Jennie's POV
"This is not a engagement ring"
He chuckled and look at me again"This is just a promise ring. And I promise to this ring that if you let me to be part of your life, I'll love you for the rest of my life. Hindi ako maghahanap ng iba dahil ibibigay ko sa'yo ang buong pagmamahal ko"Ngiti n'ya pa, still on his knees.
"Lisa..."Ganun nalang ang pag tulo ng aking luha. Napatingin naman s'ya sa akin at parang hinihintay ang aking sagot"Lisa, ayoko kitang masaktan..."Dahan-dahan naman nawala ang ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin"Lisa, I can't"Umiling-iling ako at tuluyan nang napaiyak dito.
"Jennie,"Agad s'yang tumayo at astang lalapit sa akin pero umatras ako bahagya. Kahit ang aming mga kasama dito ay natahimik.
"Lisa, ayokong masaktan ka. Ayokong umasa sa akin"Napasapo ako ng aking bibig at umiyak nang umiyak.
Kahit nanlalabo ang aking mga paningin dahil sa aking mga luha ay nakita ko kung paano tingnan ni Lisa ang sing-sing at tumango sa akin.
"Lisa,"
Tumingin naman s'ya sa akin at tipid na ngumiti,"S'ya parin ba, Jennie?"Tanong n'ya pa sa akin na s'yang kinabilis ng aking puso.
Fuck!
"Lisa,"Umiiyak na sambit ko sa kanya.
Tumingin naman s'ya sa akin at ngumiti. Pero parang nawasak ang puso ko nang makita na may luha na din sa kanyang mga mata"No, it's okay. Alam ko na naman, e"He said and wiped his tears.
"Lisa,"Hindi ko alam kung lalapitan ko ba s'ya o hindi"Hindi sa ganun"Umiiyak akong umiling sa kanya"It's just...."Napatigil pa ako"I'm not ready to let him go..."Halos walang boses na sagot ko sa kanya.
Nakita ko naman kung paano tumulo ang luha n'ya nang mapatingin s'ya sa akin"Pero maniwala ka, mahalaga ka sa akin"
Yumuko naman s'ya at pinunasan ang kanyang mga luha. Nang mag angat s'ya ng tingin sa akin ay umiiyak s'yang ngumiti"I know, at nararamdaman ko iyon, Jennie..."Agad s'yang umiwas ng tingin sa akin nang sunod-sunod ulit tumulo ang mga luha n'ya"Pero alam ko din na...na even you're here physically, your heart isn't here with me, and your mind obviously with someone else"
At parang tinusok ang puso ko paulit-ulit kung paano s'ya napahagulgol dito at napasapo ng kanyang mukha.
"Lisa, please don't say that"Astang lalapit ako sa kanya ay s'ya naman itong lumayo bahagya at mabilis na pinunasan ang kanyang mukha. Pero kahit anong gawin n'ya ay hindi parin iyon matigil"Mahalaga ka sa akin, and I still need you by my side"Pakiusap ko pa pero nag baba lang s'ya ng tingin sa sing-sing.
"Yeah, you just need me....but you don't love me, Jennie"Nag angat s'ya ng tingin sa akin at malungkot na ngumiti"You don't love me"Huminga s'ya nang malalim at tumingin sa taas upang pigilan ang luha n'ya na patuloy na bumabagsak.
Umiling-iling naman ako, hindi nakapag salita dahil sa pag iyak. Nang mag baba s'ya ng tingin sa akin ay bahagyang s'yang lumapit at hinawakan ang aking kamay.
"Lisa..."Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay, ayaw s'yang bitawan.
"And gusto ko lang na maging masaya ka, Jennie"Sambit n'ya at pinunasan ang aking mga luha"Kaya siguro mula ngayon, kahit na mahirap na bitawan ka, gagawin ko..."gumaralgal ulit ang kanyang boses at napayuko habang umiiyak"Maging masaya ka lang, Jen. Maging masaya ka"
"Lisa!"Mabilis ko s'yang niyakap nang mahigpit at umiling-iling na umiiyak. Hinawakan n'ya naman ang aking mga balikat upang mag kita ang aming mga mukha.
"You know naman na, as long as you're happy, masaya na din ako..."Umiiyak na sambit n'ya at pinunasan ang aking mga luha.
Parang alam nang panahon ang nangyayari sa amin ni Lisa dahil biglang umulan nang malakas.
BINABASA MO ANG
The Cure: Between heart and mind (book 2)
FanfictionJennie tried to love Lisa back but unfortunately she's still in love with Lisa. Not Lisa in real world but Lisa in her dream. Ano nga ba ang mangingibabaw para kay Jennie? Puso o isip? Panaginip o reyalidad? Mananatili nga ba s'ya sa nakasanayan n'y...