Chapter 17

465 19 0
                                    

Jennie's POV



"How have you been? Bakit ngayon ka lang bumalik?"

Iyon ang tanong nila sa akin once na nakarating kami sa restaurant.

Napayuko naman ako sa aking mga kamay bago bumuntong-hininga"Ang daming nangyari sa atin noon, kung hindi ako aalis, baka hindi ko na makayanan pa"Sagot ko naman.

"What do you mean?"Tanong ni Rosé at hinawakan ang aking kamay"About ba Ito kay Lisa?"Napaangat naman ang tingin ko sa kanya.

"Sa lahat, Rosé"Sagot ko at pinunasan ang aking luha"I had to go to a therapist...."I whispered. Ramdam ko na natigilan sila habang nakatingin sa akin"The impact of...everything that happened. It was too much for me to handle"

"Jennie...."Umiiyak na hinawakan ni Irene ang aking kamay"We're sorry, we didn't know"

"It's fine..."I gave them a small smile"I'm okay now. I'm happy because I made it."

"Pero wala kami kung kailangan mo ng masasandalan. We're very sorry, Unnie"Umiiyak na ding sambit ni Rosé sa akin. I wiped her tears and caressed her cheeks.

"Rosé, it's fine. I had Kuya JK by my side."Sagot ko naman sa kanya.

"We heard that your father still in jail"Napatingin naman ako kay Jisoo.

"That's better"Sagot ko naman sa kanya.

"But he's still your father, right?"Si Seulgi naman.

"Yes, Seulgi, he's my father but hindi ko mapapatawad ang mga nagawa n'ya"Dagdag ko pa"Madami s'yang tao na nasira, and I'm one of those people"Nakayuko ako"I loved my dad...so much, and all of a sudden, it was gone"

Napatahimik kaming lahat, hindi na alam ang sasabihin pa. Huminga naman ako nang malalim at ngumiti sa kanilang apat. Sila parin iyong apat na kaibigan ko. Yes, they're now matured and successful but alam ko na hindi parin sila nagbabago.

"Wag na muna natin iyan pag-usapan"Irene said and wiped her tears"Ang mahalaga ay okay ka na at nandito, kasama namin"Ngiti n'ya pa kaya napangiti din ako.

"Yeah. Awhile ago, I was so scared because I thought, you guys were mad at me"

"Galit nga!"Sagot ni Jisoo pero agad ding dumaing sa sakit nang hamapasin s'ya ni Rosé"I mean, tampo lang pala. Hindi galit"Nguso ni Jisoo kaya naman napatawa ako. I know naman na kahit nag uusap kami, may galit parin sila sa akin or tampo, and I can't blame them. Babawi ako sa kanila para mawala iyong mga nararamdaman nila para sa akin.

"Don't mind him, Unnie."Sagot ni Rosé at tumingin sa akin"Kailan ka pa bumalik?"

"Actually, kanina lang"Sagot ko naman sa kanya"Nauna dito si Kuya because Jimin is getting married and kailangan n'ya si Kuya"

"Oo, ikakasal nga si Jimin"Sagot naman ni Irene"Actually, invited nga kami kaya nandito kami upang bumili ng mga dadalhin namin sa Palawan at regalo para sa kanila"Dagdag n'ya pa"Siguro tinadhana talaga tayo na mag kita-kita"

"Siguro nga"Sagot ko naman.

"Order kaya muna tayo ng food. Gutom na ako, e"Sambit ni Jisoo at hinawakan ang kanyang tiyan."Waiter"Tawag n'ya pa sa waiter kaya naman nag order muna kami bago ituloy ang pag uusap namin.

"So, ilang years na kayo?"Tanong ko naman kina Seulgi at Irene.

"Ito, mag fi-five years na. Swerte n'ya sa akin, no?"Ngisi pa ni Irene at tiningnan si Seulgi na ngayon ay tumango nalang. Napatawa naman ako. Naalala ko pa kung paano mag bangayan ang dalawa nung mga college pa kami.

"How about you, guys?"Kina Rosé naman ako tumingin.

"Niligawan ko iyan, two years. Ngayon, mag fo-four years na. Pakipot kase itong bebe ko, alam ko naman na love ako"

The Cure: Between heart and mind (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon