa aking tabi. Kinuha din nila ang kanilang mga jar at nainom ng tubig.

Tiningnan ko naman ang oras, 10:45pm palang. Alam mo na may training parin sina Jennie ngayon.

"Hoy,"Ganun nalang ang tingin ko kay Jisoo nang mahina n'yang suntukin ang aking braso"Anong meron sa inyo ni Jennie ah?"Nang aasar agad ang kanyang mga tingin.

"Magkaibigan kami ni Jennie"Sagot ko sa kanya at sumandal dito.

"Sus! Wag kami, alam namin na may gusto ka kay Jennie"Ganun nalang ang pagtingin ko sa kanya, hindi makapagsalita"Bakit hindi mo pa kase ligawan? Aminin mo na may nararamdaman ka sa kanya.

Umiling naman ako bahagya bago napabuntong hininga"Ayokong mawala ang mga napag samahan namin. Ilang buwan palang kami na mag kakilala, ayoko naman na biglain s'ya."

"Torpe mo naman"Sagot ni Seulgi sa akin"Tol, si Jennie Kim Iyon, madaming may gusto doon. Ito ngang mga ka-team namin, may gusto din kay Jennie"Turo n'ya pa sa kateammates namin.

Napabungtong hininga naman ako at nilagay nalang ang towel sa aking mukha"Ayokong mawala s'ya sa akin. Kaya hangga't kaya kong itago ang nararamdaman ko para sa kanya, gagawin ko, wag lang s'yang mawala"

"Paano pag pareho pala kayo nang nararamdaman, hindi mo lang malaman dahil takot kang umamin?"Rinig ko pang tanong sa akin ni Jisoo.

Napaisip naman ako. Gusto kong umasa na pareho kami nang nararamdaman ni Jennie pero mukhang malabo, malabong malabo.

"But kung ano man ang desisyon mo, lagi mong tatandaan na nandito kami lagi sa'yo, tol. Nandito kami para tulungan ka kung paano ligawan si Jennie"

"Gago"ganun nalang ang tawa nila nang bahagya kong tinulak si Jisoo.

"Oo nga. Kung gusto mo, kami pa ang mag isip ng plano kung paano mo liligawan si Jennie, e"Ngisi sa akin ni Jisoo.

"Bago n'yo problemahin ang love life ko, unahin n'yo muna ang sa inyo. Ang galing n'yong magsabi na ligawan ko si Jennie pero kayo itong hindi magawa kina Irene at Rosé"

Napatingin pa silang dalawa at sabay na napakamot sa ulo. Napatawa naman ako"Mga torpe"Sambit ko sa kanila bago tumayo na.

"Nagmana lang kami sa'yo, no"Sagot ni Seulgi sa akin kaya tiningnan ko sila nang masama"Totoo naman"

"Ewan ko sa inyo"Sagot ko at pa lumapit na ulit sa court dahil mag sisimula na ulit kami.

Nang matapos ang aming training ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Nagpaalam naman ako sa aking mga kaibigan bago ako umalis sa school.

Ganun nalang ang pag hihintay ko malapit sa parking space ng YG University. Alam ko kase na malapit na ding matapos sina Jennie sa kanilang practice kaya pumunta ako dito.

At nang makita ko na ang lumabas ang mga member n'ya ay umayos ako ng upo. Hindi ako lalapit sa kanya, papanuodin ko lang s'ya na nakapunta sa kanilang van to make sure that she's safe.

She waved her hands to her members bago lumakad papalapit sa kanilang van. Hindi n'ya naman ako napapansin dahil medyo madilim itong pinag parki-nan ko.

The Cure: Between heart and mind (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon