Jennie's POV
NAPATINGIN NAMAN ako sa mga stalls dito sa mall. Nandito kase kami sa mall, sa Manila dahil may reunion daw silang mag kakaibigan. Mag lalaro daw ang Moon University doon sa arena, tulad noon.
Parang naman kuminang ang aking mata nang may makitang isang stall na pambata ang mga damit. Ngumuso ako at tutuwa-tuwang nakatingin sa isang dress na pang baby.
"Why, baby?"Sa sobrang tulala ay hindi ko maintindihan ang sinabi ni Lisa sa akin"You want that?"Doon ako napatingin sa kanya nang marinig ang kanyang sinabi.
"Can we buy that?"Turo ko pa sa dress. Kumunot ang kanyang noo at sinulyapan ang gusto kong dress bago ulit tumingin sa akin.
"Sure"Napatalon naman ako sa saya"But why?"Unti-unti naman akong napatingin sa kanya habang nakaawang ang labi.
Para kay baby sana... Parang lumungkot naman ang puso ko dahil sa naisip.
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya bago mag pilit na ngiti sa kanya"'Wala...na cute-tan lang ako"Pilit kong 'wag ipakita na nalungkot ako. Ramdam ko naman na nakatitig s'ya sa akin bago ulit sa dress"Saka nalang natin I buy.. let's go"Sinabit ko ang aking kamay sa kanyang braso at ginaya nang umalis.
"Baby, are you sure you okay?"Tanong sa akin ni Lisa nang makauwi kami sa kanila, nasa room na namin kami ngayon. And Leo is now tulog sa kanyang room here"You look sad"Hinawakan n'ya ako sa pisngi upang napatingin ako sa kanya. Tapos na s'yang maligo, habang ako ay nakaupo parin dito sa kama.
"I'm okay, baby. I'm just tired"Ngumiti ako sa kanya pero alam kong hindi umabot hanggang mata. Lumuhod naman sa aking tapat si Lisa at sinilip ang aking mukha.
"Gusto mo bang samahan kitang mag bath?"Humaba naman ang nguso ko at mahina s'yang hinampas kaya napatawa s'ya. Alam kong gusto n'ya lang akong pasayahin.
"No, ayoko, mapapagod lalo ako"Wala sa sariling sambit ko kaya ganun nalang ang pag angat ng labi n'ya bago ngumisi.
"Saan ka mapapagod?"Ganun nalang ang pag ngisi n'ya na s'yang kinainit ng aking mukha.
"Puro ka kalokohan"Tumawa lang naman s'ya bago ako dampian sa noo"I'll just take a bath"Tumayo na ako at kinuha na ang damit na binili n'ya para sa akin kanina. Tumango naman s'ya at nahiga na sa kama bago mag tingin sa kanyang cellphone.
Napahinga naman ako nang malalim bago pumasok sa banyo. Sinaraduhan ko naman agad 'yon at tumingin sa salamin dito. Napahawak ako sa akin tiyan at hinaplos 'yon.
What if buntis nga ako? Ano kayang mararamdaman ni Lisa?
Para akong maliliyo sa kaiisip tungkol dito. Kung buntis man ako ay hindi dapat ako mag isip ng kung ano-ano para hindi ako ma stress, pero hindi ko parin maiwasan.
After kong mag half bath ay lumabas na ako at ganun nalang ang pag tingin ko kay Lisa na nakadapa na at halatang mahimbing nang natutulog.
Bigla tuloy akong nainis, hindi ko naman mapipigilan na makatulog s'ya pero naiinis lang ako dahil hindi n'ya man lang ako hinintay.
Padabog akong kinuha ang aking mga biniling cream at uungot-ungot na ginawa ang aking night routine.
"Kurimaw"Inis kong tiningnan si Lisa na natutulog parin. Gusto ko s'yang hampasin ng unan sa mukha or 'di kaya Itapon sa bintana dito. Ganun ako kainis sa kanya.
Nang matapos ako ay hindi parin nagigising si Lisa. Gusto ko na talagang umiyak pero pinigilan ko. Halos hindi na mag hiwalay ang aking mga kilay dahil salubong ang mga iyon.
"Nakakainis. I hate you"Inis kong bulong bago kumuha ng unan at kumot para sa couch matulog. Pakiramdam ko ay ayaw ko s'yang katabi ngayon dahil papangit ang gising ko kinabukasan pag nakita ko s'ya.
BINABASA MO ANG
The Cure: Between heart and mind (book 2)
FanficJennie tried to love Lisa back but unfortunately she's still in love with Lisa. Not Lisa in real world but Lisa in her dream. Ano nga ba ang mangingibabaw para kay Jennie? Puso o isip? Panaginip o reyalidad? Mananatili nga ba s'ya sa nakasanayan n'y...