Chapter 6

388 17 1
                                    

Lisa's POV


PARANG kinuryente ang paa ko dahil sa sobrang. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko dahil sa nangyari.

"Ano anak, kaya mo pa ba?"Nag aalalang tanong ni mama sa akin. Napag alala ko pa tuloy s'ya.

"Opo, mama"Sagot ko nalang sa kanya upang hindi s'ya mag alala kahit talagang masakit ang aking paa.

Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa laro, wala akong ideya kung panalo ba kami o hindi. Pero may tiwala ako sa team ko, kaya nila iyong ipanalo.

"Lisa"Napatingin naman ako kay Coach Dave, Isa sa mga coaching staff ng team namin.

"Coach"Sagot ko naman, may kasunod sa kanya na isang doktor at nurse.

"What happened to the patient?"Tanong ng babaeng doktor kay coach.

"Sprained ankle, doc"Sagot ni Coach sa kanya.

"Lemme see"Lumapit ang doktora at tiningnan ang aking paa"Kailangan n'ya ng Ortho"

"Ano pong Ortho, doc?"Tanong ng aking kapatid sa doktora.

Ngumiti bahagya si Doc"Orthopedic, espesyalista sa mga buto, hija"

"Ah, ganun po ba?"Tumango si doc sa kanya"Hindi naman po malala ang nangyari sa Kuya ko po, diba?"

"Titingnan pa natin kung may nabili bang buto sa kuya mo"Sagot ni doc sa kanya bago tumingin sa nurse na kasama"Nurse, Ikaw na muna ang bahala dito, I'm going to call Doc Tim."

"Yes, doc"Sagot nung nurse at sinabi na mahiga muna ako dito sa bed at nilagay ang aking paa sa unan. Kumuha s'ya ng bandage at pinalibot sa aking paa.

Hindi naman ako Iniwan nila mama dito sa loob. Sabi ni Coach Dave, nanalo ang team namin kaya medyo natuwa ako.

Ilang minuto pa akong nanatili doon. Naupo naman ulit ako nang may pumasok na isang doktor, Ito na ata iyong orthopedic.

Tiningnan n'ya din ang aking paa bago tumingin sa akin"Kailangan natin max-ray ang paa mo"Sambit n'ya pa sa akin, tumango naman ako.

Napatingin pa ako sa labas dahil parang naririnig ko na ang ingay ng teammates ko. Alam kong nag aalala sila sa akin.

Napapikit pa ako nang maramdaman ko na sumakit ulit ang aking paa. Nakahawak si mama sa akin balikat upang alalayan ako.

"Nurse, pakidala s'ya sa x-ray room"Sambit nung doktor kaya agad kunuha ng wheelchair ang nurse at inalalayan na akong maupo doon.

"Fuck!"Walang boses na sambit ko pa at napasapo nalang ng noo. Grabe, hindi ko inaasahan na mangyayari ito.

At once na nailabas ako ay doon ako napatingin sa aking mga teammates na ngayon ay naghihintay sa akin.

"Capt"Iyon ang sabay-sabay nilang sambit sa akin.

Lumapit si Jisoo sa akin"Saan ka dadalhin? Sa ICU ba? Huhuhuhu! Capt, hindi ko kaya"Madrama n'ya pang sambit at niyakap ang aking braso.

"Baliw, sa x-ray room ako dadalhin"Sagot ko sa kanya kaya ganun nalang ang pagbitaw n'ya sa akin. Natawa naman ang buong team.

"Ah, ganun ba? Bakit hindi mo agad sinabi?"Iling n'ya pa.

"Ate Jennie!"At ganun nalang ang pag singhap ko nang marinig ang sinabi ng aking kapatid. Agad akong lumingon sa aking likod at parang nawala ang sakit ng aking paa nang makita si Jennie, nakatingin din sa akin habang kasama sina Irene.

Jennie....

Nakauniform pa s'ya at halatang hindi pa nakakauwi sa kanila. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

The Cure: Between heart and mind (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon