Special Chapter

776 17 0
                                    

Here's the special chapter. Hehehehe Hope you like it. Enjoy reading, gays:))

Pantaleon's POV

"LEO, SWEETIE, pakitulungan naman si Samantha na mag buhat ng kanyang mga gamit. Please, anak"

Ganun nalang ang pagkunot ng noo ko dahil sa sinalubong sa akin ni mama na ngayon ay abala sa pag te-treadmill, malapit sa may pool area namin.

"Why me po?"Tanong ko pa at dimpian ng halik ang kanyang sentido.

"Why you?"Napatigil s'ya at pinunasan ang kanyang pawis gamit ng small towel n'ya"Oh, sweetie, come on. And I already told you, she's going to stay here muna, right?"

"Why po?"

Doon na umangat ang kilay ni mama, napaiwas ako ng tingin. Once na umagat ang kilay n'ya alam ko na dapat sundin ko s'ya.

Wala naman akong magawa kundi ang tumango at lumakad na papalabas ng bahay. Hindi pa naman nakakalapit ay napangiti na agad ako nang makita si Samantha na ngayon ay hirap na hirap kunin ang mga gamit n'ya sa kotse n'ya.

Wala namang nagbago sa kanya pero mas lalo s'yang gumanda sa paningin ko. Iyong dating maikli n'yang buhok, ngayon ay halos umabot na sa kanyang waist.

Mas tumangkad s'ya dahil halatang namayat s'ya ng konti. All I can say here was she's beautiful, like an angel from above.

Sa sobrang abala n'ya sa pagkuha ng kanyang gamit ay hindi na n'ya napansin na nakalabas na ako ng gate.

Ako pa ang nahihirapan sa ginagawa n'ya dahil hawak-hawak n'ya ang lid nung trunk tapos ang isa n'yang kamay ang gamit n'ya sa pagkuha ng mga boxes.

Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang kanyang likod. Hapit na hapit ang kanyang red dress na ang igsi ay hanggang taas ng kanyang tuhod.

Ganun nalang ang pagsama ng tingin ko nang may makitang kotse na binabagalan ang takbo at halatang si Samantha ang tinitingnan.

At once na nakita n'ya akong nakatingin sa kanya nang masama ay agad n'yang pinaharurot ang kotse n'ya.

Tss!

Ganun nalang ang pag Iling ko at hinawakan na ang trunk ng kotse ni Samantha.

"Ako na"Sambit ko pa, sa mga boxes nakatingin. Ramdam ko naman ang pag lingon n'ya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya.

"Oh, my gosh..."Ganun nalang ang paglaki ng kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Tss!

"Baby!!"At ganun nalang ang tili n'ya at binitawan ang hawak n'yang box. Huli na para makaatras ako dahil bigla n'ya akong niyakap.

Hindi ko magawang makagalaw, bukod sa yakap n'ya ako, hawak ko parin iyong trunk.

"Oh, my gosh, baby! I can't believe that you're here. I mean, are you excited to see me, hmm?"Nakayakap n'ya paring sambit sa akin.

"What?"Ganun nalang ang pagkunot ng noo ko.

"So, sungit naman, e"She giggles and pinch my nose. Umiwas ako ng tingin dahil naasiwa ako"Ang sungit mo. Ngayon nga lang ulit tayo nagkita"Nguso n'ya pa bago ulit ako pagmasdan"Grabe, mas lalo kang gwumapo. I mean, you're gwapo na pero ngayon..."Tumingin pa s'ya sa akin at parang kinikilig pa.

"And you're still crazy"Iling ko pa at binaling nalang ang tingin sa mga gamit n'ya. What the? Ang dami naman. For good ba s'ya dito sa mansion?

"Yes, crazy nga"Rinig ko pang sagot n'ya sa akin"Crazy over you"

Fuck!

At ganun nalang ang paghawak ko sa aking ulo nang malaglagan ako ng trunk dahil nabitawan ko.

"Shit..."Napapikit ako at nakapahawak sa aking ulo.

The Cure: Between heart and mind (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon