Jennie's POV
"Kumusta si JK? Okay na ba s'ya?"
Tanong sa akin nila Irene after malaman ang nangyari kay kuya. Ilang days na din ang lumipas noong mangyari iyon and buti nalang hindi masyadong nasaktan si Kuya.
Naabutan ko nalang sa bar ay ginagamot ni Kuya ang kanyang sarili sa mag VIP room, kasama ang mga kaibigan n'ya. I asked him what happened, then he said, may nakainitan lang s'yang lalaki.
"Okay naman, hindi s'ya masyadong nasaktan. Naki Kuya RM s'ya ngayon"Napatango naman sila. Nandito kami ngayon sa gazebo dahil wala pa kaming class.
"Anyway, Unnie"Sambit ni Rosé at tumigil sa pag nguya"About doon sa idodonate ko, okay na, ibibigay ko nalang sa'yo later"
"Really?"Tumango naman ako"Oh, gosh! Thank you"Ngumiti naman s'ya sa akin bago kumain ulit.
"Ay, Ito pala iyong sa akin"Sambit ni Irene at Inabot ang isang white envelope"Sana makatulong"
"Bae, malaking tulong na ito"Ngiti ko sa kanya at kinuha Iyon"Girls, thank you talaga. Malaking pera ang madodonate natin sa mga batang mangangailangan nito"Sambit ko pa sa kanila.
"Ano ba, masaya ako na makatulong"Ngiti ni Irene sa akin"Pera lang iyan, ang mahalaga ay iyong kasiyahan ng mga bata"Dagdag n'ya pa, tumango naman kami sa kanya.
"Iba na talaga ang epekto sa'yo ni Lisa, ah"At ganun nalang ang gulat ko sa sinabi ni Rosé sa akin"I'm happy for that"
"True"Tumango-tango si Irene"Simula noong makilala mo si Lisa, parang biglang nag iba no? I mean"
"Bakit, ano ba ako noon?"Tanong ko naman sa kanila. Napatingin naman sila sa isa't-isa bago sa akin.
"Beh, hindi mo alam? Grabe ang pag kataray mo, walang hihigit doon. Kahit ibang profs dito, natatakot sa'yo dahil sa katarayan mo, e"
Huh?
"What? Really?"Tanong ko talaga, napatingin naman sila sa akin bago tumango.
"Tawag naman sa'yo ng iba 'Queen bee'. Oo kaya, ang taray-taray mo"Sagot pa sa akin ni Irene at tumawa. Hindi nalang ako nag salita, napaisip nalang ako bago napailing.
After that, pumunta na kami sa aming mga klase. May training kami mamaya kaya naman late na akong makakauwi mamaya.
Naalala ko naman ang sinabi ni Irene habang nasa gazebo kami. Mataray ako? Paano? Ang alam ko, wala akong tinatarayan na mga tao. Yes, I admitted, may pag kamataray ako pero hindi ko naman iyong pinapakita sa mga taong walang ginagawa sa akin.
May kinalaman ba iyong panaginip ko kaya hindi ko naalala na mataray ako?
Sa panaginip ko, ordinaryong estudyante lang ako. Walang kaaway or kagalit. Hindi ko din naririnig na tinatawag akong 'Queen bee'.
Bakit ganun?
Umiling nalang ako at pilit na hindi isipin iyon. Kung ano man ako noon, hindi na ako ganun ngayon.
Pumunta na ako sa aming training after my class. Malapit na ang CDC kaya talagang hinahapit na namin ang training.
Nang makarating ako sa court ay nag usap-usap lang kami nila Sunoo. Of course, hindi mawawala sa topic nila si Lisa kahit taga moon iyon at hindi taga dito sa YG.
"Bumalik na ba s'ya sa laro?"Tanong pa sa akin ni Ate Sorn.
"He told me na baka hindi parin s'ya makalaro but nandoon parin s'ya sa game"Sagot ko sa kanya at uminom ng aking tubig.
"Grabe nangyari sa kanya no? Buti nalang at gumaling na"Sambit naman ni Elly"Anyway, anong meron sa inyo ni Lisa? Kayo na ba, hmm?"Agad n'yang ngumisi at tinukso ako.
BINABASA MO ANG
The Cure: Between heart and mind (book 2)
Fiksi PenggemarJennie tried to love Lisa back but unfortunately she's still in love with Lisa. Not Lisa in real world but Lisa in her dream. Ano nga ba ang mangingibabaw para kay Jennie? Puso o isip? Panaginip o reyalidad? Mananatili nga ba s'ya sa nakasanayan n'y...